108

388 38 0
                                    

Buong araw ay nakipag usap lang si Damon kay Calix tungkol sa pamamahala ng palasyo.

Agad silang dinaluhan nina Castella na umuwi matapos lamang ang halos isang oras dahil masama daw ang pakiramdam ng Valley Master at nagpapahinga.

Kaya ang kinalabasan, naging pag pupulong ng apat ang nangyare.

Paglubog ng araw ay naghapunan ang apat ng sabay sabay.

Nang lumalim na ang gabi saka lamang nagpakalat ng itim na usok si Damon sa buong palasyo. Sa kwarto nina Calix at ng iba para walang makasunod sa kanya. Lalo na ang familiar ng asawa.

Lihim siyang lumabas ng palasyo at nagtungo sa mansyon na tinitirhan nina Siargao.

Pagpasok niya sa loob ay naghihintay doon si Kayser.

"They already started papa's ritual. Tita Venus told me to tell you to wear this restriction bracelet.  You're a foreign entity for papa. You'll understand everything later daw po." Ani ng bata habang hawak hawak sa dalawang maliliit na kamay ang restraining bracelet.

Pumantay si Damon kay Kayser at ginulo ang buhok nito.

"Can you put it on grandpa's?"

"Okaaay." Seryosong isinuot ni Kayser ang pulseras sa lolo niya.

Matapos ang halos kalahating oras na paghihirap ng bata ay naisuot niya rin ito.

Iginiya niya ang lolo niya sa kwarto kung saan sila nag usap nina Ravenna kanina. Ang kwarto na may Barrier na hindi niya magalaw.

Pagpasok ay makapal na amoy ng dugo ang naamoy niya. Pamilyar sa kanya ang ganto kabigat na amoy ng dugo.

Dahil ganto ang amoy ng dugo ng mga devils.

"What's happening here?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Damon ng makita ang anak sa isang malaking planggana na walang pang itaas habang nakalutang ang pulang pulang dugo nito na hindi lumalahok sa tubig.

Maputla at wala ng kulay ang labi ng anak.

Umaagos ang dugo mula sa leeg, pulso at sakong nito habang ang katawan ay lumiliwanag na nagpapatay sindi.

"This is how we kept his life."

Napatingin ang nanalilisik na lila at kayumangging mata ni Damon kay Ravenna.

Kung wala lang ang restriction bracelet niya ay baka napapalibutan na ito ng xen niya.

"Don't worry he's still alive." Segunda ni Kalil.

"Alive?! At this rate he will bleed himself to death!"

"Your majesty you should keep your voice down. Siargao might hear you and he might go in shock. We can't let that happen. It's his most critical period." Paalala ni Kiri na kinakapa kapa ang noo ni Siargao.

"Don't worry Kayser's grandpa, tito Siargao is used to this. He went through the worst before and he did it. He can endure tonight's ritual as well." Ani Rina.

"Used to this? This is not the first time?" Halos wala ng boses na tanong ni Damon.

"We do this everynight." Sagot ni Ash na duguan na ang damit sa pag alalay kay Siargao.

Napaatras si Damon.

Everynight?!

How can this be?!

How can he sleep everynight at the palace while his son is spending the night bleeding himself?!

"Grandpa, are you scared?" Napatingin si Damon sa apo na nakatitig sa ama nito.

Nanikip ang dibdib ni Damon sa senaryong ito.

Pano nakakaya ng batang ito na panoorin ang madugong bagay na ito?!

"When i turned two I broke my cage maybe because of that, that's why my knowledge is more advanced. And I already had my energy at that time. To help papa I celebrated the night of my birthday supporting him with my energy because his Xen can't do it alone to fight the core inside him. I was not afraid." Kwento ni Kayser.

Hindi nakaimik si Damon.

Tumingala sa kanya si Kayser at hinawakan niya ang kamay ni Damon.

"I wasn't scared for my self that time. And I'm not scared now either.  So don't be scared grandpa."

He wasn't scared for himself but for his father's well being.

Hindi makahinga si Damon sa inosenteng mukha ni Kayser na nakangiti pa sa kanya.

Hindi siya makahinga dahil ramdam niya ang nanginginig at nanlalamig na kamay ni Kayser.

Sana sana hindi naging beastmen ang batang to. Para sa mga oras na to hindi pa siya namumulat sa mga ganitong kapangahasan.

Sana naging normal na zen o xen user na lamang siya, mag lalaro araw araw at tutulog pag sapit ng gabi.

Magdamag na nag antay sina Damon at pinanood ang pag inda ni Siargao habang tuloy tuloy na lumalabas ang mga halos kulay itim sa pulang dugo nito.

Nang sumikat ang araw ay natigil na ang pagdudugo niya.

Buong oras na iyon ay nanonood lamang sila ni Kayser.

Parehas na nakatitig habang nadudurog ang kanilang mga puso sa bawat inda ni Siargao.

Kinaumagahan ay tulog na ulit si Siargao. Ayon kina Ravenna ay tutulog ito ng limang oras at gigising sa patanghali.

Habang nasa mahimbing na tulog si Siargao ay ikinuwento ni Ravenna ang lahat. Wala sina Venus dahil siya ang nagbabantay kay Siargao, si Kiri pinatulog ang mga bata habang si Kalil ang umiintindi sa progreso ng mga misyon ng paghahanap sa amgao flower.

Bago umalis si Damon ay binigay niya ang isang token kay Ravenna.

"Use this to command my people. Let them assist in guarding the mansion every night, and let them help in finding that damned flower."

Tinanggap iyon ni Ravenna.

"I hope you can keep this for now. We told Siargao yesterday about you and he said he wanna meet you when he's awake."

"I'll be back later."

Tumayo si Ravenna at yumuko sa harap ni Damon.

"I'm sorry for this situation.  But this is the only way we can do for now."

"It's okay. I'll do everything to find his last soul. Take care of him for me." Utos nito.

Hindi sumagot si Ravenna at tumango na lamang.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon