Madaling araw na ng magising si Siargao. Mahimbing parin ang tulog ni Calix dulot na din ng potion na pinainom ni Siargao.
Nanatiling nakatitig lang sya sa maamong at napakagwapong mukha ni Calix.
Ang mukha na magiging ama ng nasa sinapupunan niya.
Hinaplos niya ang mukha ng binata at tumulo sa pisngi nito ang isang patak ng luha mula sakanya.
Hindi sya natatakot na baka magising ito dahil sa gayuma na pinainom niya dito.
Bukas pa ito magigising.
"Siargao, kailangan na nating bumalik."
Hindi agad kumilos si Siargao, bagkus ay humiga pa ito sa dibdib ni Calix at pinakinggan ang bawat tibok ng puso ng binata.
"Don't, don't stop beating for me. Please" Ani niya at sa isang kumpas ay nasuutan na ng damit si Calix ganun din sya.
Binigyan niya ng isa pang halik sa noo si Calix bago tuluyang umalis.
Diretso sya sa sariling kwarto at sinuot ang restraining bracelet na noo'y suot ni Kalil.
"Hindi mo ba sasabihin sa mom mo? May familiar ka-"
"Mamamatay si Alexis, pag nagkataon. Kalil, wala na kong pag asa kahit makipag kontrata ako. Pero hindi ako susuko. Pagkaraan ng limang buwan, lalaki na ang tyan ko. Gusto kong igawa mo ako ng paglilipatan sa bata, dahil sa araw na iyon, ang araw na iyon ang katapusan ng lahat. Pagod na ko. Tatapusin ko na ang lahat." Ani ni Siargao na nanghihina.
Napaiwas ng tingin si Alexis at kinagat ang labi sa inis. Hanggang sa huli, hanggang sa huli hindi niya maprotektahan ang kuya Siargao niya. Hanggang sa huli sya parin ang pinoprotektahan ng master niya.
Anong destined familiar?! Wala siyang kwentang familiar!
Naupo si Siargao sa gilid ng kama at nakatulala sa labas.
Patawad anak, madadamay ka sa gulo ng dahil sa akin. Sana lumaki ka ng maayos kahit hindi mo kami makilala. Ipapangako ko na bago ka lumabas, walang makakaalam sa katauhan mo. Darating ka sa mundong ito ng tahimik at aalis ka ng tahimik. Malayo sa kasakiman ng mga tao sa mundong ito. Malayo sa dinanas ko.
Hinaplos haplos niya ang impis na sinapupunan.
Seryoso lamang si Kalil na nakatitig kay Siargao.
Hindi kita hahayaang mamatay sira ulo! Edi pati ako deadbol?
Agad na pinabalik ni Siargao si Kalil at Alexis sa dimensyon.
Nang makarating sila sa dimensyon ay agad na naupo si Kalil at nag isip ng mga item na magagamit niya.
Nakita siya ni Ravenna pero hindi siya nagtanong. Dahil sa bond nila ay alam na niya kung anong mangyayare kahit hindi mag sabi sa kanya. Alam din ni Sirgao iyon at hindi niya hinarangan ang koneksyon nila, batid niyang kasama sya sa magiging plano ni Siargao, pero natatakot sya.
Natatakot sya sa kahahantungan ng lahat.
Iniwan niya si Kalil at nag ensayo mag isa.
Mula sa kubo ay nanatiling nakatitig lang si Sierra.
Walang nag sasabi sa kanya ng kahit ano pero nakakakaramdam sya.
Masama ang kutob niya at napakabigat ng nararamdaman niya ngayon.
"Earl, ano sa tingin mo ang nagyayare sa labas?"
"Sa itsura ng kalangitan dito sa dimensyon, mukhang nagdadalamhati si Master Siargao. But, may kaunting sinag ng araw. That means he's hoping for something."
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...