Pagmulat ng mata ni Siargao ay nasa tolda na ulit sya.
Bumalik sa isip niya ang alaala niya bago sya tuluyang makatulog at napabalikwas sya.
Sinuri niya ng paligid niya at wala na kahit anino ni Calix. Walang nagbago maliban sa maayos syang nakahiga at nakakumot sya. Ganun parin ang damit niya.
Dismayado syang napabuntong hininga. Panaginip lang ba talaga ang lahat? Napakamot sa ilong ng mapansin niya ang malinis na sugat sa hinlalaki niya. Kinagat sya ni Calix kanina! Totoo ang lahat!
Dinala niya ako sa dimension para bumalik ang lakas ko?
Naguguluhan talaga sya kay Calix pero ng maalala niya ang bond ay naisip nalang niya na baka naapektuhan sya sa pagod niya kaya niya tinulungan ulit si Siargao.
Oo tama iyon siguro.
Muling napabuntong hininga si Siargao.
"Gising ka na pala, ang himbing ng tulog mo kahit pwet mo naharok naglalaway ka pa kaya hindi na kita ginising pa. Oh kumain ka na ang tagal mong natulog lampas hapunan na." nag angat ng tingin si Siargao at si Elder Myrr na may hawak na lagayan ng mga pagkain ang nakita niya.
" Salamat po. "
" May naiuwi ang anak ni Vien na isang living corpse. Sabi niya mas madali kung meron tayong pag aaralan ng aktuwal. Akalain mo ang talino ng batang iyon. Hindi tulad ng ganid niyang huklubang ama. "
Si Calix?
Natigil si Siargao saglit sa pagsubo pero pinagpatuloy niya ulit. Matapos ang pagkain niya ay sinama sya ni Elder Myrr papunta sa selda ng living corpse. Nadatnan nila doon ang ibang salamangkero.
" Elder myrr. " bati nila.
Tinapik ni Elder myrr si Siargao sa balikat bago sumeryoso at lumapit sa selda.
"Ngayon gusto kong suriin niyo ang living corpse na ito ano man ang mapansin niyo maliit na bagay man o malaki isulat niyo at pag uusapan natin." maotoridad na utos ni elder Myrr.
Pumalibot sa selda ang elites pero sinigurado nilang hindi sila masyadong lalapit. May mga mandirigma din sa paligid na nagbabantay.
Lumapit si Siargao sa harap ng living corpse at pinasadahan ng tingin ang mukha nito.
Itim ang mga mata pero parang nawalan ito ng kaluluwa dahil tagusan ang tingin nito. Walang emosyon ito at pinapakita lamang ang mga matatalas na ngipin na parang nagbabadyang mangangagat ng sino mang makasalubong nito.
"Ngayon anong napansin niyo?"
Nagtipon tipon ang mga elites at inisa isa ang kaalaman nila.
"Elder. Parang may mali sa laway ng living corpse!" puna ni Ley bago tinuro ang lapag kung san tumutulo ang laway ng living corpse.
"Kanina ko pa pinapanood ang paglalaway nito. Pag pumapatak sa sahig ang laway niya ay wala lang pero noong may dumaang flesh eater ant at nalawayan niya ay nawala at natunaw ito pero may umangat na parang usok sa langgam at pumasok sa dibdib niya!"
Nagkatinginan sina Siargao at elder Myrr sa totoo lang ay may dalawang dahilang naiisip na ang dalawa mula sa pag aaral nila at dahil sa sinabi ni Ley ay nakumpirma ang isa.
" Magdala kayo ng common beast dito bilis! "utos ni Eldeee myrr
Ilang saglit lang ay may bumalik na isang mandirigma at may hawak hawak na isang three legged parrot.
Inilagay nila iyon sa selda at pinanood nila kung pano ito kinagat ng living corpse pero natunaw ang beast. Tulad ng sinabi ni Ley ay may usok na mula sa ibon at pumasok sa dibdib ng living corpse.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasiaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...