116

380 30 0
                                    


Saktong pagsigaw ni Venus ay ang pagbukas ng pinto.

Napakalaki nito kaya ng tuluyang bumukas iyon tumambad sa mga bagong dating ang makulay na kulay ng barrier pero naaaninagan sa loob ang sitwasyon nina Damon.

Biglang kumalat ang kulay ng lilang kapangyarihan sa katawan ni Siargao at napasigaw na ito sa sakit.

"I-It Hurts!" paulit ulit niyang sigaw.

Kahit na iba ang wangis nito, kilalang kilala parin nina Sierra ang boses nito.

Napaupo si Sierra sa naabutang eksena at sobrang namutla pero hindi nalalayo ang itsura ni Calix na napaatras hanggang sa ding ding para maisandal ang likod na pangsuporta.

"Take his majesty away! No all of you get back don't come near the barrier!" Sigaw ni Ravenna.

"My son- son!" Nangangatal na sambit ni Sierra at akmang lalapit ng biglang lumabas si Atsui sa barrier at humarang sa harap nito pero humarang din si Earl dito.

"Get out." Malamig at walang emosyong sambit ni Atsui.

"A-anak. Tabi! Tumabi kayo ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?! My son will bleed to death!" Histerical na sigaw ni Sierra na kinapula ng buong mukha niya at leeg dahil sa galit.

"Elder Sierra, we are- RAJAH ZEKE YOU CAN'T COME NEAR!-"

"AHHHHH!"

Lalong lumiwanag ang lilang kapangyarihan sa loob ni Siargao at may mga xen na lumalabas na sa katawan nito at mabilis na kumakalat sa loob ng barrier.

"Siargao?! Let me in! I SAID LET ME IN!"

"NO! STOP! DON'T COME NEAR MY PAPA!" Biglang lumabas sa barrier si Kayser pero hindi na bilang isang cute na paslit kundi isang batang may pulang mga mata nag aapoy na mga kamay at balot ng pulang enerhiya.

Natigilan ang lahat sa biglang paglabas ng anyo ni Kayser.

Napakalakas ng enerhiyang kumalat at tumulak palayo kina Sierra, Earl, Siff at Calix.

Hinigit si Earl at Siff ng pwersa ng enerhiya ni Kayser paluhod.

"DON'T. HURT. MY. PAPA!" Matalim na banta nito kina Sierra.

Nagbabaga ang mata nito habang naging apoy na ang buhok nito.

Bagama't gulat sina Ravenna dahil sa biglaan at napakaagang trasformation ni Kayser hindi nila hinayaang mawala ang pansin sa ritual.

"Little Master."

Agad na sinalo ni Atsui ang katawan ni Kayser ng bigla itong nahulog sa sahig.

Nais na puntahan ni Damon ang apo pero napakalakas ng pagdurugo ni Siargao.

Blangkong blangko na ang isipan niya.

Hindi niya alam kung ang uunahin ba ay ang anak niya na ngayo'y nagdurugo sa tabi niya, ang apo na biglaang nagka beastform o ang asawa at manugang na namumutla at nanginginig sa labas ng barrier.

"K-Kayser. My-my ba-baby..." nabalik sa kasalukuyan si Damon at nabaling kay Siargao na duguan ang leeg hanggang sa dibdib.

Lumuluha ang lila nitong mata at nakatingin sa direksyon ni Atsui na pinapasahan ng enerhiya si Kayser.

"Rina give those people some restraining bracelet. That uncle Rajah there, give him some power nullifying potion." Utos ni Kiri kay Rina na umiiyak at palipat lipat ang tingin kay Siargao at kay Kayser.

Luhaan itong tumango at hinalikan sa pisngi si Si3rgao bago patakbong lumabas ng barrier.

"The potion can only nullify your core for 8 hours as your first usage. We'll let you observe from the inside while we talk-"

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon