Matapos ang tanghalian niya ay muli syang pinagsanay ni Ravena.
Ang banta niya ay hindi sya tutulog hangga't hindi nababawasan ang leakage ng enerhiya sa energy passage niya.
Kaya naman ang dating tatamad tamad na gat ay heto nag eensayo parin kahit madilim na.
Pinanonood siya ni Ravena habang may ngisi sa labi.
Namamangha siya sa bilis ni Siargao. Kung tutuusin kahit pure blood demonic beasts/ beastmen ay inaabot ng buong isang araw sa pagbukas lamang ng energy passage samantala mahigit kalahating araw lang ang ginugol ni Siargao.
Isa pa, ang pagkontrol niya sa energy passage paunti unti man ay napakabilis ng pagbawas ng tagas ng Enerhiya niya. Hindi na makatotohanan. Kung hindi personal na nakikita ito ni Ravena ay tatawanan niya ang magkukwento nito.
Alas diez na ng matapos ni Siargao ang utos ng alagad niya. Oo nais niyang ipangalandakan ang ALAGAD noya na kung umasta ay parang ito ang amo.
Pagod na pagod at hinang hina si Siargao. Doble sa naramdaman niya kanina.
Pakiramdam niya ay mangangalas na ang buto niya.
Kinabukasan ay ganun ulit ang routine niya.
Gigising ng madaling araw liligo, kakain, mag eensayo. Kakain ulit tas ensayo tas kakain ulit at ensayo hanggang alas diez bago maglilinis ng katawan para matulog.
Tatlong araw na ganon ang routine nya, ng pang apat na araw ay nagamay na niya ang pagkontrol sa enerhiya niya.
Wala nang tagas at Segundo nalang ang binibilang para maikalat niya ang enerhiya niya sa buong katawan niya.
Ngayong hapon sisimulan na ang pangalawang step.
Ang Energy Forming.
Sa step na ito titiponin ang enerhiya sa partikular na parte ng katawan
"Pano yon?"
"Tulad ng ginagawa mo ikakalat mo muna ang enerhiya mo tapos iipunin mo sa parte ng katawan mo. Pagnagawa mo to magagamit mo itong panangga sa mga pisikal na atake pero dapat magamay mo para mabilisan. Simulan mo na. Mag simula ka sa unang hakbang."
Walang imik na pumikit si Siargao. Inalis nya lahat ng iniisip nya at nag concentrate mula sa energy passage kinontrol niya ang kanyang enerhiya at pinakalat. Inabot lamang ng limang segundo ito. Nang buong katawan na niya ang dinadaluyan ng enerhiya niya ay inipon niya ito, pero hindi patungo sa sikmura niya kundi patungo sa palad niya.
Pero nang nasa braso na iyon ay agad syang nakaramdam ng sakit at napaubo ng dugo. Pero hindi siya tumigil. Hindi niya alam ang mangyayari pag tumigil sya sa kalagitnaan pero sigurado sya ikapapahamak niya iyon.
Mababakasan ng paghanga ang mata ni Ravena na nanunood kay Siargao.
Masyado syang mapursige. Ito ang naging resulta ng pagsusumikap niyang makipagsabayan sa mga pinsan at kapatid niya.
Wala man siyang zen pero may galing at sipag sya. Hindi sya susuko hangga't hindi sya nagtatagumpay.
Napangiwi si Ravena sa tumulo na dugo sa bibig ni Siargao at uutusan na sana itong ibalik sa sikmura ang Enerhiya pero agad syang nabilaukan sa sariling laway.
Nagawa niya!
Nabalot ng puting enerhiya ang palad niya!!
Hindi makapaniwala si Ravena! Nagpabalik balik ang nanlalaki niyang mata sa kamay at duguang mukha ni Siargao.
Agad napahawak sa dibdib si Siargao gamit ang libreng kamay ng sumiklab muli ang sakit doon.
"Tama na. Uminom ka ng recovery potion at magpahinga ka na pagkatapos ng hapunan na muli tayo mag eensayo. Gamayin mo iyan. Pag kontrolado mo na iyan maglalaban tayo." turan ni Ravena bago humihikab na pumasok sa kubo.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...