Nagsimula ng pumatak ang ulan at magsi alisan ang mga bisita na nakilamay sa libing ng matandang pinuno ng isa sa pinakamalaking maharlika¹ sa barangay ng Tondo, pero may isang binata na nanatiling nakatayo sa tapat ng puntod.
Walang emosyon ang mukha nito ngunit hindi naitago ng kanyang mga mata ang lungkot at pag iisa. Lungkot dahil sa pagkawala ng nag iisang lolo niya at pag iisa dahil wala na ang unang nag paramdam ng kung ano ang ibig sabihin ng pamilya.
Tinitigan niya ang puntod saka pilit binanggit ang:
"lo-lo"
Pilit niyang pinipigilan ang mga luha niyang nangingislap sa kanyang mga mata at nagbabadyang pumatak.
Hanggang sa isang malamig na simoy ng hangin ang tumangay sa natitira niyang lakas.
Tuluyang nanlambot ang kanyang mga tuhod at napasalampak sa damuhan kasabay ng luha niyang kanina pa gustong kumawala.
Tahimik syang umiyak sa tapat ng puntod ng lolo niya.
Haplos- haplos ang bawat letra na nakaukit sa lapida, sinisisi niya ang kadayaan ng kapalaran.
Ginoong Hulo Balaraw
Araw ng kapanganakan: ika-30 ng Agosto
Araw ng kamatayan: ika-3 ng hunyo"lo, pano na ako? Ano nang gagawin ko ngayong iniwan mo na ako?"
Napapikit sya ng humangin at dala nito ay ang alaala ng kanyang lolo.
Flashback
"Siargao,bakit ka umiiyak?" tanong ng isang matanda na nakasuot ng pulang damit para sa pinuno ng isang maharlika na pamilya.
Mahaba ang kulay abong buhok nito habang may gintong circlet na nakapalibot sa noo nito. Mayroon itong tungkod na gawa sa metal na nagsisilbing alalay nito sa paglalakad.
Napatunghay ang paslit na si Siargao na nakaupo sa sulok ng abandunadong kubo, sa matanda.
Luhaan ang buong mukha nito at namumula ang ilong sa kakaiyak.
"Ayaw na po kasi nina ama at ina sa akin*huk*"
"Pano mo naman nasabi iyan?" tanong ng matanda bago umupo upang makapantay ang paslit.
"Sabi nila *huk* wala daw po akong Zen *huk* magiging palamunin lang daw po ako *huk* kaya wag na daw po ako bumalik sa mansyon² *huk* dito na lang daw po ako manirahan sa kubo*cries*"
"Apo³, tahan na. Gusto mo bang sumama kay lolo? Hindi ako mandirigma , o salamangkero isa akong panday. Hindi kita mabibigyan ng zen pero tuturuan kitang magpanday ng mga magagandang bagay at higit sa lahat hindi kita iiwan mag isa tulad ng ginawa nina Carmen at Joseph. Ayos ba iyon sayo apo ko?"
Isang mainit na palad ang dumapo sa ulo ng paslit. Tinitigan ni Siargao ang mukha ng matanda.
Nakangiti ito na ikinasingkit ng mga mata nito. Ilang saglit nya pa itong tinitigan bago dinamba ng yakap at humagulgol sa dib dib ng matanda. Hinaplos haplos naman ng matanda ang ulo nito.
"Tahan na Siargao, pag umiyak ka dahil sa kagagawan ng iba lalo ka nilang sasaktan. Tahan na apo ko."
Flashback Ends
Napamulat si Siargao ng bumalik ang alaala noong inako ng lolo niya ang responsibilidad na iniwan ng mga magulang niya.
Bagama't naipanganak sya sa maharlikang pamilya ng mayamang angkan ng Balaraw, wala syang Zen na namana.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasíaSimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...