77

493 46 4
                                    

Gabi na ng magising si Siargao, kaya ng bumaba siya ay oras na para sa hapunan.

Hindi sumabay sa hapunan ang reyna na kinagaan ng loob ni Siargao.

Naging tahimik ang hapunan lalo na't iba ang tensyon na bumabalot sa hari at sa dating hari at reyna.

Pagkatapos din ng hapunan ay nag kanya kanya na ang lahat. Ang hari at ang dating hari ay abala sa mga bagay na may kinalaman sa coronation habang ang dating reyna ay naka alalay para sa mga bagay na may kinalaman sa awakening.

Hindi na sila dinistorbo pa ni Siargao at umakyat na sa kwarto niya. Nakasalubong niya ang kuya niya na naghihintay sa may pinto .

"Kuya" tinanguan sya ni Heter pero hindi umimik.

"Ahm may problema ba kuya?"

Umiling lang si Heter bago walang sabi na niyakap ang pinsan.

"Siargao kuya mo ako ano man ang mangyare nasa tabi mo lang ako, tandaan mo iyan. Kung may bagay man na gumugulo sa isipan mo wag kang mahihiya na magsabi sa akin."

Niyakap pabalik ni Siargao si Heter .

"Kuya, iisa lang naman talaga ang gumugulo sa isip ko eh." Humiwalay si Heter at tinitigan ang pinsan sa mata. Seryoso ito at parang sinasabi na ano man iyan gagawin ng kuya ang lahat.

"Kuya,"

"Hmm?"

"Kailan mo sasagutin si Kiri?"

"..."

Walang awang tinulak ni Heter si Siargao patabi at parang tuod na naglakad palayo.

Humagalpak naman ng tawa si Siargao at napasandal pa sa pinto ng kwarto niya.

Pagpasok niya sa loob ay muling nawala ang ngiti sa mukha nya na para bang hindi talaga sya ngumiti kanina lamang.

Sa panig naman ni Heter hindi talaga sya natuwa sa sinabi ng pinsan. Pero alam niyang paraan lang iyon ng pinsan para itago ang tunay niyang nararamdaman.

Napabuntong hininga na lamang sya pero ng maalala ang biro ng pinsan nainis agad sya.

Sa totoo lang hindi niya din alam kung anong mararamdaman tungkol kay Kiri. Nitong mga nakaraan lagi itong nasa kusina at nag aaral magluto dahil nalaman niyang mahilig kumain si Heter ng maaalat na mga ulam. Tapos pagkatapos niyang mag aral magluto ipapatikim niya iyon sa knya.

Noong una hindi niya alam na si Kiri ang nagluto, kaya ng ipatikim sa kanya idinura niya iyon. Pano ba naman kasi, lasang asin! Nasobrahan naman sa alat!

Pero nagulat sya ng makitang namula agad ang ilong ni Kiri at nanubig ang mata nito. Pero hindi siya nagsalita at agad kinuha ang plato.

Sa taranta ni Kiri ay ang dalwang kamay ang ginamit niya para kunin ang plato at nakita ni Heter ang mga sugat sa mga daliri niya dulot ng pagluluto. Nang makaalis na si Kiri noon ay agad syang binatukan ng kambal niya. Sabay sabing,

"Tarantado ka talaga alam mo bang sobrang effort ang ginawa ni Kiri?! Mula sa pamimitas ng gulay sa paghuli ng common beast ay ginawa niya ang lahat hanggang sa pagluluto. Ni hindi sya nagpatulong para paglutuan ka! Tapos ni hindi ka manlang kumurap para iluwa ang pinaghirapan noong tao! Hay nako! Wag sanang magsawa yang si Kiri at sigurado akong pag sisisihan mo kung sakali!"

Tandang tanda pa ni Heter ang sinabi noon ni Heder at ilang araw na rin syang binabagabag noon, lalo na at hindi na niya nakikita madalas si Kiri.

Hindi alam ni Heter kung bakit napunta sya sa bukana ng kusina, basta nakita nalang niya ang sarili niya na nakatayo sa bukana ng kusina at nakatingin kay Kiri na seryosong nakikinig sa isang tagapagluto kung paano magtansya ng lasa para sa isang putahe.

Nang tignan ni Heter ang mga sangkap na nasa tabi ni Kiri ay batid niyang ang niluluto ng dalaga ay isa sa mga paborito niyang ulam.

Hindi alam ni Heter kung bakit pero nilalamon na sya ng konsensya niya. Sa totoo lang ay alam niyang sa ngayon wala pa talaga syang nararamdaman para sa dalaga. Hindi niya mapilit ang sarili para magustuhan ang dalaga kahit na alam niyang walang mali kay Kiri.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang dalaga bago humakbang patalikod at umalis.

Samantala sa dimensyon kung saan nag eensayo si Siargao,

"Konting bilis pa Siargao! Nakikita ko padin ang hakbang mo!"

Nananakit na ang ulo ni Ravenna at Kalil sa bagal ng progreso ni Siargao.

Nagtinginan ang dalawa at nag usap ng palihim kung paano i ti trigger si Siargao.

At napunta sila sa isang conclusion.

"Siargao, wag mong kakalimutan kung bakit ka nandito. Kung hindi mo pipiliting maging malakas hindi uurong ang paghihiganteng inaasam asam mo." Biglang sabi ni Ravenna na kinatalim ng mata ni Siargao.

Hindi, hinding hindi niya makakalimutan ang dahilan kaya sya pumayag na pumunta dito.

"Pano ka makakapaghigante kung simpleng Shadow step lang hindi mo magawa?! Kung ang simpleng sword technique na thousand cuts ay napakatagal bago mo magamay?!" Dag dag ni Kalil na nagpatuod kay Siargao.

"Arf arf arf!"

Tama sila, kung mananatili sa ganito ang asenso ng kakayahan niya pano niya mahahanap ang mga pumatay sa lolo niya?! Paano niya maipag hihigante ang sinapit ng lolo niya at ng pamilya niya?!

Tumalim ang emosyon sa mata niya at nang iangat niya ang tingin niya kina Kalil at Ravenna ay halos mapaluhod ang dalawa sa panlalambot.

Anong klaseng tingin yan?! Tingin ng isang devil!

Hindi alam nina Kalil kung tama ba  ang naging desisyon nila na pausbungin ang galit sa loob ni Siargao.

Wala pang isang iglap ay naramdaman na ng dalawa ang sampong lapat ng malalamig na kamay ni Siatgao sa nga katawan nila.

Biglang tumahol si Atsui at napaupo habang sina Kalil at Ravenna ay napaatras at natumba palikod dahil sa gulat.

Nakatalikod si Siargao sa kanila kaya hindi nila makita ang emosyon nito ngayon pero kitang kita nila na nababalot ng lila, pula at puting enerhiya si Siargao na parang pinanlilibutan sya ng apoy sa buong katawan.

Napalunok si Ravenna habang si Kalil naman ay napupunas ng pawis.

"Pasado na ba?" Tanong ni Siargao na kinakalma ng sarili. Hindi niya alam kung bakit pero parang gumaan ang pakiramdam niya.

"O-o-oo! Ma-magaling! Ganun ganun dapat ha ha ha" sagot ni Ravenna na inaalalayan ni Kalil patayo.

"Sa tingin ko magiging matagumpay na ang thousand cuts." Segunda ni Kalil.

"Bukas, bukas may ensayo tayo sa labas ng dimensyon." Ani ni Ravenna bago makaalis si Siargao na hinihingal.

Paglabas ng dimensyon ay napaluhod si Siargao.

Nakita niya ang repleksyon niya kanina sa mga mata nina Kalil at Ravenna, isang Siargao na hindi makatao ang itsura! Isang Siargao na uhaw sa dugo!

Bumaba ang tingin niya sa palad niya na may dugo at marka ng sugat mula sa kanyang sariling mga kuko.

Muntik na syang lamunin ng kanyang emosyon kanina kaya napahigpit ang kamao niya at bumaon ang mga kuko niya sa palad niya. Ito lang ang naisip niyang paraan kanina para magising sa reyalidad kanina.

Samantala sa dimensuon.

Dahil sa lakas ng kapangyarihang lumabas kay Siargao may isang nilalang ang naapektuhan at nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

Ang inaakalang beast egg ng lahat ay mapipisa na.

*****

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon