ALAS nuebe na ng gabi pero gising na gising pa rin ang Alberto's mansion. Beat driven style of music at malalakas na tawanan ang narinig namin nang dumaan kami sa banquet hall. People inside were as if having the time of their life.
Sarap maki-dance to the groove kaso naalala ko, hindi pala ako marunong sumayaw. Baka magmukha lang akong uod na binudburan ng asin sa gitna ng dance floor.
Bumukas ang pinto ng elevator nang marating na nito ang ikatlong palapag ng mansion, "Dito tayo, ma'am." iginuide kami ni ate.
Sinundan namin kung sa'n siya patungo. Buti pa si ate, kabisado na ang malaking bahay na 'to. No'ng isang araw kasi, sinubukan kong maglibot mag-isa sa loob ng mansion pero buset talaga, naligaw ako! Muntik na akong maiyak sa tapat ng isang portrait ni Lolo dahil hindi ko na mahanap ang daan pabalik.
Nang maihatid kami ni ate sa harap ng kwarto na tinutukoy ni Eve, iniwan na niya kami. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto but I paused at nagdududang tinitigan ang pinto.
"Pakiramdam ko may kalokohan na naman 'tong mga anemel na 'to." sabi ko sabay bitaw sa knob at umatras. "Malakas ang pakiramdam ko."
"You're overthinking again, Fruitcake." wika ni Shaun. Hinawakan niya ang doorknob.
Pipihitin na sana niya ito pero hindi nagawa dahil mabilis kong tinanggal ang kamay niya mula ro'n.
"No!"
Lumingon siya sa'kin na bakas ang pagtataka sa mukha.
"Wala akong tiwala sa mga kaibigan natin." natatawang sabi ko, "Pa'no kung prank lang pala 'to tapos—"
Natigilan ako—kami. Nanigas ang kalamnan ko't parang humiwalay 'yong kaluluwa ko sa nakita. Hutang-ayoko isipin na mumu ang may gawa no'n pero parang gano'n na nga!
'Yong pinto... bigla na lang bumukas nang kusa! Napalunok ako ng laway at napahawak sa braso ni Shaun. Niyugyog ko 'yon ng mahina, "T-tara na kaya?"
Tila nanayo ang balahibo ko sa batok nang mas lumaki ang awang ng pinto na sinabayan ng pang-horror movie na langitngit ng pinto—buset talaga!
Pinalo ko sa braso si Shaun nang nahimigan ko ang nakakaloko niyang tawa, "We're not in a horror movie, Fruitcake. Your imagination is going wild again."
"Eh, sino nag-bukas niyan?! Sigurado akong nakita mo rin 'yon!" Hinila ko siya para sana umatras na lang pero ang hinayupak, nagmatigas! Naramdaman ko pa na hinila niya ako papasok sa nakaawang na pinto.
"N-no... n-no no!" umiiling na sabi ko, "Cha Eun Woo's ghost is inside. Don't you wanna see him?"
Mabilis akong napalingon sa kanya at napanganga na may halong tawa, "Niloloko mo naman ako e!" Tumawa lang siya at muli akong hinila. Nagmatigas ulit ako! No way talaga na papasok ako sa madilim na kwartong 'yan. No... no—
Natigilan ako sa pagkakapumiglas nang marinig ko ang mga mahihinang tawa mula sa loob. Tinakasan na ata ako ng dugo ko at nag-aalsa balutan na rin ang puso kong mabilis pa sa cheetah ang tibok. "N-narinig mo 'yon?"
"Huh? Wala naman akong narinig."
"Puchaness—" Tumalikod ako para sana tumakas pero ang hinayupak, desidido talagang ipasok ako sa loob. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Para tuloy kaming magkayakap. "Hinayupak!" sita ko sa kanya.
"Just close your eyes." Ewan ko ba pero pakiramdam ko, nang-aasar 'tong hinayupak na 'to. "Talagang matatamaan ka sa'ki—kyaaah. W-wag please—"
Pero wala... hindi nakinig. Naramdaman ko na lang na umabante na kami. Sinubukan kong magpumiglas pero dahil sadyang malakas siya, wala akong napala. Layas na layas na rin ang puso ko at mukhang malalagutan na dahil sa sobrang takot. No choice, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Taimtim akong napapikit, "Buset ka talaga hinayupak. Pag ako naging multo na paglabas dito, ikaw uunahin k—"
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Novela JuvenilWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
