May labing apat na item sa kahon pero isa lang ang pinili ni Siargao.
Sya ang unang pumili dahil sya ang nagbukas.
Pinili niya ang benda. Sa lahat ng item na nasa kahon. Ito lang ang kaisa isang item na ginawa nilang maglolo.
Walang nakakaalam sa kaya nitong gawin maliban sakanya.
Wala itong spirit pero buhay na item ito anoman ang iutos niya hanggat kaya ng benda ay susunod ito.
Kaya nitong maging tali na kahit nasa 6th level ay hindi makakatakas. Kaya din nitong maging controller.
Kung kanino man ito tumali, anoman ang utos ni Siargao ay susundin ng biktima kung hindi hihigpit ang tali at buong katawan ay matatalian at walang ibang magagawa ang biktima kundi sumunod ayaw man niya o gusto.
May pangalan ito, bendara.
Nang hawakan ito ni Siargao ay kusa itong pumulupot sa palad hanggang siko niya. Natakpan nga ang mga sing sing niya eh.
Napangiti si Siargao. Buti nga kilala pa sya nito.
Iniwan niya ang iba para paghatian ng iba pero isa lang din ang pinili ni Calix, isang garapon. Ang natirang dose ay pinag hatian ng natirang anim na kasamahan nila.
Hindi basta bastang garapon ang napili ni Calix. Isa itong jar cage.
Noong bata si Siargao at nangialam sya sa silid kung saan nagpapanday ang lolo niya at hindi sinasadyang naipit ng pamokpok ang daliri niya. Ayaw niyang aminin na pumasok siya sa silid bilang parusa kinulong sya ng lolo niya sa jar cage na yan.
Kinwento niya ito kay Calix at napangiti ng makahulugan ang binata.
"Anong nginingiti ngiti mo jan? Akala mo ba sobrang mahina ko na hindi ako makalabas jan? Wag ka lahat ng nasa baba ng 5th level hindi makakalabas jan! Hindi sa mahina ako sadyang wala lang akong kakahayang makalabas!"
"Wala ka paring level ngayon diba?"
"Ano naman ngayon? Minamaliit mo ba ako sa pagiging zenless-"
Napakunot noo si Siargao ng ngumiti ng napakatamis si Calix.
* ting
"Anong nginingiti ngiti mo jan? Iniisip mo bang ikulong ako jan? Ha! Subukan mo. Subukan mo lang!"
"oh anong mangyayari pag sinubukan ko?"
"hump! Hindi tayo bati!"
Padabog na iniwan ni Siargao si Calix dahil nahuhuli na din sila. Sumabay sya kina Via at binalewala si Calix na tumatawag sakanya.
"Oy kayo ha. Porket magkasintahan na kayo lantaran na maglandian. Mahiya naman sa mga elders." tukso si Via.
"Oo nga hindi na naawa sa mga walang kasintahang tulad natin." segunda ni Celine.
Namula si Siargao pero nagbingi bingihan na lamang ito sa mga pang aasar ng mga kasamahan.
At lalo syang tinukso ng dalawa.
Sa gilid ay may isang dismayado.
Si Heira.
Dismayado sya, oo. Pero wala syang balak mamagitan sa relasyon ng dalawa. Masaya sya basta masaya si Ezekiel.
Kita niya ang pagmamahal na namamagitan sa dalawa at wala syang balak na sirain ito.
Maganda ako hindi ko kailangang malungkot kung ayaw sakin ni Ezekiel. Ano naman?! Andaming nagkakandarapa sakin!
Ngumiti si Heira sa naisip at sumali sa asaran para kay Siargao.
Nagulat si Siargao dahil pati ang Heira na laging tahimik lang ay nakikisama sa asaran pero kalaunan ay nainis na din sya.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...