33

694 70 3
                                    

Dalawang oras na ang nakalipas mula ng parang baliw na tumakbo si Siargao sa tapat ng mansion.

Paikot ikot sya sa sala ng kanyang kubo habang pinapanood sya ni Ravenna na kumakain ng ubas.

"Siargao, maniwala ka sakin hindi niya naintindihan ang sinabi mo wag ka ng kabahan jan. Nahihilo ako sayo eh"

"Pero! Hindi tanga si Calix! Hindi magtatagal ay maiintindihan niya rin iyon! Aiishh bakit ko ba naman kasi sinabi iyon!"

"Yung buwan-"

"Oo ung buwan kasi! Bakit kasi buo ung buwan at ang ganda pa kaya hindi ko napigilan. Nadala lang naman ako ng emosyon ko..."

Todo salita si Siargao na hindi niya napansin na nag anyong espada si Ravenna dahil may naramdaman itong presensya.

"Di ba naintindihan mo ako- eh? Rav"

Bago pa matapos ni Siargao ang sasabihin niya ay nahagip ng mata niya ang isang gwapong nilalang na nakasandal sa dingding habang takip takip ang bibig nito at pinipigilan ang tawa nito.

Biglang nanigas si Siargao at bumagsak sa lapag ng walang malay sa gulat.

*****

Pag gising ni Siargao ay nasa kama na ito. Balikwas syang napabangon at tarantang tumayo at hinanap ang estranghero na nakita niya kahapon.

Sa banyo? Wala.

Sa kwarto? Wala.

Kusina?

Sala?

Labas?

Bakuran?

Wala, wala, wala, WALA!

"Arghhh! "

Napasabunot sa ulo si Siargao dahil sa  inis. Hindi niya alam kung ano pang narinig ng estrangherong iyon. Hindi niya rin ito namumukhaan. Pero!

Kailangan niyang mahanap iyon bago ipagkalat ang mga nasabi niya kagabi!

Sinisisi niya si Ravenna dahil hindi manlang nagsabing may ibang tao pala ang sagot lang ni Ravenna.

'Nagulat din ako, nang maramdaman ko ang presensya niya papasok na ito!'

"Siargao-"

"Ahhhh!"

"What the hell?!"

Napahawak sa dibdib si Siargao at nanlalaking mata na hinarap si Calix na tulad niya ay nagulat din.

"Ca-Calix!"

"Ayos ka lang ba?"

Inayos ni Siargao ang sarili at kumalma bago tumango kay Calix.

Kalma lang.

Ipinagsawalang bahala muna ni Siargao ang estranghero at ang nangyare kahapon at parang wala lang na hinarap si Calix.

"Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakarating dito?"

"bond"

Hindi nasagot ang unang tanong ni Siargao kaya tinitigan niya si Calix.

"Hindi ka dumalo sa hapunan kagabi kaya napilitan akong matulog sa kwarto na inilaan ng mga magulang mo."

Tinaasan ni Siargao ng kilay ang kaharap. Natural lang na matulog sya sa kwarto na inilaan para sa kanya, ano naman ngayon?

"Tsk. Hindi na ako ulit tutulog don malamok"

"Sasabihin ko sa Apo na maglagay ng kulambo-"

"tsk, sinong may sabi na tutulog parin ako doon?"

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon