II- 61

671 51 3
                                    

Hindi na nabilang ni Siargao kung nakailang ulit sila kagabi basta sigurado syang nawalan na sya ng malay bago tumigil ang walangya!

Halos hindi makatayo si Siargao sa sakit ng mga binti niya kaya naglabas sya ng magic water para maibsan manlang kahit kaunti ang sakit.

Naging mabilis naman ang epekto noon. Nawala ang sakit sa kalamnan niya pero andon parin ang hindi komportableng pakiramdam lalo na sa bewang niya.

Inis na bumaba sa unang palapag si Siargao at hinanap ang lintek na hayop na syang dahilan kung bakit sya nagkaganito. Akalain mo yon pag mulat niya wala na ang loko?!

"Siargao-!" hindi naituloy ni Via ang pagbati kay Siargao ng suminghot singhot ito at nanlalaking mata na tinuro si Siargao.

"Nagmate kayo ni Calix?!"

"Shhhhhh-" pigil ni Siargao kay Via na biglang sumigaw. Pero huli na.

Nang ilibot niya ang paningin niya sa mga kasamahan ay nanlalaking mata siyang tinignan ng mga ito.

"Ha?! Ngayon lang kayo nag mate?" puna ni Ysay.

"Ano?! Lintek hindi pa kayo kasal Siargao!"  ani ni Heter na nasa hapag at umiinom ng kape.

"Bobo sa beastclan una ang mating!" Batok ni Heder sa kakambal saka nagpatuloy na,

"Kaya pala ang sipag magluto ni Zeke!" ani niya na may hawak na karne habang kumakain.

Zeke ang pangalan na madalas itawag kay Calix kaya ito ang tawag sakanya. Ang buong pangalan niya ay Calix Zeke, pero tanging si Siargao lang ang pinapayagan nitong tawagin siyang Calix.

"Bro, iba ka rin hanga ako sa bilis mo." asar ni Blake na nasa hapag din at kumakain.

Tumayo bigla si Heter pero hinila sya pababa ni Heder.

"Ano nanamang gagawin mo?! Pakialamero ka talaga normal lang iyan! Umupo ka jan!"

"Pe -pe- pero!"

"Anong pe- pe- pero?! Upo sabi ubusin mo yang kinakain mo!"

Nagdadabog na umupo si Heter at sinubsub ang sarili sa pagkain habang sinasamaan ng tingin si Calix na may dalang sabaw palapit kay Siargao.

"Saya mo ah? Masaya ka?"

Inis na salubong ni Siargao kay Calix na nakangiting aso.

"Patawad na po." ani ni Calix pero natatawa.

"Humph! Ano yan? Dun tayo sa mesa!" mapakumbabang sinundan ni Calix si Siargao papunta sa mesa.

Naging magulo ang umagahan nila ng malamang namarkahan na si Siargao pero hindi nabanggit ang kasal na dapat isagawa matapos ng mating

Isang buwan at mahigit ang tinagal nila sa paglalayag at sa loob ng isang buwan na iyon mas naging malapit sa isat isa ang buong grupo.

Isang gabi habang masarap silang natutulog lahat, naantala ang lahat ng malakas na gumewang ang barko.

"Siargao, Calix! gising! May bagyo!" sigaw ni Hali sa pintuan ng kwarto nina Siargao at Calix.

Nagmamadaling lumabas sina Calix at pumunta sa balkon ng barko.

Ang tataas at ang lalakas ng alon!

Sobrang lakas ng hangin na pagbukas na pagbukas nila ng pinto kinailangqn pa nilang humawak sa kahit na qnong makakapitan para hindi madala nito. Ang lakas din ng gewang ng barko na tila babaliktad na ito.

"Anong gagawin natin?!" sigaw ni Heder.

"Wala bang malapit na isla?!" tanong naman ni Heter.

"Malapit tayo sa ekwador!" sagot ni Siff

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon