Kinaumagahan, paglabas ni Siargao sa kanyang silid ang nag aalalang kambal ang sumalubong sakanya.
Nginitian niya ang mga ito na ikina hinga ng maluwag ng dalawa.
"Magandang umaga! Halika na kain na." masiglang sabi ni Heder ng makitang ayos na ang pinsan.
Nginitian naman ito ni Siargao bago binati ng magandang umaga pati na ang kanyang kuya.
Sa hapag kainan masiglang kumakain si Siargao na kahit anong insulto sakanya ng mga kapatid at ng pinsan niya ay ngiti lamang ang sinasagot niya. Matamis na ngiti na may malamig na mata.
Nang makita ito ng kambal ay napatunayan nilang bumalik na sa dati ang pinsan nila. Gusto man nilang tanungin kung anong nangyari pero nagaalala silang baka malungkot lamang si Siargao kaya pinagsawalang bahala nalamang nila iyon.
Eksaktong alas otso ay lumabas sila sa mansyon at nagtipon sa damuhan sa tapat ng bukana ng exam grounds. Isang pila bawat pamilya at bawat isang hanay ay may mga elite students na naka assign.
Hindi alam ni Siargao kung nagkataon lang ba talaga o sinasadyang pinili ni Ezekel na sa pamilya ng Balaraw sya natalaga.
Dahil sya ang nag iisang tagapagmana ng mga angkan ng aklan at ng akademya ng luzon kilala sya bonus na ang napakagwapong mukha nito.
Kaya naman ng pumunta ito sa hanay ng angkan ng balaraw marami - halos lahat mapalalaki o babae ay tumitingin sa hanay nila.
Ang malanding si Kay at ang nasa loob ang kulo na si Ariah ay parehas namumula at kala mo parang maria clara kung umakto sa harap ni Ezekel.
Kinukuha ni Ezekel ang token ng bawat myembro ng Angkan ng Balaraw. Mula kay Akhil at patungo kay Siargao na nasa pinaka huli.
Nang nasa tapat na sya ni Kay ay akmang hahawakan nito ang palad ng binata ng iniwas nito bigla.
"Binibining Kay, wag mong kalimutan ang iyong kaugalian." malamig na puna nito na kinapula ni Kay at kinatawa naman ng ilang babae at lalo na ni Heder.
Dahil sa epic fail ni Kay ay hindi na sumubok pa si Ariah, nagpa cute na lamang ito pero hindi manlang sya tinapunan ng tingin ni Ezekel.
Nang nasa harap na siya ni Heter ay inismidan niya ito bago tumungo kay Heder at kay Siargao.
Tahimik na iniabot nito ang token niya pero ilang segundo hanggang sa 3 minuto na ay hindi parin kinukuha ni Ezekel ang token niya.
Inangat niya ang tingin niya at tinignan si Ezekel habang nakakunot ang noo.
"Anong pangalan mo?"
Anong trip mo?
Napatingin si Siargao sa paligid niya at namula sya ng makitang nasakanya ang atensyon ng mga kababaihan at ilang kalalakihan. Lalo na si Kay at Ariah na nakakunot ang noo at nagtataka ang mga malalamig na mata.
"Siargao."
"Kinagagalak kong makilala ka. Ako si Ezekel."
Pakilala ni Ezekel bago hinawakan ang kayumangging kamay ni Siargao.
"Anong trip mo?!" bulong ni Siargao habang nakanoot ang noo.
"Making enemies for you."
Assfgh!
Marahas na inagaw ni Siargao ang kamay niya bago tinanguan si Ezekel na may nanlilisik na mata.
Makuha ka sa tingin.
"Good luck Siargao, hihintayin kita sa finish line." dag dag pa ni Ezekel habang may matamis na ngiti bago umalis.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...