47: Vodka-Soaked Truth

3K 127 67
                                        

KAKAISIP ko sa message ni Kyla, hindi ako nakatulog nang maaga. Bakit pa kasi kailangang i-unsent 'yong message? Paano kung isang "secretong malupit" 'yon tapos nagbago ang isip niya at binawi agad? O baka naman typo lang 'yon pero dahil overthinker ako, gina-grandize ko na sa utak ko? Gagi lang.

At isa pa, ano kayang "favor" 'yung tinutukoy niya?

Hay, hindi ko talaga maawat ang wagas na pag-o-overthink ng utak ko. Tuloy, ang kinalabasan—late na ako!

Nagmamadaling bumaba ako ng jeep at lakad-takbong tinungo ang gate ng school. Isipin mo, singkwenta minutos lang naman akong late! Buset. Literal na "I'm too early for the next subject" na ang drama ko nito.

Na-swipe ko na ang ID ko at hahakbang na sana papasok ng campus nang biglang may bumusina sa gilid ko. Hindi ko na sana papansinin dahil baka masungit na Guard na naman ang makaharap ko, pero nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin, napahinto ako at napalingon.

Siya nga. Kasing-liwanag ng sikat ng araw ang ngiti niya kahit maaga pa. Lumabas siya ng kotse at nilapitan ako.

Naalala ko 'yung chat niya kagabi. Hindi ko akalain na ngayong umaga talaga siya dadaan. Wala ba siyang class sa school niya? O sadyang hobby niya lang ang mang-gulat?

"Good morning! Oh, no. You're soooo late," natatawang bati ni Kyla sa akin.

Pinaalala pa talaga niya, 'no? May test pa naman kami sa first subject. Gusto ko nang maiyak sa stress pero kailangan kong panindigan ang pagiging "Exotic" beauty ko sa harap niya.

Tipid akong ngumiti para itago ang hingal ko.

"Kaya nga, eh. Napasarap sa tulog," pagsisinungaling ko habang pilit na inaayos ang nagulo kong buhok dahil sa pagtakbo.

"Nga pala. Here." Inabot niya sa akin ang isang pink, heart-shaped box. Napanganga ako at napatitig sa kanya nang may pagtataka.

"Thank you! Pero hindi ko naman birth—"

"Would you do me a favor and give that to your SSC president?"

Ay, pahiya konti. Oo nga pala! Ito 'yung favor na nabanggit niya sa chat. Ang feeler ko naman sa part na nag-thank you agad ako! Akala ko talaga para sa akin na.

Walang pagdadalawang-isip na tumango ako. "Sure! Sige, makakarating 'to sa kanya," paniniguro ko.

"Great!" Excited na pumalakpak si Kyla.

Inusisa ko ang hugis-pusong box. Sandali nga... bakit siya magbibigay ng ganito karomantikong bagay sa lalaki kung wala silang—wait a minute!

Nagliwanag ang mukha ko at napangisi sa napagtanto. "Kyla... si Pres ba? Siya ba 'yung tinutukoy mong 'XYZ' sa kwento mo no'ng nakaraan? Si Pres. Ry—"

"SSSSSHHH!" Mabilis niyang inilagay ang hintuturo sa labi niya. "You're too loud!" bulong niya habang lumingon-lingon sa paligid. Lumapit siya sa akin at bumulong ulit, "Yep! Siya nga."

Napatili ako nang mahina at agad nagtakip ng bibig. 'Yung lalaking nakausap ko no'ng araw na inaway ko ang vending machine ay ang Armani SSC President namin?!

Si Pres. Ryu.

"Nakausap ko siya isang beses," kwento ko.

"Gwapo niya, 'di ba?" kinikilig na tugon ni Kyla. Tumango ako dahil may itsura naman talaga ang isang 'yon—tipong pang-lead role sa K-Drama. "Bagay kayo!" dagdag ko pa, na lalong nagpa-hyper sa kanya.

Natawa na lang ako nang mahina. "Nga pala, I won't stay long. Magsi-CR lang ang paalam ko sa school namin para lang makapunta rito, eh. Chat na lang tayo—"

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon