Kinabukasan maagang nagsimula ang event.
Sa patag na bahagi nagtipon tipon ang lahat kung saan sila nag banquet kagabi.
Ang lahat ng kasapi ng hunting category ay nakatayo at nakahilera ayon sa grupo nila.
Kanya kanyang bitbit ng sariling mga armas habang nag uusap usap.
Dahil si Calix ang pinuno ng hunting category si Damon ang umupo pansamantala sa pwesto niya kasama ang apat na heneral na sina Heter, Heder, Ysay at Hali.
"To all participants, when you hear the shot. It's the sign that the competition starts!" Sigaw ng isang mensahero.
Di nagtagal ay mag tunog ng putok ang pumailanlang.
Kanya kanyang nagtakbuhan sa gubat ang mga kalahok.
Nanatili si Calix na walang kibo. Siya ang pinaka huling pumasok sa hunting ground.
Maya maya ay nag bukas ang monitor mirror na hinanda ng Nimedez Palace.
Napakalaki nito at sakop nito ang buong lugar na nakatalaga para sa hunting category.
"Last year you topped everything, now that your prince became a Rajah of his own, can you still win?" Tanong ng isang hari sa emperador ng Nimedez palace.
Bagot na binalingan nito ang nagsalita.
"Although my force lost one pillar, I still have my other kids in this competition. Rather than watching me, you should watch closely and see how your team going lose again."
Inismiran ng hari ang emperador at umiwas ng tingin tahimik na nagbulungan ang iba.
Hindi na bago ang mga ganito.
Habang tumatagal ang hunting categpry pakunot ng pakunot ang noo nina Siargao, Damon at ng emperador.
Sino bang hindi?
Ilang beses ng naagawan si Calix ng huli pero wala itong kibo at hindi pinapansin ang mga humahablot ng huli nila.
"Your man isn't himself. " bulong ni Venus.
"Siguro iniisip parin ang mga nangyare at nalaman kagabi." Kiri.
Nakatitig lang si Siargao kay Calix saka napabuntong hininga.
"Kalil, pahingi ng mind message envelope."
Alam ni Kalil ang layunin nito, hindi siya nagtanong at naglabas ng isang envelope.
Kinuha iyon ni Siargao at binuksan bago pumikit.
Nang matapos siya, sinelyuhan niya iyon gamit ang aura niya.
Inabot niya iyon kay Venus.
Tumango si Venus bago palihim na binigay sa isang maliit na unggoy ang envelope.
Walang nakapansin sa galaw nila dahil narin nasa monitor mirror ang atensyon ng lahat.
Samantala sa hunting ground, tulala parin si Calix habang iniisip kung paano mapapabilis ang kanyang breakthrough.
"Oh oh ah ah!"
"Your majesty!"
Maging si Calix ay nagulat ng biglang may tumalon na unggoy sa taas ng ulo niya.
Hindi magkaintindihan naman ang mga kawal kung paano aalisin ang lapastangang unggoy ng hibdi nasasaktan ang Rajah.
Akmang gagamitin ni Calix ang enerhiya para pulbusin ang unggoy ng sabunutan siya nito patalikod.
Dahil sa gulat niya ay napasunod siya sa galaw ng unggoy.
Akma na niya talaga itong papatayin ng may inabot ang unggoy na isang envelope.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...