111: A flatline in the rain

403 22 0
                                        

Wala ako sa sariling kinukuskus ang crack sa screen ng phone ko habang dahan-dahang nalulunod sa lalim ng sarili kong mga iniisip. Ramdam ko ang tila nagbabara sa lalamunan ko—isang masakit na bara habang pilit kong nilalabanan ang bawat patak ng luha. Ngunit sadyang mabigat talaga ang loob ko hanggang sa tuluyan na itong nag-umapaw. Gamit ang aking hintuturo, mabilis kong pinunasan ang malalaking butil ng luha sa ilalim ng mga mata ko bago pa ito tuluyang dumausdos sa aking pisngi. Huminga ako nang malalim, pilit na kumukuha ng hangin sa gitna ng paninikip ng dibdib.

"It's okay to cry, the sky does it too," basag ni Cy sa nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan. "Ang buhay parang tag-ulan. May kalungkutan at mga bagay na hindi inaasahan, pero ang maganda 'don, hindi 'yon nagtatagal. You can't have a rainbow without a little rain, Xenatot."

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na marahang tinapik ang balikat ko, isang pag-alo na tila sinusubukang buuin ang mga basag kong piraso. Lumingon ako kay Cy at pilit na tinaasan siya ng kilay.

"Kumo-quotes ka na naman," biro ko sa kaniya, sinusubukang ibalik ang dating sigla ng boses ko.

He let out a chuckle as he turned the steering wheel to the left, his eyes fixed on the road but his presence fully focused on me. "Marami akong baong quotes. Wanna hear more?" ani niya, may halong pangungutya pero ramdam ang malasakit.

"'Wag na, baka mapa-emote pa ako nang todo," natatawang sabi ko, kahit ang tawang iyon ay hanggang labi lamang. "Dating gawi na lang sa tag-ulan!"

Pinasigla ko ang boses ko at pilit na itinago sa pinakamadilim na sulok ng puso ko ang pighati. Sumagi sa isip ko ang mga alaala noong mga bata pa kami—ang walang pakialam na pagligo sa ulan, ang mga panahong ang tanging problema lang namin ay kung kailan kami papauwiin ng mga magulang namin.

Nagtama ang mga mata namin ni Cy, at sa isang saglit, tila nagkasundo kami sa dating kalokohan. Parehas kaming natawa, muling binalikan ang mga nakakatawang moments noong bubwit pa kami. Pero gaya ng ulan, ang saya ay panandalian lang. Umayos kami ng upo at muling binalot ng katahimikan ang bawat sulok ng sasakyan. Tumingin ako sa screen ng cellphone ko at hinimas muli ang basag na bahagi nito—parang ang sarili kong pagkatao, may lamat na hindi na kayang itago.

"Hindi ko na kilala ang sarili ko," bigla kong sabi, halos bulong na lamang.

Tumawa nang mahina si Cy at saglit na lumingon sa akin, ang kaniyang tingin ay puno ng misteryo at lalim. "Gusto mo ipaalala ko sa'yo kung sino ka?"

Bumuntong-hininga ako at tumingin ulit sa bintana, pinapanood ang mga patak ng ulan na tila nakikipagkarera sa salamin. "Sige nga. Gano mo 'ko kakilala?"

"Sino ka ba talaga, Xenatot?" panimula ni Cy, may halong panunukso ang tono.

"Ikaw si Xenica Diaz Montel, my sister from a different mother. 5'0" sa edad na labing-walo. Nakilala kita noong eight years old ka—noong lumipat kayo sa tapat ng bahay namin sa Woodridge. Homeschooled ka not until lumipat kayo sa Texas noong thirteen years old ka..."

Habang patuloy siyang nagkukuwento, tila isang sirang plaka na bumalik sa alaala ko ang kabataan ko.

Believe it or not, homeschooled ako mula anim hanggang labintatlong taon. Papa almost never left my side. At kapag kailangan niyang umalis, iniiwan niya ako sa mga kaibigan niya na parating bumibisita sa bahay. Hindi ko maintindihan noon kung bakit ganoon siya kaprotektado sa akin. Super protective to the extent na hindi niya ako pinapalabas ng bahay. Hindi ako nakalalabas ng bakod! Para akong si Rapunzel with a twist—walang mahabang buhok, pero nasa loob ng bartolina.

Pinapagalitan niya ako tuwing nagtatanong ako kung bakit hindi ako katulad ng ibang bata. He would instead counter-question me: "PANO KUNG MAWALA KA? PANO KUNG MAKIDNAP KA?"

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon