12

760 79 1
                                    

Apat na araw na dirediretso ang pag panday ni Siargao maliban sa konteng segundo na iinom ito ng energy replinishing potion ay panay ang pagpanday nito.

Nadatnan sya nina Heter at Heder na abala sa pagpanday, hindi na bago ito para sakanila at naisip nalang na baka namimiss nito ang lolo nila kaya walang lakas loob ang kambal para patigilin ito.

Samantala si Vierra na nagsumbong sa kanyang ama at ina ay napagalitan. Ayon sa ama nila, kung maaari ay wag iinisin si Siargao isa na itong Salamangkero na pinag agawan ang ginawang gayuma noong duel night. Malaking problema pag inagrabyado ito at maisipan nitong umanib sa ibang pamilya at balikan sila. Batid nilang maliban sa dating apo at sa kambal walang amor si Siargao sa pamilya nila.

Hindi sangayon si Carmen pero wala syang magagawa kaya sinuyo nalamang niya ang bunsong anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halamang gamot. Pero hindi makakapayag na ganun ganun nalang si Vierra, nagsumbong ito sa nga kapatid niya na agad tumalima sina Kay at kanos.

Nang sinugod nila ang kubo ni Siargao ay sinalubong sila ng nag eensayong si Heter at Heder. Walang awa ang bawat galaw ng dalawa, maging ang magsalita ay hindi nagawa ng magkapatid kaya bahag buntot na tumakbo pabalik ang mga ito.

Umaga ng ika-limang araw, muling binisita ng kambal si Siargao at nabunutan sila ng tinik sa dibdib ng datnang kagigising lang nito. Hindi nito suot ang balabal kaya napakagwapong Siargao na kagigising ang nadatnan nila.

Parehas na napangiti ang kambal dahil parang bata ang itsura nito.

Mataas na ang sikat ng araw ng lumabas ang mga ito mula sa kubo, medyo alanganin pa si Siargao na iwan ang kubo kaya bago ito umalis ay sinelyuhan niya ito.

Sa malaking bulwagan ng mansyon ay nagtipon tipon sina Akhil, Kay, Kanos, Ariah, Heter, Heder at Siargao.

Masamang tingin ang binibigay ni Vierra dito na yakap yakap ni Ginang Carmen na sinusuklian lamang ni Siargao ng walang pakialam na itsura.

"Sa pagpasok niyo sa akademya, wag niyong kakalinutan ang mga ugali nyo. Wag niyong ipahiya ang ating angkan. Ang mga ugali nyo ang sasalamin sa buong angkan ng Balaraw kaya bago kayo magsalita o gumawa ng aksyon ay isaalang alang ninyo ang ngalan ng angkan natin." Paalala ni Ginoong Joseph.

Dadagdagan pa sana nya ito pero pinutol ito ng isang alipin na nag sabing dumating na ang karwahe ng akademya.

Sama samang lumabas sa tarangkahan ng mansyon ang pamilya at doon nakita nila si Denzel na nagaabang.

Nagliwanag ang mukha ni Vierra ng makita ang binata. Masiglang sinalubong nito ang binata at binangga si Siargao na nadaanan nito.

"Bakit ka nandito diba masamang nagkikita ang ikakasal bago ang kasal?" tanong ni Vierra na nginitian ni Denzel. Ginulo ni Denzel ang buhok nito at tinignan ng puno ng pigil na saya.

"Inutusan kasi ako eh, Tinuro ko kasi kung saan ang bahay niyo. Personal na dumating  ang anak ng may ari ng akademya kaya sinamahan ko."

Ani nito na narinig ng lahat. Nanlaki ang mata nina Kay at Ariah. Sino bang hindi nakakakilala sa anak ng may ari ng akademya ng Luzon?!

Sakto namang lumabas sa engrandeng karwahe si Ezekel na walang emosyon ang mukha. Umikot ang paningin nito sa buong lugar at tumigil sa pwesto ni Siargao sumilay ang kaunting ngiti sa labi nito pero agad ding napawi ng humarang si Heter na masama ang tingin sa paningin niya.

"Gat Ezekel" bati ng lahat maging si Vierra ay natulala sa napakagwapong mukha ng binata.

Binati din ng Apo at ng ginang ito na tinanguan lang ng binata.

Naglakad patungo kay Siargao si Ezekel at sinilip si Siargao na nasa likod ni Heter.

Nadaanan ng emosyong inggit at galit ang mata ni Vierra. Si Siargao nanaman!

"Siargao"

Ani nito habang naka ngiti pero para kay Siargao ay banta iyon dahil medyo kumirot ang ulo niya.

"Gat Ezekel anong kailangan mo sa pinsan ko?" magalang pero puno ng pagbabantang tanong ni Heter.

Sa tabi ni Siargao ay pinipigil ni Heder ang tawa niya habang nakatingin sa kakambal niya.

Tinignan ito ni Siargao ng puno ng pagtataka.

"Dumadali nanaman ang pagkamapang angkin ng kuya mo. Akala niya aagawin ka ni Gat Ezekel kaya ganyan makaasta." bulong ng dalaga na kinataas ng kilay ni Siargao.

"Personal akong pumunta dito sakay ng karwahe ng akademya, kung hindi mo alam kung ano ang pinunta ko dito. Baka nandito ako para kumain gat Heter." sarkastikong sagot ni Ezekel kay Heter bago hinila si Siargao at mabilis na pinapasok sa karwahe niya. Hindi niya binigyan ng oras si Heter para makagalaw kaya mabilisan ang kilos niya.

"hoy! Anong gagawin mo sa pinsan ko?!"

"Kung hindi ko ihahatid sa akademya. Siguro itatanan ko!"

Lahat:"........"

Heder: 0o0

Heter - _-\\

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon