Marami-rami ata ang kasalanan ko sa past life ko kaya minamalas ako nang husto ngayon. Gusto ko na lang talagang magpaipit sa pinto ng elevator para ma-deads, tapos bawi na lang sa next life—charot!
Pero seryoso, gusto ko na talagang maglaho sa kinatatayuan ko. Masamang tingin ang ipinukol ko sa likod ni Shaun habang nakatayo ako sa likuran niya sa loob ng elevator. Ayaw kasi akong pahiramin ng pampasahe sa taxi! Pinilit niya akong sumama rito. Buset talaga.
Tinanong ko siya kung saan kami pupunta, pero sinagot lang ako ng tipid na, "Follow me." Aba, napaka-bossing! Basta ang alam ko lang, papunta kami sa 30th floor. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi niya naman siguro ako hahalayin? O kakatayin? Hay, ewan. Sa sobrang seryoso ng mukha niya, mahirap basahin kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
Naiinis man ako sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda ng likod niya. Tipong-tipo ko 'yung ganyang hubog—broad shoulders, matikas, at mukhang kayang pasanin ang lahat ng problema ko sa buhay. So masculine!
Sarap mag-piggyback ride sa likod na 'yan!
Wooooy, Xenica! Erase, erase! Ang dumi ng isip mo, may krimen ka pa ngang itinatago sa likod mo, 'di ba?!
Hindi ko namalayan na nangingiti na pala ako habang pinagmamasdan ang likod niya. Agad akong umayos at yumuko, nagkunwaring naghahanap ng barya sa sahig nang bigla siyang lumingon. Talas talaga ng pakiramdam ng hinayupak na 'to, may radar yata sa likod ng ulo.
He didn't say a word. Saglit lang siyang tumingin bago muling nag-iwas ng tingin.
Dahil hindi naman siya kalayuan sa pwesto ko, amoy na amoy ko ang pabango niya. Pagkatapos ng lahat ng takbuhan at habulan kanina, hindi man lang siya nangamoy pawis! Mas lalo pa atang bumango ang hinayupak. Jusmio, heaven scent.
Pasimpleng akong humakbang papalapit, 'yung saktong distansya lang sa likod niya para masigurado ko kung totoo ba ang naaamoy ko. Maamoy nga...
Bango talaga—
"You're sniffing like a dog," malamig at seryoso niyang sabi nang hindi man lang lilingon.
"Oo, bango kasi ng ulam—"
Nanlaki ang mga mata ko at agad napatakip ng bibig. Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko pa siya nang hindi sinasadya. Shuta! Ano'ng ulam?! Ano'ng aso?!
"P—Pinagsasabi mo?!" pagdedepensa ko agad kahit huli na ang lahat.
He shrugged, letting out a low, playful smirk na parang sinasabi niyang, 'Huli ka, ulam pala ha?' bago tuluyang lumabas ng elevator.
Nasa 30th floor na pala kami. Naiwan akong mag-isa sa loob at agad na sinampal-sampal ang sariling bibig, pati na rin ang mga pisngi kong nagliliyab na sa kahihiyan. Jusko, Xenica! Lupa, kainin mo na ako! Tuloy, gusto ko na lang magpaiwan dito, bumaba sa ground floor, at maglakad pauwi—kahit paika-ika at may bitbit na 'crime scene' sa likod. Shuta.
Pasara na ang pinto ng elevator nang biglang may kamay na humarang dito.
"Are you just going to stand there and wait for the elevator to swallow you, fruitcake?" tanong ni Shaun. Nakataas ang isang kilay niya, hinihintay ang susunod kong move.
"Ha—"
Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Walang pasabing hinawakan niya ako sa braso—marahan pero sigurado ang pagkakahawak—at hinila ako palabas. Halos maduwal ang puso ko sa bilis ng tibok nito nang lumapit kami sa isa sa mga pinto sa palapag na 'yon.
Napaawang ang bibig ko nang makitang naka-high tech smart door lock ang pinto. 'Yung may keypad at fingerprint scanner na kagaya sa mga K-Drama!
Gosh. Sarap baklasin at ilipat sa pinto ng kwarto ko sa apartment. Heheh!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
