124

363 32 2
                                    

Habang abala sina Calix sa pag hahanda para sa parating na feast of the beast, sa panig nina Siargao...

"Wahhh lolo dont go yet!" Sigaw ni Kayser na luhaan ang pulang pula ang mukha.

Maging si Rina ay lumuluha pero nakayapos siya kay Kiri.

Sina Ash at Atsui naman ay tinutulungan si Kalil na pag hiwalayin sina Leo at Kayser.

"Lolo also don't want to go yet but your other lolo missed me too much!" naluluhang ani ni Leo.

Lalong lumakas ang paghila ng pwersa at umangat na din ang paa ni Kayser mula sa lupa.

"Wahhhh! Wahhh! Papa hasn't woke up yet! Lolo don't go waaaaah!"

Napapangiwi na sa sakit si Leo dahil nasasakop na ng pwersa ang buong katawan niya. Pilit niya itong pinipigilan gamit ang sariling kapangyarihan para hindi umabot kay Kayser ang pwersa.

Nagtapon ng talismans si Kalil sa katawan nila para hindi sila maapektuhan ng pwersa na humihila kay Leo.

"Your papa will be okay. He will wake up soon tita Ravenna, tito Kalil and tita Venus know what to do." Ani ni Leo habang iniinda ang sakit ng pag higit ng pwersa.

Galit na talaga ang asawa niya pihadong lagot siya pag nakauwe siya.

Naiimagine na niya ang asawa niyang walang emosyon, nakasandal sa puno ng lalabasan ng portal habang may hawak na espada.

Nangilabot si Leo at muntik ng mabitawan si Kayser ng humigpit ang hawak ni Kayser at umangat na sa himpapawid ang maliit na katawan nito.

Namilog ang mata ni Leo, pano nalang kung maisama ang bubwit na ito sa mundo niya?!

Wala pa ang edad nito sa kasunduan nila  pihadong gagawin ni Siargao ang lahat para mapuntahan siya at siguradong papatayin siya nito.

"Kayser, my little sweet cutie dumpling. Lolo pogi will just go home. I can still monitor your papa through tita Venus'  transmission stone. Don't worry I assure you that your papa will wake up soon. Promise."

Nakaarkong pababa ang namumulang labi ni Kayser habang nakakunot ang noo nito.

Nanlambot ang puso nina Kalil at Kiri lalo na si Leo.

"Little one come on, we'll see each other soon anyway." Pang ayo niya kay Kayser.

"Lolo, make sure to take care of yourself. Don't forget to contact us." Ani ni Kayser na sumisinghot singhot.

"Opo baby. Now let go of lolo. Go see your papa."

Naramdaman ni Leo ang pagluwag ng kapit ni Kayser.

Ganun din ang paglakas ng pwersa na humihigit sa kanya.

"Until we meet again!" Sigaw ni Leo at tuluyan na siyang hinila pataas sa himpapawid at parang bulalakaw pero pabalik sa kalawakan.

Sinambot ni Kalil ang katawan ni Kayser na dati'y nakaangat sa ere.

Inub ob ni Kayser ang ulo niya sa leeg ni Kalil.

"Shhh don't cry. You'll meet him again."pag ayo ni Kayser.

Isang linggo matapos ng ritual at nailipat na ang souls at power cores ni Siargao sa temporary body nito at ito na ang araw na hinila na si Leo ng pwersa ng mundo niya.

Hindi pa nagigising si Siargao at ito ang pinag aalala ni Kayser.

Ang lolo Leo niya lang makakasagawa ng paggamot kay Siargao. Ngayong wala na ito at hindi pa nagigising ang papa niya kinakabahan siya.

Nalulungkot din siya dahil umalis na ang lolo Leo niya kahit na paulit ulit na sinasabi ng lahat sa paligid niya na makikita niya si Leo sa hinaharap pero paano?

Nasa ibang mundo si Leo at ayon dito baka ito na ang huling pagdalaw nito sa Ma-I world. Paano sila magkikita kung hindi na siya madadalaw nito?

"Kays... We'll contact lolo Leo through transmission stone. Don't cry anymore hmm?" Ani ni Kiri na buhat buhat si Rina na pinupunasan ang luha niya.

"Crybaby Kayser." Asar nito habang nakanguso ang maliit na mapupulang labi.

Kunot noo at naka arkong pababa ang labi na binalingan ni Kayser si Rina.

"I'm not!"ani nito bago pinunasan ang mga luha at kinagat ang labi.

"Tsk tsk. Now now,  stop that bago pa matuloy na mag away nanaman kayo. Let's go inside, tapos na sina tita Venus at tita Ravenna na harangan ang pwersa. Lets check if papa Siargao is okay." Ani ni Kiri.

Nagpumiglas si Kayser sa bisig ni Kalil. Nang maibaba siya ng huli ay tumakbo siya papasok sa kubo.

Dahil sa pwersa na humila kay Leo kanina kinailangan nina Ravenna at Venus magsagawa ng barrier sa paligid ni Siargqo dahil wala itong malay.

Kung hindi nila gagawin iyon magkakaroon siya ngvinner injury dahil hindi niya malalabanan ang pwersa.

Pag pasok sa loob ng kubo ay sinalubong siya ni Ravenna.

"Your papa is fine." Ani nito at ginulo ang buhok ni Kayser.

Tumakbo ito palapit sa walang malay na katawan ni Siargao at nahiga sa dibdib nito.

"How is he?" Napalingon si Ravenna kay Kalil na tumabi sa kanya.

"No improvements. Stable ang vitals at ang dalawang cores pero wala paring sign ng pagkagising. Ilang linggo nalang feast of the beasts na..."

"Kailangan na nating magsimulang maghanda. Kailangan kong ihanda ang mga banga at dalikang gagamitin niya. Ganun din sa ibang mga items. Tawagin niyo ako pag may nangyare."

Pagtalikod ni Kalil ay bumungad sa kanya si Kiri.

Nagtanguan sila bago tuluyang umalis si Kalil.

"Nalalapit na ang feast of the beasts..." bulong ni Kiri.

Alam ni Ravenna na nag aalala ito kaya naman inakbayan niya ito.

"Wag kang mag alala si Siargao ang tipo ng tao na hindi hahayaang masira ang plano dahil sa kanya."

✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon