Tulala si Siargao habang nakahiga.
Tatlong oras na mula ng magising sya at wala pa syang planong bumangon.
Sa totoo lang wala pa talaga syang tulog bawat pagpikit niya ay nakikita niya ang mukha ni Calix.
Napahilamos sa mukha si Siargao at napaupo.
"Arggg! -"
"Oy may pag ibig na sya!" /"Ay tipaklong!"
Napatakip ng kumot si Siargao at napaangat ang tingin.
Nanlaki ang mata ni Siargao ng mamukhaan ang estranghero!
Ang lalaking nakarinig ng mga pinagsasabi niya sa traydor na si Ravenna.
"Ikaw! Pano?! Pa-pa-pano ka nakapunta dito?!"
"hahahaha kanina pa ako dito hindi ka nakaramdam?! Mukhang iniisip mo si master ahh!"
Nandilim ang mukha ni Siargao hindi sya bobo pero parang hindi niya naintindihan ang sinabi ng estranghero.
Anong master? Sinong master?
Umiling iling ang estranghero at nabalot ito ng berdeng liwanag bago naging isang ahas!
Napasinghap si Siargao at agad namutla! Takot sya sa ahas!
Maluha luhang tinabunan ni Siargao ang buong katawan niya ng kumot.
'traydor! Traydor ka Ravenna! Ravenna sumagot ka! Bakit hindi mo sinabing may tao sa kwarto ko?! Hindi, hindi tao ahas, ahas!'
'Oh? Ha? Pasensya na kagigising ko lang anong meron?' painosenteng sagot ni Ravenna na lalong kinainis ni Siargao.
Napahinto si Siargao ng may humablot ng kumot niya. Napatitig sya sa malaking ulo ng ahas ng lumabas ang dila nito.
Tuluyang pumatak ang luha ni Siargao at akmang sisigaw ng nagpakita ng pangil ang ahas.
"Tama na, tama na kailangan bang manakot ka pa?!"
Lumayo ang ahas at muling binalot ng liwanag at naging tao nanaman.
Nakangiti itong tumango bago yumuko.
"Siff ang aking ngalan nagpakilala na ako noon sayo noong itinatakas natin sina binibining Hali at Ysay. Isa ako sa mga guardian ni Young Master Zeke at ang iyong protector young master."
Nablangko si Siargao. Ano daw?
Guardian?
Young master Zeke?
Protector?
Young master ulit?
Umangat ang ulo ni Siff at ng makita ang naguguluhang ekspresyon ng binata ay ipinaliwanag niya isa isa.
" Ang Guardian ay ang mga piling beastclan na nakahanda bilang pananggalang ng mga royals habang ang mga protector ay ang mga tagapagtanggol nila. Bilang -"
Tumaas ang kilay ni Siargao ng napaubo si Siff.
"bilang kasintahan ng aking young master tungkulin din ng kanyang mga guardian at protector na bantayan ka ayon sa kanyang kautusan."
Nalunod sa sariling isipin si Siargao. Pinaliwanag ni Calix ang kanyang katauhan. Hindi, hindi niya pinaliwanag kundi pinakita niya. Pinapasok ni Calix si Siargao sa ala ala niya. Pero pili lang ang pinakita nito.
Ang tunay na pagkatao ni Calix bilang ahem.
Bilang anak sa labas ng isang emperor beast. Oo anak siya sa labas pero namana nito ang dugo ng emperor beast.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
خيال (فانتازيا)Simula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...