Pangalawang araw sa treasure ground.
Maulap ang kalangitan at nagbabadya ang ulan. Pero hindi sinayang ng lahat ng grupo ang araw. Limitado lang ang araw na dapat nilang ipaglagi sa treasure ground dahil lalabas ang mga treasure ground guardians para palabasin sila pag natapos na ang ibinigay na palugit sa kanila.
Ang mga treasure ground guardians ay mga tagapag bantay ng treasure ground, mga espirito ito na maging ang pinakamalakas sa buong continente na ito ay hindi sila matatapatan.
Para masulit ang oportunidad ipinagsawalang bahala ng mga grupo ang nangingitim na ulap.
Sa grupo nina Siargao mapalad sila dahil nakakita sila ng kahon na may isang metrong taas at dalawang metrong haba.
"Wag kayong mapusok. Hindi natin alam kung anong nasa loob maaaring patibong ito na iniwan ng mga naunang pumasok dito." paalala ni elder Aries ng makitang bubuksan na ng mga mag aaral ang kahon at sinang ayunan ng iba ang naging babala niya.
"Anong plano? Napakabigat nito hindi naman pwedeng buhatin natin ito may dalawang araw pa bago matapos ang pangangalap natin." ani naman ni elder Kris.
"Elder Felix pano kaya kung gamitan natin ng item?" suhestiyon ni Heira na ngayon lang nagsalita.
Kumislap ang mata ng lahat. Oo nga no.
"Susubukan ko. Heira tulungan mo ako, magandang pagsasanay ito para sayo."
Lumayo ang lahat at tanging si Heira at elder Felix lang ang malapit sa kahon.
Balak nilang gumawa ng magic door.
Ang magic door ay maliit na pinto na pwedeng idikit sa kahit anong walang bukasan tulad ng ding ding. Sa pamamagitan nito ay mag kakaroon ng pintuan ang mga walang bukasan na mga pader o maging gamit.
Gamit ito kahit hindi nila mabuksan ang taklob ng kahon idikit lang nila ito sa taas ng taklob at may bukasan na.
Tatlong oras ang tinagal ng dalawa sa pagpanday at natapos din nila ito.
Pero sinong mag aakala na hindi ito eepekto?
"Paanong?!" hindi makapaniwala si Heira at sinubukang buksan ito pero ganun parin, palpak.
Nang idikit nila ang item ay walang pekto. Parang pinatong lang nila ang isang normal na pinto sa ding ding na walang butas. Pagbukas nila ay taklob parin ng kahon ang nakita nila.
Ilang beses pa silang sumubok hanggang sa halos lahat sila ay nasubukan ng ibukas- sarado ang pinto pero wala talaga. Nang si Siargao na ang lumapit ay hindi niya pinansin ang magic door sa halip ay yumuko sya at pumantay sa kahon.
Kanina niya pa napapansin na pag natatakpan ang sinag ng araw ay may kumikinang sa banda kung saan nagtatagpo ang taklob at kahon.
Hinila niya si Calix at ginawang pananggalang sa araw at hindi sya nagkakamali.
"Tama ba itong nakikita ko?! May selyo ang kahon?!" pagkumpirma ni elder Felix.
Humahangang napatingin si Heira kay Siargao. Ang lapit lapit nila kanina sa kahon pero hindi nila ito napansin.
"Kung hindi ako nagkakamali ay locking seal ito." pag usisa ni Elder Kris.
"Sya nga. Para makalas ang locking seal kailangang sagutin ang katanungan na iniwan ng nagselyo."
Pagkatapos sabihin iyon ni Calix ay umangat sa ere ang mga kumikinang na letra ng selyo.
"Magtipon tayo para harangan ang araw, sa dilim lang makikita ang selyo. Bilis ang kilos sayang ang oras!" agad tumalima ang lahat para sundin ang sinabi ni Via at totoo nga. Naging klaro ang kumikinang na bagay at nabuo bilang salitang baybayin.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...