Naging tampulan ng asar sina Kiri at Heter lalo na galing kina Calix na pasimple at kay Blake na maya't maya kung bumanat.
"Anlamig ng panahon, buti pa yong iba jan may nagpapainit na. Swerte nyo talaga. Sana may makasalubong din akong paraluman na magkakagusto sakin."
Kanina pa tinitiis ni Heter ang mga banat ni Blake at ang mga ngisi ni Calix.
"Walang ganun. Hindi ka si Heter."
Dali ni Hali.
"Hay sana all may makasalubong na magiging kasintahan." segunda ni Via.
"Magligtas ka din ng ginoo jan sa tabi tabi." ani naman ni Ysay.
"Wag na kayong umasa, kambal ko lang ang makakatagpo ng ganun. Maging ampalaya din kayo sa relasyon ng iba malay niyo maawa ang Maylikha sainyo ipagtagpo din kayo sa magiging asawa nyo."
-_-//
Kanina kasintahan tapos naging asawa agad?
"Hayst tigilan niyo na nga si Heter isa pa hindi pa kami magkasintahan lalo na mag asawa. Nililigawan ko palang sya."
Saglit na natahimik ang lahat bago bumuhaglit ng pagtawa.
"Lintek! Sana all nililigawan ng isang paraluman!" sigaw ni Blake na pulang pula na sa kakatawa.
"Pucha pre ano ka binibing berhen?!" segunda ni Heder na pulang pula na sa katatawa.
"Kuya anong nahithit mo ikaw pa ang nililigawan?!" ani naman ni Siargao na nananakit na ang tyan sa kakatawa.
Andami pang aasar na binato ng grupo kay Heter na kinapula ng tenga nito.
"Hayst! Inggit lang kayo. Ikaw ikaw!" Turo niya kay Siargao at Ysay.
"Mga paspasing nilalang! Mga hindi dumaan sa proseso! Ikaw! Ikaw!" turo naman niya kay Hali at Calix.
"Mga hindi marunong dumaan sa proseso gusto agaran agad!"
Binalingan naman niya ang ibang walang kasintahan maski ang kakambal.
"Kayo! Mga tatandang walang magiging kabiak! Mga inggit kung gusto niyo mag hanap din kayo ng liligaw sa inyo! Mga peste!" sigaw niya na lalong kinatawa ng grupo.
Dahil sa inis ay pabalibag na bumaba si Heter sa unang palapag at pumasok sa kanyang silid.
Nakasimangot namang sinundan sya ni Kiri.
Ilang araw pa ang tinagal ng pag aasar nila kay Heter hanggang sa nagsawa narin sila at nasanay na makitang laging magkasama ang dalawa.
Isang gabi habang natutulog ang lahat may isang malaking agila ang lumilipad lipad sa taas ng barko sa likod nito ay isang babae na may tabing ang mukha.
Nagtapon ito ng alikabok mula sa ere bago hinaplos ang higanteng agila.
Lumipad pababa ang higanteng agila at lumapag sa veranda. Nang makababa ang babaeng lulan nito ay naging tao ang agila na balot ng benda. Sa hugis ng katawan nito ay msasabing babae ito.
"Ravenna"
Isang beses lang binanggit ng babae ang salitang iyon ay nagising na agad si Ravenna mula sa dimensyon ni Siargao.
Hindi sya mapakali at pinipilit gisingin si Siargao.
Napilitang gumising si Siargao dahil sa boses ni Ravenna sa isip niya na paulit ulit syang tinatawag.
"Siargao may nararamdaman akong presensya, pamilyar iyon pero hindi ko makilala. Tinatawag niya ako."
"Ayos ka lang ba? Nananaginip ka ata eh! Inaantok pa ako!"
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...