TRAPPED. Nakapamulsang nakatayo ang nilalang sa harap ko na may mga matang sinlamig ng north pole kung makatitig. He wore a blank face—aakalain mo'ng wala siyang pake. But I would prefer a face na may emosyon kaysa sa ganito na hindi mo alam kung galit ba o handa nang pumatay. Walang warning!
Hindi ko inalis ang mga mata ko sakanya. Binantayan ko ang bawat galaw niya at hinanda ang sarili sa mga posibleng mangyari. Malay mo, baka yakapin ako nito sa leeg ng mahigpit. Tigok!
Tumikhim rin ako, sinisigurong kaya ko pang sumigaw ng malakas kung sakali. Napapitlag ako at mas napapidpid ng humakbang siya, "D—D'yan ka lang. S—Sisigaw ako!" banta ko.
Huminto siya mga dalawang ruler ang layo mula sa akin. He bended his knees. Nakatalungko siya sa harap ko, giving me a better view of his unbelievably flawless look. His mild musky masculine scent was calming. Jusmio, ang bango niya.
Umangat ng isang sulok ng labi niya, "L—Lumabas ka nga dito! Female CR 'to. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" lakas loob na tanong ko.
"Hunting my prey."
"P-prey? 'Yong sa animal kingdom ba? Hindi ba dapat maghahabulan pa tayo?L—Like tom and jerry diba...diba? Masarap kainin 'yong pinaghirapan...alam mo 'yon?" I smiled awkwardly.
Hindi gumana ng maayos ang isip ko, kung ano-ano nalang ang lumabas sa bibig ko.
Kumunot-noo siya. Shuta—ba't ang gwapo niya sa part na'yan? Isang kunot-noo pa nga!
He's handsomely cold and terrifyingly hot—ano daw? Tandaan mo, naglipana na ang mga gwapong serial killer sa panahon ngayon. Standing kingly in front was a substantial proof.
Sht. Pa'no kung may masamang balak talaga ang taong 'to at may plano nang kitilin ang buhay ko? Dito na ba matatapos ang lahat? Mariin ko siyang pinagmasdan, sinipat ang katawan kung may sandata. Ano ba kahinaan niya?
Hindi niya rin inalis ang mga mata niya sa'kin. He's like doing a full body X-RAY sa mga titig niya. Kung wala lang akong atraso dito, iisipin ko, may pagnanasa siya sa'kin.
Nasa ka jan? Huh. In my dreams. Mukhang kating-kati na nga 'to na iligpit ako.
Kung makatitig kasi! Parang pinagaaralan niya talaga ang katawan ko—wait! Hindi kaya hinuhubaran na niya ako sa paningin niya?! M-maniac kaya siya? POSIBLE YON!
Minuto na ang lumipas at ngayo'y parang tunaw na ice cream na ako sa titig niya. Napapitlag ako nang makarinig ng sunod sunod na katok mula sa main door. Tumingin ako ro'n pero 'tong kaharap ko, hindi pa ata nagsawa sa kagandahan ko. Hindi man lang pinansin ang pinto!
Tunaw na tunaw na ako,anuba!
Tumikhim ako para basagin ang katahimikan. Iginala ko ang mata ko sa paligid, naghahanap ng daan kung saan ako makakalabas at kung paano ako makakatakas mula sa sakanya.
Laking pasalamat ko nang lumabas siya ng pinto. Napasign of the cross ng wala sa oras at kahit papano'y nakahinga ng maluwag.
Pero ang akala kong tapos na, simula lang pala!
Domoble ang kaba ko nang makitang sunod sunod na nagsipasok ang tatlo pang kalalakihan; 'yong mga kasama niya kanina. I can't ignore the possibility na baka ma-rape ako. Alam kong may itsura sila pero, jusmio, hindi ako gano'n kababaw para hayaan ko silang gahasain ako dito.
Mangiyak ngiyak na tiningnan ko sila. "Prank call lang naman ginawa ko, pero ba't niyo ako ginaganito?" mahinang sambit ko habang nagmamakaawang nakatingin sa kanila.
Oh, my gosh! Nasabi ko na ba na nangangalay na ang leeg ko kakatingala sa mala tore nilang height? Napahilot ako sa leeg. Apat na sila sa harap ko.
"There you are." sambit ng isa sa kanila, "Mas maliit siya sa personal." Sabi ng lalaki na nakabukas ang dalawang butones sa polo. Aba't—matadyakan nga 'to.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Novela JuvenilWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
