One thing that I've learned from the Meeting French Parents 101 lesson ni Eve ay: WIN OVER HIS MOTHER TO WIN THE RACE. Heto na nga ang pagkakataon na ia-apply ko ang lahat ng natutunan ko. Pero hutang'na, nakaka-amnesia ang kaba! Para akong estudyanteng nag-review para sa Math pero pagdating ng exam, biglang naging Ancient Greek ang questions!
Xen, kalma ka lang... hingang malalim at—TAKBO!
Heheh, joke lang. Hindi rin naman ako makakatakas dahil may nakabakurang "hinayupaks" at baliw sa likod ko, plus a very watchful Eve. Stay focused, Xen, because you only have one chance to make a good first impression. You should nail this and don't mess this up! Failure is not an option, unless gusto kong mag-swimming sa Seine River nang walang salbabida.
Palihim kong pinagmasdan ang Mommy ni Shaun habang kausap niya ang mga boys. She looks subtly sexy, natural, relaxed, and yet casually elegant. She doesn't even look like she's in her 40s! Para siyang si Kyla minus the bouncy personality—yung tipong boses pa lang, parang may kasamang harp music sa background. Alam ko na kung saan nakuha nila Shaun ang hazel eyes feature nila. Her calmly observant eyes scanned me from head to toe, making my anxiety "quack" again. Dagdag mo pa ang straight face niya na hindi mo mabasa kung anong iniisip—kung "Welcome to the family" ba o "Who invited this fruitcake?"
Adults make me nervous, who doesn't? Lalo na 'pag parents ng boyfriend mo! Hay, nakakahawa na ang English ni Shaun, pati brain cells ko nag-i-import na ng vocabulary. Pero seryoso, naco-conscious ako! Mukha ba akong kagalang-galang? O mukha akong kinaladkad mula sa kalsada? Sabi nga nila, fake it 'til you make it. Smile and wave—charot!
Gustong-gusto kong tinititigan ang mga mata ni Shaun dahil sa nakakamanghang kulay nito—iyong kulay na parang honey na natatamaan ng araw, nakakalunod na ewan. At nang makita kong ganoon din ang mga mata ng Mommy niya, hindi ko mapigilang mapangiti. Iisang hulmahan talaga, bulong ng isip ko.
Pero iyong ngiting pilit kong ipinapaskil sa mukha ko? Jusmio, facade lang 'yan. Sa loob-loob ko, hinding-hindi maipapaliwanag ang giyera na nangyayari sa system ko. Pakiramdam ko, bawat neuron sa utak ko ay sabay-sabay na nag-uumpugan at naghahanap ng exit door. Iyong tipong kahit gusto mong maging matapang para sa pag-ibig, iyong sarili mong katawan na ang nagpapatawag ng emergency meeting para umatras. Takot na takot ako—hindi dahil sa masama silang tao, kundi dahil baka sa isang maling galaw ko lang, magiba ang imahe na matagal na iningatan ni Shaun para sa akin.
Sa sobrang lutang ko, wala sa sariling na-vocalize ng talapindas kong bibig ang nasa isip ko...
"So pretty, walang kupas. Sana all..." mahinang bulong ko habang tulala pa rin sa ganda niya.
Nabalik lang ako sa wisyo nang makarinig ako ng mahinang tawa mula kay Madame Richelieu. Hala! Narinig niya?! Sa puntong iyon, gusto ko nang lamunin ng carpet. Hindi ko alam kung dapat ko bang i-congratulate ang bibig ko o i-disown na ang sarili ko sa hiya. Naintindihan niya ba ang Tagalog o natawa siya kasi mukha akong ewan?
Nataranta ako at mabilis na hinalughog ang utak ko para sa French translation ng "You're beautiful." Kahit hindi ako sure kung tama ang conjugation o kung magmumukha ba akong slang, sinabi ko pa rin ang tanging naalala ko mula sa tutorial ni Eve.
"Te...ta..to—Tu es belle," bati ko sabay ngiti nang kay tamis (na may halong panginginig ng labi). Tapos, pasimple kong kinabig ang braso ni Shaun at bumulong, "Shaun, anong French ng 'Sana all'? Bilisan mo, baka ma-expire na 'tong confidence ko!"
Imbes na i-save ako sa kahihiyan, tinawanan lang ako ng hinayupak! Sa gitna ng seryoso kong kaba, nakuha niya pang mag-enjoy. Pero kahit asar ako, doon ko na-realize na baka hindi naman kailangang maging perpekto.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
