"The Second prince has arrived together with his 5 royal guardians and royal Protector Atsui!" Ngumiti si Siargao sa taga anunsyo at saka bumaba kasabay si Atsui.
Ang iba namang mga guardian niya ay nasa likod niya.
"So he is that Prince?"
"He got four mortal guardians? What a loser.''
"Don't say that, my mother told me to be careful when saying things behind him. He's currently being favored. "
"My father told me the same thing. They even crowned him as a Royal Highness!"
Hindi nakatakas sa pandinig ni Siargao ang lahat pero nanatili siyang nakangiti at hindi dinibdib ang mga sinasabi ng mga ka clan niya.
Mas nag aalala sya sa mararamdaman ng kanyang mga kaibigan.
"Don't mind them." Ani ni Hali at hinawakan sya sa balikat.
Doon lang napagtanto ni Siargao na masyado siyang ng iisip.
Ano man ang sabihin nila, magkakaibigan sila at bonus lang ang pagiging guardians nila.
"The 13th prince has arrived together with the long lost 19th princess!"
Napunta sa bagong dating ang atensyon ng lahat.
Ang bunsong prinsepe ng henerasyon ng hari at ang nawalang anak nitong prinsesa.
May veil na nakataklob sa ibabang mukha ng prinsesa at tanging ang mata nitong may korte na tulad ng lahat, phoenix eyes.
Pero hindi iyon ang nakakamangha kundi ang kulay ng mata nito.
Pula.
Ang mata ng mga direct descendants.
Lahat ng ipinapanganak ng may pulang mata ay diretsang mga anak ng mga main branch. Nakakamanghang nanggaling ang isang pure blood Phoenix sa isang lineage ng kaulayaw.
Ang mga beastmen na may purong dugo, mga nararapat sa posisyon, tulad ni Sierra at ni Siervo. Dahil sila ang may mga dugo ng purong piniks at may mataas na tsansang maging holy lady or master.
"She got the red Phoenix eyes! "
"Looks like the favorite royal prince needs to step down."
"A rightful owner must own that seat legally not just by favoritism."
Marami pang komento ang namayani pero nanatiling nakangiti si Siargao.
Wala syang pakialam sa upuan ng royal prince o princess. Ilang taon nalang ang natitira sakanya, wala syang pakialam kung sino man ang magkainteres doon pero hindi niya ipapamigay ang trono.
Umupo na si Siargao sa upuan ng ina niya dati habang sina Heter ay nakaupo sa likod ng upuan niya. Si Atsui naman ay nakahilata sa paanan niya.
"Your highness," ani ng 13th prince Stavo. Kasunod niya ay ang anak niya.
"I have seen the royal highness the second prince. This little princess is named Sandriya. I am honored to meet the royal highness" nakayuko ng bahagya si Sandriya at hindi alam ni Siargao kung sinasadya ba ng prinsesa pero sa pag yuko nito nahawi ng bahagya ang damit niya at lumantad kay Siargao ang tatlong gintong balahibo sa dibdib ng dalaga.
Hindi tanga si Sirgao pero hindi rin sya takaw gulo.
Ano man ang pakay ng mag amang ito,
Manonood lang sya.
"You may stand at ease princess. Nice meeting you" ani lang ni Siargao at hindi na binigyang pansin si Sandriya.
Sa ilalim ng veil ay ngumisi si Sandriya.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...