Pag uwe sa kubo ay diretso sa pag eensayo si Siargao. Tila naman isang mabait na bata si Siff na naupo lang sa labas ng pinto ni Siargao. Hanggang ngayon ay hindi niya maalis sa isip ang nangyare kanina. Hindi niya inakala ang isang inabandonang gat ng mga balaraw ay may ganong karaming pera.
Habang nag mumuni muni palang si Siff sa labas ay inilagay na ni Siargao sa dimensyon ang kanyang mga punla at inutusan si Ravenna na itanim ang mga iyon. Pero syempre bago pumayag si Ravenna ay nag bunganga muna ito at napagpasyahan ni Siargao na sundin ang payo ni Calix noon.
Kailangan nya ng mga nilalang na titira sa dimensyon niya.
Syempre kunware lang iyon, ang kailangan niya ay mga nilalang na handang maging tagapagbantay (tagatanim at tagalinis) ng dimensyon niya.
Pero saka na yan kailangan na niyang mag ensayo!
Inilabas niya ang isa sa tatlong puno na nasa tatlong dangkal lang ang taas.
Dahil si Calix ang iniisip niya para sa gagawin niya ay naisip niyang energy replinishing nalang ang gagawin niyang gayuma na isasama niya sa halaman. Syempre isang beastman si Calix eh. Buti nalang talaga pala at hindi zen ang meron sya. Dahil dun nakilala niya ang halimaw sa buhay niya.
Una ay gumawa muna sya ng sandamakmak na energy replinishing potion.
Dahil sa dami ng ginawa niya ay inabot sya hanggang madaling araw kung kailan halos maubos na niya ang nga nakaimbak niyang mga halamang gamot. Ito na ang panglimang araw niya.
Hindi niya minadali kasi baka magkamali sya kahit alam niya na nanganganib sya sa oras.
Naglabas lamang sya ng sampo ang iba ay tinabi niya.
Binalingan nya ang halamang nasa tabi niya at binunot ng dahan dahan sa paso kasama ang ugat. Dahan Dahan at maingat para makasiguradong walang ugat na mapuputol.
Inilagay niya ang unyano sa banga at binuhos ang sampong gayuma.
Gamit ang puting enerhiya ay sinubukan niyang papasukin ang gayuma sa ugat ng puno.
Naging mabagal ang proseso pero gayunpaman hindi tumigil si Siargao.
Isa, dalawa,.. Lima at sampong oras pero hindi pa nakakalahati ang mga gayuma.
Hapon nanaman at wala pang kain si Siargao, ilang araw na pero wala siyang pakialam. Nalilimutan niya ang lahat pag may ginagawa sya. Lalo na ngayon na may kakayahan na sya at ito ay para sa ranking.
Nagsisimula nang sumakit ang sikmura ni Siargao pero wala parin itong balak tumigil.
Nang maipasok ni Siargao sa ugat ang mga gayuma ay kita niya kung paano nagkaroon ng berdeng tuldok tuldok ang kahel na bunga ng unyano pero bago pa makangiti si Siargao ay napabuga sya ng dugo at nalanta ang puno.
Pinunasan ni Siargao ang dugo sa labi niya.
"Masyadong naging mabilis ang galaw ko. Tsk sayang tong halaman."
Itinabi ni Siargao ang nalantang halaman at muling naglabas ng panibago.
Uminom sya ng magic water mula sa dimensyon niya. Nagpahinga siya ng kalahating oras bago muling nagsimula.
Ngayon ay dahan dahan ang ginawa niya.
Sampo, dalawampong oras...
Nawalan na ng kulay si Siargao at nakailang buga na sya ng dugo at pati ilong niya ay nagdudugo na at walang tigil pero parang wala syang nararamdaman pero sa totoo lang namanhid na sya ang nasa isip niya lang ay ang ranking, ang makapasok sa ranking.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasíaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...