66: THE UNICORN SLURPEE & THE JELAY QUOTIENT

820 47 2
                                        


Nang makalayo na ako sa kaniya, sinampal-sampal ko ang sarili kong mukha na namamanhid pa rin sa kilig. Bigla akong tinabihan ni Nisha na kakarating lang at prenteng kumakain ng kutkutin. Kumuha ako ng isa at ngumingiti-ngiting ngumunguya habang lutang ang isip.

"Aga-aga, para kang timang," puna ni Nisha.

"Maganda ba talaga ako?" tanong ko sabay harap sa kaniya at nag-beautiful eyes.

Napangiwi siya nang makita ang reddish bump sa tuktok ng ilong ko. "Err... sige, maganda na lang. Wait, pimple ba 'yan? 'Pag ang pimple ay nasa ilong, ang ibig sabihin ay in-love.' In-love talaga ang baliw!" komento niya na lalong nagpalapad ng ngiti ko. Totoo naman kasi!

Dahil nakaharap ako kay Nisha, hindi ko napansin ang nakasalubong ko. Narinig ko na lang na may umaray. Pagtingin ko, walang iba kundi si Cherry Bomb—naka-upo sa sahig at masamang-masama ang tingin sa akin.

"Hala, sorry!" Inilahad ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo, pero padabog niya lang itong tinapik.

Hinimas ko ang kamay ko at inismiran siya. "Taas talaga ng pride," bulong ko.

Masama pa rin siyang nakatingin sa akin habang nagpapagpag ng saya niya. Maya-maya, sumilay ang isang mapang-asar na ngiti sa mukha niya habang nakatitig sa ilong ko. Bigla na naman akong na-conscious.

"So disgusting," maarte niyang sabi. "Shaun might not be in his right mind for dating someone like you. Look at that thing on your face. Gross."

"Bawiin mo ang sinabi mo," banta ko sa kaniya habang naniningkit ang mga mata ko. 

"Hoy, wala kang karapatang pagsalitaan siya nang masama dahil lang sa akin, ha? Bakit, porke ba ako ang pinili, sira na agad ang ulo niya? Bawiin mo 'yan bago ko makalimutang maganda ako at makalbo kita!"

"Whatever," sagot lang niya. Inirapan niya ako, nag-head-to-foot, at pagkatapos ay nag-flip ng buhok bago tuluyang tumalikod. Bwisit talaga!

"Nisha, pigilan mo 'ko! Makakalbo ko na talaga ang Cherry Bomb na 'yan!" nanggigigil kong sabi habang akmang susugod.

"Sige na, go! Cheer pa kita, sis!" natatawang sagot ni Nisha, imbes na pigilan ako.

Susugod na sana ako nang biglang may mabigat na braso na umakbay sa akin. Hindi ko na natuloy ang planong "Operation Kalbo" kay Cherry.

"Huwag mo na pansinin," sabi ni Louie na chill na chill lang habang kumakain ng Pringles. Wala 'yan, babes. 'Yung mga haters na 'yan, hindi naman ikaw ang kinagagalitan niyan. Galit 'yan sa sarili nila kasi ikaw 'yung nakakagawa ng mga bagay na gusto nilang gawin pero 'di nila kaya. Inggit lang 'yan."

Matapos ang kaniyang inspirational quote of the day, agad din siyang bumitaw at pumasok sa room habang patuloy sa pagnguya.

"On point!" kumento ni Nisha. "Hoy, Uloy! Pengi ako niyan!"

Napahinto ako. Uloy? Napalingon kami pareho ni Louie sa sinabing 'yon ni Nisha. Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mukha ko. "Hoy, baliw... Louie. Kayo, ha? May pa-nickname na?" pang-aasar ko sa kanila.

"M-malisyosa ka masyado! Alam mo 'yon?" iwas-tingin na sabi ni Nisha, pero halatang namumula ang pisngi.

"Ayie! Baliw, linyahan ko rin 'yan noong in-denial pa ako! Talagang may callsign ka pa kay Louie, ha? Uloy? Ang dugyot pakinggan, pucha! Hahahaha!" halos mabulunan ako sa tawa.

"U-uloy... Louie... O-luie, gano'n! Pinagrambol ko lang 'yung name niya, baliw ka! Anong dugyot? Cute kaya!" depensa niya. Bigla siyang ngumisi nang nakakaloko para bumawi. "At saka okay na ang 'Uloy' kaysa sa 'Fruitcake.' Mas malala 'yon!"

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon