"Wake up and see clearly, she's just a puppet not the real Hada. The real Hada was still in the tavern watching you being a fool here." Ani ng babae sa maamong boses. Bago ibinagsak ang katawan ni Siff na puno ng sugat.
Natulala si Siargao at dahan dahang napalingon sa puppet ni Hada na naging kahoy. Maging ang lalaking pinaslang niya ay puppet din.
"Don't let your emosyon eat you. My son will lose himself seeing you like this. Tsk." Ani nito bago tumingin sa likod ni Siargao kung saan nandoon si Calix na tumatakbo palapit.
"See you around, little son in law to be! Oh yes! Check that young worm, he fought hard." Ani ng babae at parang bula na nawala.
Napasalampak si Siargao sa lupa at nakatulala sa kawalan.
Kinain ako ng emosyon? Ako?
Napatingin sya sa paligid at dalawang putol lang ng kahoy ang nasa malapit sa kanya.
Mga puppet.
Si Siff!
Napapikit at napahinga ng malalim si Sirgao ng masigurong humihinga pa ito.
"SIARGO!"
Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan at ni Calix sa likod niya.
"SIFF?!" Gulat na ani ni Ysay.
"ANONG NANGYARE SA KANYA?!" Ani ni Ravenna at naupo habang tinitignan kung anong lagay nito.
"Is- is he alright?" Kunot noong tanong ni Alexis.
"He's alright. Don't worry." Ani ni Ravenna bago sumenyas kay Kalil na agad lumapit at inalalayan si Siff patayo.
"Let me help you." Malamig na sabi ni Alexis na kinatango lang ni Kalil.
Tuluyan na nagpadala sa pagod si Siargao at humilata sa lupa.
Ipinikit niya ang mata at hinayaan ang dilim na higitin sya sa kawalan.
Napabuntong hininga lang si Calix at binuhat ang kasintahan bago tahimik na pumihit paalis.
"Saan mo dadalhin ang pinsan ko?!" Tanong ni Heter.
"Sa palasyo! Saan pa ba Heter pwede ba tigilan mo muna yang kaartehan mo kahit ngayon lang! Ni hindi natin alam ang lagay ni Siargao! Kailangan natin syang ipakita sa salamangkero- kahit anong manggagamot" ani ni Heder. Napahilot sya sa sintido ng mapagtantong walang salamangkero dito at si Siargao ay hindi rin tatablan ng kahit anong zen potion.
"..." Natahimik si Heter pero ng maalala niya ang nakita sa dibdib ng pinsan binaha sya ng kaba. Kung hindi siya nagkakamali ay isang sacred ang pinsan niya pero bakit ganun ang resulta ng wakening?
Binago niya? Tinago niya ang pagiging sacred niya?
Bakit?
Bago pa tuluyang makarating sa bayan sina Calix ay biglang nag salita si Heter.
"Call via! Salamangkera sya! At isa pa we all sneaked out! Pag nalamang nila na lumabas tayo para makipaglaban sa puppets nina Hada. Gulo to! Let's just book some rooms tonight! Tawagin niyo nalang si Via!" Napatigil si Calix at napagtantong tama si Heter.
"Sakto ipagamot na din natin si Siff, kahit hindi ganun kalala ang lagay niya hindi biro ang mga sugat niya." Ani ni Ysay.
Pumunta sila sa isang inn at kumuha ng mga kwarto bago dinala si Siargao sa isa at ibinaba sa isang kama.
Akmang huhubaran ni Calix si Siargao ng pumagitna si Heter.
"Let me do it. All of you get out" malamig na utos niya.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...