Naglabas ulit ng mga papel si Emily mula sa envelope at ngumiti ng tipid kay Xen. Lumingon si Xen kay Mrs. Robinson na tahimik lang at nakikinig, ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya, tila binabasa ang bawat pintig ng kanyang puso.
"Maraming tao ang magkakamukha sa mundo at alam naming hindi 'yon sapat na proweba para masabi naming ikaw nga ang batang 'yon," sabi ni Emily, ang boses ay seryoso ngunit may bahid ng pag-asa.
"That's what I thought too at first but I've discovered things that were kinda odd. I was so desperate to get my question answered kaya nag-imbestiga ako. Pina-DNA test kita to see if we're related but I found out more than that," makahulugang sabi ni Eve mula sa kanyang higaan.
"Pina-DNA test din kita gamit ang disposable spoon na gamit mo," pagtatapat ni Emily. Nagliwanag ang mukha ni Xen sa narinig, panandaliang nawala sa seryosong sitwasyon.
"Kayo po pala kumuha no'n? A-Akala ko po mumu talaga kumuha! Jusmio," sambit ni Xen, pilit na kumakapit sa kaunting biro para hindi siya lamunin ng kaba.
Emily chuckled a bit, pero agad ding bumalik ang seryosong tingin. "I'm sorry if that scared you pero oo, ako ang kumuha no'n para sa plano ko."
Xen's stomach suddenly dropped. Ang pakiramdam na iyon—yung parang nahuhulog ka mula sa mataas na gusali. Gusto niyang malaman pero natatakot siyang harapin ang sagot. Dahil maging siya'y nangangati na ring malaman kung ano ba talaga ang totoo, she asked, "A-ano po ang resulta?"
Iniabot ni Emily kay Xen ang mga papel na hawak. Those were DNA results. "See for yourself."
Kunot-noong binasa ni Xen ang mga naroon sa papel. Ang kanyang paningin ay nagpapabalik-balik sa mga teknikal na salita hanggang sa umabot siya sa pinakadulo. Binasa niya ang nasa conclusion: Danica Alberto and Xenica Montel are 99.9% chance mother and daughter.
Tumigil ang mundo. Ang tunog ng ospital ay naglaho, napalitan ng isang nakabibinging pintig sa kanyang tenga. Hindi niya inasahan ang nabasa. Kinusot niya pa ang mga mata niya para siguraduhing hindi siya namamalikmata.
"H-Hindi po ba 'to prank? Wag po kayong ganyan, tita Emily. K-Kunsabo niyo po ba 'yong mga anemel kong kaibigan dito?" nilingon ni Xen si Mrs. Robinson at napatitig sa mata nito na tila namamasa na sa nagbabadyang mga luha.
Napatingin ulit si Xen sa mga papel na hawak at tiningnan ang pangalawang dokumento. Nabasa niya ang pangalan nila ni Eve na sinasabing 30% silang magkadugo.
"Eve naman. Wag mo 'ko i-prank ng ganito. Tatamaan ka sa 'kin!" nanginginig ang boses ni Xen, pilit na itinatanggi ang nararamdaman.
"Why? Ayaw mo ba ako maging pinsan?" mahinang tawa ni Eve, pero ang kanyang mga mata ay nagsasabi ng katotohanan.
"Hindi naman sa gano'n pero masamang biro 'to. Masakit umasa, alam mo 'yon?" mahinang sabi ni Xen, ang unang patak ng luha ay bumagsak na sa papel, sakto sa pangalang binabasa niya. Napatingin uli si Xen sa pangalan na Danica Alberto mula sa papel at binasa niya ito nang malakas, tila sinusubukan kung paano ito lalasa sa kanyang dila.
"D-Danica Alberto—"
"Yes?"
Tila huminto ang puso ni Xen sa sandaling binitawan ni Danica ang sagot na iyon. Ang bawat segundo ay tila bumagal, at ang tanging maririnig na lamang ay ang mahinang hikbi sa loob ng silid. Dahan-dahan niyang tiningnan ang babaeng nasa harap niya—ang kanyang math tutor na ngayon ay tila ba nababalot ng isang liwanag na hindi niya maipaliwanag.
"I-Ikaw ho si Danica Alberto?" halos pabulong na tanong ni Xen, ang kanyang boses ay nanginginig, parang isang marupok na kristal na anumang oras ay mababasag.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
