27: Julalay

2.4K 134 15
                                        

HULING araw na ng Foundation Day, at sa wakas, sa araw na 'to, wala nang pakpak na karton at corn syrup na dugo! Buti na lang talaga pinag-day off nila ako dahil sa totoo lang, nagsisimula na akong malito kung tao ba ako o wakwak talaga na na-trap sa katawan ng isang magandang estudyante.

Pupunta ako ng school ngayon para mag-enjoy naman. Inilista ko na sa planner ko ang lahat ng gagawin at lahat ng booths na kakainan ko para hindi masayang ang oras ko. Mission: Enjoy the carnival without the IK-IK sound!

Simpleng white t-shirt at black skinny jeans na pinaresan ng puting Converse shoes lang ang isinuot ko. Tapos, konting pulbo, at isang pahid ng liptint—gora na!

Simplehan lang natin. Wala naman tayong pinapagandahan, 'di ba? Wala nga ba? Napatingin ako sa salamin at pasimpleng inayos ang buhok ko. Okay, fine. Siguro gusto ko lang na kapag nakita ako ng isang bampirang kilala ko, hindi na niya ako tawaging "dugyot." Just a tiny bit of effort won't hurt!

Habang isinisintas ko ang kaliwang sapatos ko, biglang tumunog ang messenger notification sa laptop ko. Agad akong gumapang palapit para silipin kung sino ang istorbo sa pag-aayos ko.

📲 HeartRob: Babe, ready na? I'm on my way.

Napangiwi ako sa nabasa. Nakakapanibago lang na tinatawag na niyang 'babe' si Lexie. Sa mga araw na nagdaan, hindi ko man lang napansin na may something na pala sa dalawang 'to. Akala ko simpleng hatid-sundo lang sa GT-R ang ganap nila—'yung tipong "as a friend" lang.

Masaya ako para sa kaibigan ko, pero sana naman, konting respeto sa aming mga single na pader lang ang kayakap gabi-gabi. Simula kasi no'ng naging sila, ginawa na nilang extension ng diary nila ang group chat sa kaka-labing-labing.

📲 Pinakabaliw (Me): Pwede namang i-PM, 'di ba? Respeto naman sa mga single. 😒😑🙄 

📲 Lexi: May nag-breakfast ata ng ampalaya. Ang BITTER! 😂🤣😂🤣 

📲 LouieGwapo: Hi, babes @Pinakabaliw 💕 

📲 Pinakabaliw (Me): SEEN 🙄

Isang mabilis na notification ang lumabas—may nag-like sa reply ko kay Louie. At sino pa ba? Walang iba kundi si Shaun Joshua Sy. Napakunot ang noo ko. Bakit niya ni-like 'yon? Siguro aksidente lang? O baka natatawa siya sa pagka-reject ko kay Louie?

Papatayin ko na sana ang laptop nang may pumasok na mensahe. Isang private message mula sa lalaking nagpapatakbo ng marathon sa puso ko.

📲 Shaun Joshua Sy: Where are you?

Hindi ko maiwasang mapangiti. Aaminin ko, wala namang ka-espesyal-espesyal sa tanong niya, pero iba talaga ang dating kapag sa kanya galing. Feeling ko, importante ako. Feeling ko, hinahanap niya ako.

Nabuhayan ang dugo ko. Sasagutin ko sana ng: "NASA PUSO MO 💞😘"

HAHAHA! Harot mo, Xena!

Pero dahil mukhang hobby talaga ni Shaun ang sirain ang araw ko, napaismid na lang ako sa sunod niyang sinabi. Sumandal ako sa upuan at nawalan ng gana.

📲 Shaun Joshua Sy: I need you to do something.

Sht. Nakapagpahinga nga ako sa pagiging manananggal, pero ang lalaking 'to, mukhang walang planong bigyan ako ng day-off sa pagiging julalay niya. Akala ko pa naman, kaya siya nag-chat ay dahil sasabihin niya ang linyahan ni Rob na: "I'm on my way. Sunduin kita."

Asa ka pa, Xena! Ano pa bang mapapala ko sa isang Shaun Joshua Sy?

Imbes na replyan ang mensahe niya, padabog kong pinatay ang laptop at tumayo. Bahala siya sa buhay niya! Mangisay siya doon sa kakahintay ng reply ko. Wala siya sa agenda ko ngayong araw, at hinding-hindi ko sasayangin ang day-off ko para lang maging utusan niya.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon