Special Chapter 3

770 36 13
                                        

NAKAKUNOT ang noo ko habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang brand ng chocolate syrup na hawak-hawak ko. I know na masarap 'tong dalawa pero alam kong isa sa kanila talaga ang dadalhin ka sa heaven sa sarap—charot!

Shaun knows best sa mga ganitong bagay. Wala kasi dito sa hypermarket sa Pinas 'yong brand ng chocolate syrup na binibili namin sa France. Iniharap ko kina Lex, Nisha, at Eve ang mga nasa kamay ko.

"Sa tingin niyo mga baliw, ano ang mas masarap?"

Tinuro ni Eve 'yong Hershey. "This one looks healthy. It's sugar-free," she said.

"Those are both chocolate and we know chocolate is the best. So for me, masarap sila pareho," sagot ni Lex.

Kinuha ni Nisha ang mga chocolate syrup sa kamay ko at inilagay ito sa cart. "Wag mo na pahirapan ang sarili mo, baliw. Bilhin mo na 'yong dalawa," she said.

"Oo nga naman. Bakit 'di ko naisip 'yon?" bulong ko sa sarili. Sumilip ako sa cart na halos mapuno na dahil sa mga kung ano-anong nilalagay nila. "May nakalimutan pa ba tayong bilhin?"

Napapalakpak ng isang beses si Eve na tila may naalala. "Candies. Hindi pa natin nabibili ang candies for the kids," she said.

"Tara sa snack aisle then magbayad na tayo. Kanina pa ako nagki-crave ng cinnamon bread na nakita ko sa coffee shop sa labas. Amoy na amoy ko siya from here," pumikit si Lex at huminga nang malalim para singhotin ang amoy ng cinnamon.

"Magmumukhang cinnamon 'yang pamangkin namin," pang-aasar ni Nisha.

"Excuse me. I'm not pregnant," alma ni Lex.

"Yan din ang sinabi ko no'n," nakangising sabi ko. Naalala ko tuloy 'yong araw na nalaman kong buntis ako.

"H-Hindi nga ako buntis. Tantanan niyo ako. Nagugutom lang 'yong tao, buntis agad," sagot ni Lex. Wala sa sariling nilagay niya ang isang lata ng sardinas sa cart.

"Sardines?" nagtatakang tanong ni Eve. "Aanhin natin 'yan, baliw?" dagdag ni Nisha.

Dinampot niya ulit ang lata at ibinalik sa shelf. "Akala ko tomato sauce," mahinang sagot niya.

"Ang laki ng mukha ng isda sa lata tapos napagkamalan mong tomato sauce. Nahahalata ko nang wala ka sa sarili ah. May dapat ba kaming malaman?" pinanliitan ko siya ng mata as if interrogating her.

"N-Napaka-overthinker niyo, alam niyo 'yon? Hindi pa ako sure—este wala akong dapat sabihin," sagot ni Lex. Nagkatinginan kaming tatlo nina Eve at Nisha. "Mga gaga. Gutom nga lang talaga ako."

Tinulungan ako ni Eve at Nisha na itulak ang cart then we replied in unison, "Sabi mo, eh," in a sarcastic way.

Nilampasan namin siya pero natigilan kami sa sunod niyang sinabi. "Delayed na ako ng one month but—"

Napabitaw kaming tatlo sa cart, nilingon si Lex at nagsitili na parang timang! Buti na lang kakaunti ang tao sa part na 'to ng grocery store.

"Seriously? This calls for a celebration!" Eve exclaimed.

"Teka lang, girls—" Lex didn't even get a chance to speak.

"OMG, namiss ko na bumili ng mga baby stuff. Should we go to the baby section after this?" excited na sabi ni Nisha.

"Ano ba, 'di pa natin alam ang gender. Toys na lang muna!" nasasabik na sabi ko.

"Baliw, ikaw na nagsabi na 'di pa natin alam ang gender!" sagot ni Nisha.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon