45: Territorial

2.7K 148 43
                                        

MULA nang malaman ko na may "kinababaliwan" ang hinayupak na 'yon, malapit na rin akong mabaliw kakaisip kung sino ang lapastangang nilalang na 'yon!

Naging instant investigator ang ferson niyo. Lahat ng mga babaeng tinatarayan at sinusungitan ni Shaun, nakalista na sa The Death Note—este, sa listahan ng mga pinagdududahan ko. Kahit 'yung mga dyosa sa Senior High na naglalakad lang sa hallway, hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata.

Siyempre, para hindi naman masyadong kawawa ang ego ko, numero uno pa rin ang pangalan ko sa listahan. Hahaha! Feelingera na kung feelingera, malay niyo naman, 'di ba?

Pero seryoso, isang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akong lead kung sino talaga ang nilalang na 'yon. Hindi naman kasi nagbabago ang mood ni Shaun—ganoon pa rin siya, parang laging pinaglihi sa sama ng loob at out-of-stock ang ngiti.

Pero may isa akong pinaka-pinagdududahan.

Naalala niyo 'yung Junior student na wagas kung magpacute kay Shaun noon? Yes, si Cherry.

Cherry Bomb!

Hindi naman talaga Bomba ang apelyido niya, pero gusto ko lang siyang tawagin nang ganoon. Bakit? Kasi gusto ko siyang pasabugin! Charot lang!

Halos araw-araw niyang nilalapitan si Shaun. Noong una, natutuwa pa ako dahil tinatarayan siya ng hinayupak—as in, super taray at savage level. Pero these past few days, pakiramdam ko ay nagkaroon ng glitch sa system ni Shaun. Iba na ang pakikitungo niya sa bombang 'yon!

Imagine, pinapa-share pa niya sa table namin!

Noong Gym class namin, habang naglalaro ang mga boys ng basketball, ang halipandot, nakisali! Lalapit-lapit kay Shaun tapos aagawin ang bola. Napakapapansin, kulang na lang ay lagyan niya ng neon lights ang noo niya para tignan siya.

HINDI NAMAN AKO NAGSESELOS. Uulitin ko, hindi ako nagseselos! Pero gustong-gusto ko na talaga siyang batuhin ng bolang semento para tumigil siya sa pag-ikot sa paligid ni Shaun.

Ganda-ganda na sana ng araw ko dahil sa napakagandang panaginip ko kanina, pero sinira lang ni Cherry Bomb na ngayon ay nakikisali na naman sa mga boys na naglalaro ng volleyball sa court. Buset na 'yan.

Si Shaun na noon ay parang may sapi sa pagsusungit, ngayon ay nakikipag-usap na nang matino kay Cherry Bomb. Mas lalo akong nagduda. Siya ba? Siya ba ang kinababaliwan mo, Shaun? Seryoso ka ba sa taste mo?

"Hoy, kalma. Kay liit ng kamay mo, pero nayupi mo 'yang lata," sabi ni Rob sabay hablot sa hawak kong soda. Totoo nga, nayupi ko na pala ang lata sa sobrang gigil.

Tumayo ako at pinagpag ang likod ng jogging pants ko. "Nagpapraktis lang ako, Rob. May yuyupiin kasi ako mamaya," makahulugan kong sabi habang ang mga mata ko ay nakapako kay Cherry Bomb.

Palihim akong umirap at mabilis na naglakad palabas ng gym. Nararamdaman ko na ang pagtaas ng presyon ko; baka kung ano pa ang magawa ko sa prutas na 'yan. Pero hindi pa nga ako nakakalayo, saktong nahagip ng tenga ko ang "bulungan" nina Lex at Rob.

'Yung totoo? Nagbubulungan ba talaga sila? Ang lalakas ng boses, parang may megaphone sa lalamunan!

"Babe, may hindi kayo sinasabi sa amin," rinig kong sabi ni Lex. "Si Cherry at Shaun... parang iba na ang ihip ng hangin. What's up with them? Bakit biglang bumait si Shaun  sa Cherry na 'yan?"

Nagkibit-balikat lang si Rob at umiling. "Aba'y malay ko do'n."

"Something's fishy talaga. But babe, I don't like her. Can I kill her?" pabirong tanong ni Lex, pero ramdam ko ang suporta niya sa akin.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon