25

718 68 0
                                    

Makalipas ang isang araw ay nagising din si Siargao. Bagama't miserable ang  itsura nito dahil sa dami ng sugat ay alam niya sa sarili niyang mas malakas pa sya sa kalabaw.

Nang tanungin niya si Ravenna kung anong gayuma nanaman ang pinainom nito ay nagulantang sya ng sabihin nitong hindi gayuma ang nagpagaling sa kanya kundi ang seniorito. Ayon din dito ay ang seniorito ang nagpalit ng damit niya at nagbalik ng balabal niya.

Dahil sa hiya ay hinanap niya ito sa kambal pero ayon sa kanila hindi na ito bumalik ng lumabas ng silid niya.

Naisipan ni Siargao na magpapasalamat nalang sya pag nagkita silang muli.

Dahil may oras ang pagbisita, umalis na din agad ang kambal ng masigurong ligtas na si Siargao at hindi na kritikal ang sitwasyon nito.

Buong araw na nanatiling nakatayo si Siargao sa bintana niya. Hindi niya aamining hinihintay niya ang seniorito. Baka kasi maligaw ang anino noon sa bintana niya.

Dumalaw din si elder Myrr pero hindi ito nagtagal dahil kahit na may aksidente hindi pwedeng ipagpaliban ang seremonya pagkatapos ng pagsusulit kung saan opisyal na magkakaroon ng masters ang mga baguhan.

Pero bago umalis si elder Myrr ay nag iwan ito ng maraming gayuma para sa sugat at lapnos ni Siargao. Napagtanto niya ding galing sa elder ang mga gayuma na namana niya sa lolo niya.

Sa tatlong araw na pagpapahinga at dahil sa gamot ni elder Myrr ay unti unti ng naghilom ang mga sugat ni Siargao.

Hindi man kasing bilis ng paghilom ng mga zen users, ang mahalaga unti unting naghihilom ang mga sugat niya.


Sa tatlong araw na iyon ay hindi nakita ni Siargao ni anino ni Ezekiel. Sinubukan niya ring tawagan ito gamit ang bond nila pero walang epekto.

Sinubukan na din niyang pumunta sa bundok ng mga mandirigma gamit ang token na binigay sa kanya. Pero wala ang seniorito, maging ang ate at kuya niya ay hindi alam kung nasaan ang mga ito.

"Sa totoo lang, may hindi ako sinabi sayo bata"

Ani ni Ravenna na nakahiga sa kama habang nag eensayo si Siargao ng teknik gamit ang isang patpat.

"Ano iyon?" tanong ni Siargao na patuloy ang pag eensayo.

"Sa tingin ko may epektong masama kay Ezekiel o kung sino mang pontio pilatong iyon ang paggamot sayo."

Napatigil si Siargao sa pag eensayo at ibinaba ang patpat bago naguguluhang tinignan si Ravenna.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Noong pumasok ang diwa ko sa kanya ramdam ko kung gano kalakas ang aura niya pero hindi ganun kalakas ang enerhiya niya. Sa madaling salita, limitado ang kapangyarihan niya. Sa salitang ingles suppressed ang kakayahan niya. Wala pa sa kalahati ng totoo niyang kapangyarihan ang pwede niyang gamitin. Pero, kahit alam niyang delikado niligtas ka parin niya. Isa lang masasabi ko Siargao. Utang na loob mo sakanya ngayon ang buhay mo. "

Napatungo si Siargao. Sa totoo lang hindi naman sya bobo o tanga.

Alam niyang makapangyarihan si Ezekiel pero hindi niya alam kung bakit kailangan niyang magpanggap na ibang tao? Bakit noong nakita niya sya sa gubat imbes na patayin sya para patahimikin ay gumawa pa sya ng kontrata sa pagitan nila? Tapos ngayon bakit niya sya iniligtas kahit alam niyang ikakapahamak niya? Ano bang kailangan ng nilalang na iyon sakanya?

Nawalan ng gana si Siargao sa pag eensayo at pinabalik si Ravenna sa pagiging espada bago sibukbit sa bewang niya at lumabas.

Masyado na akong nakulong sa kwarto gusto ko na ng sariwang hangin. Sabi niya sa isip isip bago lumabas.

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon