Kinaumagahan pumasok na sa klase ang lahat maliban kay Siargao at Ley. Hindi pa sila nakakahanap ng master kaya klase ng mga baguhan lamang tuwing hapon ang dinadaluhan nila. Pag nakapasa sila sa paunang pag susulit saka lamang sila magkakaroon ng master at magkakaroon ng mga klase.
Sa ngayon ginugugol nila ang oras nila sa pag babasa ng librong pinili nila.
Sa kinsenas ng buwan ay bababa sila ng bundok upang mamili ng mga kakailanganin nila. Napag usapan na nila na susulat sila sa mga mandirigma upang maging gabay nila.
Bilang mga salamangkero protektado sila ng mga mandirigma dahil sa kaimportantehan nila at dahil wala pa silang kakayahang protektahan ang sarili nila.
Maliban kay Siargao halos lahat ng salamangkero walang kakayahang makipaglaban ng pisikal gamit ang mga armas kaya pag lumalabas sila lagi silang may kasama.
Matapos mabasa ni Siargao ang lumang libro ay isinasaulo niya ang mga natutunan niya dito at gamit ang imahinasyon ay iniisa isa niya bawat hakbang. Kumpara sa mga nabasang herbal books ni Siargao ay kakaiba ang librong nakuha niya sa aklatan.
Manipis ang aklat pero madaming kakaibang gayuma ang nakalathala doon. Bukod sa man level na low at mid level na gayuma ay may high at top grade din at may ilang peak level din na nakalathala doon.
Nagtataka si Siargao dahil nasa hanay ng man level ang libro pero may peak level na nakasulat doon. Kahit na nagtataka sya hindi niya parin binalik ang libro oportunidad din iyon saka matapos ang unang pagsusulit ay balak niyang bilhin ang libro.
Matapos ang tatlong oras na pag sasaulo ay nag inat inat si Siargao. Dahil wala syang masyadong ginagawa ay naisipan niyang mag ensayo ng espada kasama si Ravenna. Naglagay sya ng barrier talisman sa buong kwarto upang walang gumambala sa kanila ilang oras lang naman.
Dinidiktahan ni Ravenna si Siargao sa isipan habang sinusundan naman ito ni Siargao ng kilos. Isang oras silang nagpaulit ulit sa isang teknik bago nagpasya si Siargao na gamitan ng enerhiya ang teknik.
Nagkonsentreyt ng masinsinan si Siargao bago dahan dahang pinalabas ang lilang kapangyarihan niya. Mula sa gasinulid na kapangyarihan ay naging gadaliri iyon at parang ahas na pumulupot kay ravenna.
Nanginig sa saya si Ravenna ng maramdaman ang kapangyarihang iyon sa katawan niya.
Nagliwanag ng ginto ang talim ng espada habang lumiliwanag din ang lilang kapangyarihan na nakapulupot sa espada.
Gamit ang teknik na natutunan ay inulit ni Siargao ang ang bawat hakbang. Nang itama ni Siargao ang espada sa parte ng barrier ay biglang nawasak ang buong barrier.
Nagulantang si Siargao at dahil sa biglang pagtigil ay napaubo sya ng dugo maliban doon ay wala naman na syang ibang naramdaman.
"Siargao! Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Ravenna sa isip ni Siargao.
Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya bago masayang tinignan si Ravenna na hanggang ngayon ay nababalot parin ng lilang kapangyarihan.
"Ayos lang, nabigla lang.""Hangga't maaari wag mo munang ipapaalam ang tungkol sa kapangyarihang ito Siargao kahit kanino lalo na sa katauhan mo." babala ni Ravenna
Sinangayunan ito ni Siargao batid niyang hindi basta basta ang kapangyarihan niya. Pag nalaman ito ng iba ay ituturing syang bagay na pag-aaralan ng mga salamangkero o salamangkera. Saan ka ba makakakita ng Zenless na may kakaibang kapangyarihan?!
*tok tok tok
"Siargao? Gising ka na ba? Oras na para sa klase ng hapon."
Tawag ni Ley sa labas. Nagmamadaling inayos ni Siargao ang sarili bago kalmadong lumabas.
Kahit anong gawin nitong magpaka kalmado kita parin ang saya sa mga malalamig nitong mata.
Lo nakikita mo ba? Lumalakas na ako paunti unti!
Balot ng saya ang aura niya hanggang sa matapos ang klase.
Hindi tulad kahapon ay may natitirang lakas pa si Siargao para maglakad pauwe dulot din siguro ito ng enerhiya niya.
Ilang araw na nagpaulit ulit ang ginagawa ni Siargao, sa umaga ay magbabasa sya at mag sasaulo bago mag ensayo hanggang oras na ng klase.
Isang araw bago ang kinsenas ay naisipan ni Siargao na lumabas at maglakad lakad. Sa tinagal niya sa bundok na ito ay ang sakayan ng pegasus, silid aralan at ang bahay lamang ang napupuntahan niya. Naisipan niyang gumala at maglakad lakad.
Unang narating ni Siargao ang gubat sa likod ng silid aralan. Hindi iyon nakakatakot o masukal. May mga bulaklak sa tabi tabi at mga ibon na nagkakantahan kaya walang takot na pinasok iyon ni Siargao.
Hindi naman ito siguro katulad ng gubat sa palawan diba? Na may bugla biglang papatay ng tao?
Nang nasa kalagitnaan na sya ng paglalakad ay nakarinig sya ng lagas las ng tubig kung hindi sya nagkakamali ay may talon sa malapit.
Nawala ng tuluyan ang kaba ni Siargao kaya naisipan niyang tumuloy.
Sinundan niya ang tunog at narating niya ang talon. Sa gilid ng talon ay may kweba pero bago niya iyon mapuntahan ay dapat siyang lumangoy sa ilog na may talon.
Hindi naman ganun ka boryo si Siargao para puntahan ang kweba kaya naupo na lamang sya sa gilid at naghilamos. Pinagmasdan niya ang pangit niyang repleksyon sa tubig at napangiwi.
Napunta ang tingin niya sa labi niya. Naalala niya ang gabi kung saan pinasahan sya ng enerhiya ni Ezekiel.
Ang ganda at ang lambot ng labi ni-
Naginit ang mukha niya at marahas na hinilamusan ang mukha niya.
"Sino ka?"
"Ay palaka!" napaupo sa tubig si Siargao sa gulat ng may magsalita sa likod niya at may lumitaw na repleksyon sa tabi ng mukha niya sa tubig. Naiinis na nilingon niya ito dahil nabasa sya sa panggugulat ng isa.
"Ay pangit!" ganti ng matandang may mahabang balbas na kulay puti.
Maging ang buhok, kilay at pilik mata nito ay puti. Isa syang magandang halimbawa ng hermitanyo na ilang daang taon ng hindi lumalabas sa lungga niya.
"sino ka/sino ka?!" sabay na tanong nila sa isat isa.
"Ikaw ang sino, anong ginagawa mo sa teritoryo ko?!"
"Ay kayo po ba ang may ari ng lugar na ito?! Pasensya na po naglalakad lakad lang po ako kanina at napunta dito."
Inilahad ng hermitanyo ang palad niya. Akala ni Siargao ay tutulungan sya nitong tumayo kaya tinanggap niya iyon pero napatameme lamang sya ng iwaksi nito ang kamay niya.
Hindi makapaniwalang nilingon nya ang matanda.
" Bayad sa pag pasok sa teritoryo ko. At bayad sa paggamit ng tubig sa talon ko."
"..."
Walang imik na kinapa ni Siargao ang pocket ring niya para maglabas ng pilak ng hablutin ng hermitanyo ang daliri niyang may sing sing.
Gulat na hibalot ni Siargao ang kamay niya pabalik mula sa matanda.
Tinitigan sya ng matanda ng masinsinan na para bang sinasaulo ang bawat bahagi ng mukha niya. Nawala ang mapaglarong aura nito at napalitan ng seryoso.
"Ikaw- kaano ano mo si Hulo?"
Walang emosyong tanong nito."Kilala mo po ang lolo ko?!"
"Ano?! Apo ka ni Hulo?! Pano nagkaapo ng pangit si Hulo?!"
"..."
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...