6: part 2

818 76 0
                                    

"Pumapalakpak siguro ang tenga mo Siargao dahil deretso ka na sa Survival test eh ano?"

Puno ng pangungutyang puna ng isang dalaga na nakasuot ng pulang damit silver na circlet at may latigo sa tagiliran na gawa sa metal. Sya ay walang iba kundi ang pangalawang kapatid ni Siargao na mas matanda sa kanya ng tatlong taon. Si Kay Balaraw

Tumabi sa kanya ang isang may katabaang lalaki na may espada na nakasabit sa tagiliran. Ang pangatlong kapatid ni Siargao si Kanos.

"Ate, kahit makapasok yan para sa survival test hindi rin yan makakapasa. Anong magagawa ng isang zenless?"

Bumalatay ang kakaibang emosyon sa mata ni Siargao pero ipinikit niya iyon bago iminulat ulit at ngumiti ng matamis. Maging si Ravena sa tagiliran niya ay bahagyang nanginig.

"Makapasok man ako o hindi, sa tingin ko wala iyong kinalaman sa inyo. Tutal ako naman ang susubok hindi kayo."

Pinanlisikan sya ng mata ng dalawa bago inismiran.

"Tama na yan, pinagtutulungan nyo nanaman si Siargao."

Sulpot ng isang dalaga na nakasuot ng asul na damit habang may pilak na latigo rin sa tagiliran. Sya ang isa sa mga pinsan nina Siargao si Ariah.

Napairap si Heder ng sumulpot ito. Akala mo anghel pero anlansa ng ugali!

"Pag bigyan nyo na hindi rin naman makakapasa yan eh. Hayaan nyong mapahiya sya sa lahat hindi ba kuya Akhil?"

Baling ng dalaga sa tahimik na si Akhil, ang nakasuot ng kulay berde na damit at hawak hawak ang espada na nasa baina.

Binigyan ng malamig na tingin nito si Siargao bago umismid at tumalikod para sumunod sa mga magulang nito na pasakay na sa barko.

Inakbayan ni Heter si Siargao ng makita kung gaano katalim ang tingin nito sa likod ng apat.

Hindi lingid sa kaalaman ng kambal ang totoong kaisipan ni Siargao, hindi man nila alam ang lahat pero may nalalaman parin sila kaya naninikip ang dibdib nila pag pilit tinatabunan ng ngiti ni Siargao ang sakit na nararamdaman niya. Tulad ngayon.

Sa iisang silid nanatili sina Siargao at ang mga kapatid at pinsan nito kasama na maging ang mga magulang nila.

Pumwesto sa gilid na pinaka sulok si Siargao para makalayo sa kanyang mapangkutyang mga kapatid at pinsan maging sa kanyang mga magulang na walang ibang nakikita kundi ang mga mali niya.

Tinabihan siya ng kambal na palihim na sumisimpatya sa kanya.

Kumpara sa ibang kwarto na nagkakasayahan na pamilya parang namatayan ang atmospera sa silid nina Siargao masyadong tahimik na tanging ismid ng pagkadisgusto kay Siargao lamang ang maririnig.

Naalala ni Siargao na papatunayan pa niya kay Ravena ang tungkol sa panibagong enerhiya na natuklasan niya kaso ng mapatingin sya sa parang lamay na paligid niya agad nagbago ang isip niya.

Wag nalang. Marami pang oras pag nakarating na sila sa Palawan.

Dahil masyadong mahaba ang "tulog" ni Siargao sa kalesa hindi na sya natulog pa bagkus ay lihim syang lumabas sa silid ng makatulog lahat ng kasamahan niya.

"Gat Siargao saan po kayo paroroon?"

Mabilis na napaharap si Siargao sa kawal ng pamilya nila na nakabantay pala sa labas ng pinto ng biglang magsalita ito sa gilid niya.

Muntik na siyang mapatili! Buti nalang at napigilan niya kung hindi pagkakamalan siyang bading.

"Magpapahangin lang po ako sa labas."

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon