XENICA POV
5 DAYS LATER
THIS week is by far the best. Kalmado, walang gulo pero maraming nangyaring maganda. This really calls for a celebration! Unang-una, dalawang araw mula no'ng nangyari ang pagtatangka sa ICU, idinischarge na si Shaun sa hospital. Kasabay no'n ang pagkagising ni Glen tapos today, ibinalita sa amin ni tita ems na gising na si Eve!
I'm-in-tears!
Narealize kong malakas pa rin ako kay Lord dahil dininig niya ang prayers ko! Amen.
Ay meron pa palang magandang nangyari sa araw na 'to.
NANGINGITING sinusulyapan ko ang katabi ko ngayon dito sa classroom. Yes, may katabi ulit ako. It's been 3 days since nakalabas ng hospital si Shaun then today, pinayagan na siyang pumasok ulit. Inspired na naman ako! Tear of joy ulit.
Kagat-kagat ang dulo ng ballpen ko habang nakangisi, lumingon din ang prospect kong gwapo sa akin at agad ko siyang kinindatan. Nangiti naman ang hinayupak sa ginawa ko, kinilig?
Halinpandot ka talaga Xen. Ha-ha.
Tumingin na ulit ako sa harap at nawala ang mahaharot kong ngiti nang sinabi ni ma'am, "Get one-fourth sheet of paper."
Mabilis na lumingon ako sa likod at inilahad ang palad ko kay Louie. "Pengi. 'Di ako nakabili ng papel." pinanliitan ako ng mata ni Louie hinayups habang hinahati ang papel niya sa apat. Dinilaan pa. Nang mahati na, inilahad niya sa akin 'yong papel. Tinitigan ko lang 'on nang nakangiwi.
"Alam mo ba na isa sa mga ginagamit na materyales sa paggawa ng papel ay poop ng elephant?! Tapos dinilaan mo 'yan? Yak!"
Natigilan si Louie sa sinabi at tila naduduwal. "D-Di nga?!"
"Oo nga!" gatong ko pa. Nakikinig pala sa amin si Rob na namomroblema rin sa papel.
"Akin na nga lang 'yan!" sabi ni Rob na hinablot ang papel na hinati ni Louie. "Di naman amoy tae." inamoy pa talaga.
Gagi. Bago pa umabot sa kung saan ang eta na 'yan, lumingon na sa direksyon ni Shaun na matino namang hinahati ang papel niya. 'Di gaya no'ng isa!
"Sana all may papel. Pahinge ako." malambing na sabi ko.
Binigyan naman niya ako agad pero bago niya ibinigay 'yon, may sinulat pa siyang maliit na heart! Pwaha, kilig ako do'n. "Talande talaga~" kinikilig ako niyan to the bones.
Nakangisi rin si Shaun habang nagsusulat ng pangalan niya sa papel niya. Hinahalukay pa rin ang tiyan ko sa kilig, anemel! Siyempre, may pambawi ako do'n sa kaniya...
"Shaun~" malambing na tawag ko. Lumingon siya sa akin. Nakapangalumbaba ako habang matamis na nakangiti sa kaniya. 'Yong kamay ko na nasa baba, hinay-hinay kong ginawang finger heart tapos nag-flying kiss pa ako. Ayie—
"Miss Montel?"
Napabalikwas ako ng tayo sa gulat nang tawagin ako ni ma'am! Harujusko! Tumalon puso ko kung saan. Sa'n na 'yon?! Nawindang ang braincells ko at 'di nakapag-isip nang maayos, bigla ko na lang nasabi, "Present!"
Na ikinatawa ng mga classmates ko. Buset na 'yan! Natawa din si ma'am pati 'tong katabi ko, tinatawanan ako. Nag-finger heart siya pero 'di na ako kinilig dahil pumangibabaw na ang hiya, taragis! Namamanhid pisngi ko. Pa'no nga ulit mag-evaporate? Nahuli ba ako ni ma'am na nag-fi-finger heart?!
"Tapos na attendance natin, baliw!" natatawang bulong ni Lex.
"Alam ko!"
Nakangisi rin si ma'am sa nangyari, "Miss Montel, good to know that you're present." sabay sa trip na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Novela JuvenilWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
