"I did nothing wrong."nakangusong sagot ni Kayser.
Pinag sasabihan ito ngayon ng babaeng maraming tattoo sa naging asal nito kanina sa bulwagan.
"I agree with him. Kays did it right!" Segunda ni Heirina at umapir pa kay Kays.
Napasampal nalang sa noo ang babaeng may mga tattoo.
"Hurting someone without them knowing why? Is it good or not?" Ani naman ng lalaki na nakamanto.
"Them being ignorant of their own mistakes are their fault. Young master did the right thing. " pagtatanggol ni Ash.
"Kahit ako, kung sa ama ng anak ko may lumapit at mang akit. Nako hindi lang iyon gagawin ko." Ani ng babaeng nakabistida ang babaeng laging nakadikit sa Valley Master.
"Enough, enough. Past is past. " awat naman ni Venus na pumagitna na sa tatlong bata at tatlong nakakatanda.
Sa kasalukuyan ay nasa silid silang lahat.
Katatapos lang ni Venus palibutan ng barrier ang kwartong ito ay nagsimula ng magbangayan ang lima.
"Is it done?" Tanong ng babaeng may Tattoo.
"Yeah. Sa kwartong ito lang ang nilagyan ko tulad ng utos mo." Napatango tango naman ang babaeng may mga tattoo at inalis ang maskara.
Ganun din ang iba. Inalis nila ang mga maskara at mga manto bila.
Maging ang mga bubwit ay ganun din.
Tanging ang Valley Master lamang ang nanatiling walang kibo habang nakatanaw sa bintana na may barrier din.
Kung sa labas titignan ay tanging nakabukas na bintana lamang iyon at walang nakatayo doon dahil sa barrier.
"Ravenna, Kalil, walang ginawang mali ang baby ko bakit niyo ba pinagsasabihan. Kung makikita kayo ni Leo lagot kayong dalwa!" Banta nito bago lumingon na nakasimangot.
Hawak hawak na nito ang kanyang maskara.
May tatlong pulang tuldok ito sa gitna ng kilay. May lilang mata at ng ibaba nito ang kanyang manto ay may pula itong buhok.
"Magtigil ka. Hindi na ako nagtatakang anak niyo yang batang iyan! Manang mana sa inyo." Ani ni Kalil.
"Nga pala maalala ko bat hindi pa nadating si Atsui? Hindi ba't dapat kahapon pa siya tapos sa pag absorb ng core ng nanay niya? Alam ba noon kung saan yun pupunta?" Sabi naman ni Ravenna.
"He's here already. Open the door." Ani ni Siargao. Agad namang tumakbo si Ash para pagbuksan ng pinto ito.
Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa kanila ang binatilyong si Atsui.
"Oy ash. Pasensya na natagalan ako. Medyp hassle ang absorption. Kung bakit naman kasi naiwan din tong transmission stone eh. Kanina pa ito nailaw. Mukhang naiinip na si Leo mula sa kabila."
Bumalik pa ito sa barko para balikan ang transmission stone na ito matapos qng absorption. Naiwan ito ni Siargao dahil pinagpapamadali siya nina Ravenna pagbaba.
Binigay ni Atsui ang bato kay Siargao.
Naglabas ng talisman si Siargao at dinikit sa bato.
Umangat ang bato sa ere at naging malaking liwanag.
Sa loob noon ay nagpakita ang iritadong mukha ni Leo na nasa enchanted Valley.
"You pieces of shit. Porket nakuha niyo na ang kailangan niyo sa akin, iiwan iwan niyo nalang ako?! Talagang sinama niyo pa ang magiging asa- este ang aking apo. Kayser! Kayser!"
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...