Maaga ng sunduin si Siargao ng mga alipin ng kanyang ama. Ito ang araw na napag sunduan nila upang personal na magtungo sa akademya upang ipasawalang bahala ang kasalan nila ni Gat Denzel.
Apat na kalesa ang gamit nina Siargao, ang kalesa kung saan naka sakay ang kanyang ama at ina, ang kalesa kung saan sya nakasakay at dalawang kakesa na kinasasakyan ng ilang alipin at kawal.
Bawat kalesang sinasakyan nila ay may tabing na kurtina upang hindi makita ang nakasakay sa loob. Pero kilala ang pamilya nina Siargao dahil isa ang pamilya nila sa mayayamang maharlika sa barangay tondo.
Kahit sa kalye ay namumukhaan ng mamamayan ang kalesa ng pamilya nila.
Ang akademya ay nakatayo sa labas ng barangay nila dahil walang may sakop dito. Sa buong luzon ang Akademya ng Luzon ay independent na paaralan.
Nakatayo ito sa kabundukan sa hilaga dahil bawat pangkat ay ibang bundok ang kinalalagyan.
Ang Akademya ay may apat na bundok. Ang bundok para sa Mandirigma, para sa Panday at para sa Salamangkero ay iba iba. Ang pang apat na bundok ay ang bundok na tinitirhan ng may ari ng akademya at mga elder ng paaralan.
Ang pupuntahan nina Siargao ay ang bundok ng mga Mandirigma kung saan ang headmaster ay ang tatay ni Gat Denzel. Si headmaster Kiro Lanao.
Aabutin ng limang oras ang paglalakbay kaya naman naidlip muna si Siargao.
Nagising lamang sya ng lubak lubak na ang dinadaanan nila. Malapit na sila kaya naman hindi na itinuloy ni Siargao ang pagtulog. Unang beses nya itong paglabas sa kanilang barangay kaya naman sinulit na niya. Itinabi niya ang kurtina at pinanood ang tanawin.
Unang beses niyang makakita ng kabundukan at mga talon sa gitna noon kaya tuwang tuwa siya. Dati ay naririnig lamang niya ito sa kwento kwento ng lolo niya ngayon ay nakikita na niya.
Nang tumingin sya sa gilid ng dinaraanan nila ay halos mawalan sya ng ulirat.
Bangin! Napakataas ng bangin at batuhan sa ibaba at may ilog din!
Kaunting pagkakamali ay magkikita na sila ni kamatayan.
Dahil sa takot ay nawalan na sya ng ganang manood ng tanawin. Sakto namang tumigil ang kalesa.
"Anong nangyare?"
"Gat Siargao, nandito na po tayo. Hanggang dito lang po ang mga kalesa. May susundo naman daw pong pegasus sa inyo. Hihintayin nalang po namin kayo rito."
Magalang na sagot ng nagmamaneho ng kalesa.
Inalalayan niyang bumaba si Siargao, pagbaba niya ay natipon na doon ang mga kawal at alipin maging ang mga magulang niyang hilaw.
Walang imikan ang dalawang partido kaya naman napakatahimik ng paghihintay nila sa mga pegasus.
Maging ang mga alipin at kawal ay naiilang na pero wala silang magagawa, mga amo nila yan eh.
Mabuti na lamang at dumating na ang mga pegasus na may ilang kasamang estudyante.
"Apo Joseph at Ginang Carmen maligayang pagdating sa Akademya ng Luzon. Ako po si Ethan isa sa mga Elite student ng Bundok ng Mandirigma kanina pa po kayo hinihintay ng aming headmaster at gat. Hayaan niyo pong gabayan ko kayo patungo sa kanilang tirahan."
Tinanguan lamang ng Apo si Ethan bago ito walang imik na sumakay sa isang pegasus at inangkas niya ang kanyang ginang.
Hindi pinansin ni Ethan si Siargao kaya naman walang nagawa ang huli kundi magmagaling.
Hindi ako marunong baka naman may tumulong dyan?! Reklamo niya sa isip at lumilingon lingon kaso tila hangin lamang siya na hindi kapansin pansin.
Dahil talagang tinuturing syang hangin ng mga nasa paligid niya pinanood na lamang niya kung paano sumakay ang mga kasamahan niya.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasíaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...