Grabeng kaba ang naramdaman ni Siargao pero ng mamukhaan niya ang nakangising pamilyar na mukha ay sobra syang nainis!
Namumukhaan niya ang napakagwapong mukha na to kahit minsan nya lang nakita to sa buong buhay niya. Kahit sa panaginip pa iyon!
Nakakaakit ang malakalawakang mata nito na lila.
Ang totoong wangis ni
"Calix! Ano ba ginulat-"
Hindi naituloy ni Siargao ang sasabihin niya ng halikan sya ni Calix habang nakatitig sa mga mata niya.
Tila tumigil ang oras sa paligid ni Siargao at nabingi sya sa lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakatitig sa mga mata ni Calix.
Para silang pinta ng dalawang napakagwapong mga diyos na gumagawa ng kasalanan sa damuhan.
Napaka gandang panoorin kahit bawal.
"Nasaan?! Nasaan na ang nilalang na iyon?! Hanapin niyo madali!"
Naagaw ng boses ng owner ang atensyon ni Siargao. Napakurap sya ng mata pero diretso parin ang tingin ni Calix sa mga mata niya.
Matataas ang mga damo sa paligid at natatakpan ang buong katawan nila. Kinabitan din ni Siargao ng talisman ang katawan nila ni Calix ng invisibility talisman at tinakpan ang aura, presensya at maging ang hininga nilang dalawa
J0.Nang marinig ang yapak ng paa ng owner palapit sa pwesto nila ay gumulong si Siargao at sya ang dumagan kay Calix tamang tamang na tumapak sa dati nilang hinihigaan ang paa ng owner.
Nanlaki ang mata ni Siargao ng gumalaw ang labi ni Calix at naramdaman niya ang basang dila nito sa labi niya.
Punyemas na manyakis.
"Amo wala na po sila." ulat ng isang kawal.
*paak
Isang malutong na sampal ang inabot nito sa owner.
"Walang kwenta!" ani nito bago umalis.
Hinintay nina Siargao na tuluyang umalis ang mga ito bago tumayo at huminga.
Hindi nya napansing kanina niya pa pinipigil ang hininga niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Calix na nakatitig sakanya.
"Tulad ng ginagawa mo dito."
"Nag iimbestiga ka din?"
Tumango lang si Calix . Bago dinilaan ang ibabang labi na kinapula ni Siargao.
"Kung may kailangan ka pwede mo namang sabihin sakin hindi iyong ginagawa mo ng mag isa pano kung may nangyari nanaman sayo?"
Seryosong saad nito na kinatungo ni Siargao.
"Pasensya na. Di na mauulit. Pangako."
Bumuntong hininga lang si Calix.
"Ayos ka lang ba? Asan na yong laging nakabuntot sayo?"
Tinitigan niya si Calix. Ayaw niya ng magtago sa taong to.
Hinawakan niya ang kamay ni Calix at sabay silang nawala ng parang bula.
"Dimensyon?"
"May gusto akong ipakilala sayo. Atsui! Ravenna! Kalil!" tawag ni Siargao sa isang lalaki, babaeng may kakaibang suot at sa isang tuta?
Nagulat si Ravenna pero alam niyang mapagkakatiwalaan si Calix. Nakita niya ang pagmamahal nito sa amo niya.
"Calix sya si Ravenna ang sword spirit ng raven sword ko. Sya naman si Atsui ang nakuha kong anak ng snow giant wolf."
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...