Third Person's POV
FEW MINUTES BEFORE THE INCIDENT.
Magkasunod na umakyat sa ikalawang palapag ng parking lot ang dalawang magagarang sasakyan. Lulan ng GT-R sina Rob at Louie, habang sakay naman ng itim na sportscar sina Shaun at Glen.
Unang nakahanap ng pwesto sina Shaun, samantalang sina Rob nama'y nagpaikot-ikot pa. Sa kalagitnaan ng paglilibot, isang pamilyar na bulto ang nahagip ng mga mata ni Louie.
"Look who's here," nakangising sabi ni Louie. "Si Xen ba 'yan?"
"I think so," sagot ni Rob.
Mabilis na inabot ni Louie ang busina at pinatunog ito nang sunod-sunod para makuha ang atensyon ng dalaga. Sandaling lumingon si Xenica, nasilaw pa sa liwanag ng kanilang headlight, bago nagpatuloy sa paglalakad.
"'Yon, may bakante! Kung sinuswerte ka nga naman, malapit pa sa entrance," ani Louie habang itinuturo ang isang slot. "Bilis, dude. May mammal na nakasunod, baka maunahan tayo."
Inapakan ni Rob ang gasolinador nang mapansin ang sasakyang nagtatangkang mag-overtake sa kanila. Malapit na sana sila sa pwesto nang biglang may tumawid na lalaking naka-hood. Halos magliyab ang gulong ng GT-R sa biglaang pagpreno ni Rob.
Binuksan ni Louie ang bintana para murahin ang lalaki, pero hindi sila nito nilingon. Pasuray-suray ito at tila may hinahanap o sinusundan. Sinundan ni Louie ng tingin ang lalaki at nakita itong tumungo sa direksyong nilakaran ni Xenica kanina.
Nang ma-i-park na ang sasakyan, lumapit na rin sina Glen at Shaun na nakasaksi sa muntikang aksidente.
"Napansin niyo 'yon?" tanong ni Glen.
"Lasing. Sa mall. Sa ganitong oras?" seryosong saad ni Rob. "Muntik pa kaming makapatay dahil sa kanya."
"Pagod na raw siya sa mundo," kantsaw ni Louie habang tumatawa. "Naisip niya siguro, 'Ayos 'to, rich kid 'tong sasagasa sa'kin, paldo agad!'"
"Sa'n na sila?" pag-iiba ng usapan ni Glen, tinutukoy sina Lex, Nisha, at Xen.
"Nasa Bibi Boutique na raw 'yung dalawa," sagot ni Rob.
"Pero 'yung isa, nakita ko kanina. Sure ako na siya 'yon," sabat ni Louie habang kinakalikot ang cellphone. Nginuso niya ang direksyon ng CR at pilyong ngumisi kay Shaun. "Baby girl mo, Sy. Pumasok doon. Gusto mo sundan?"
Shaun didn't answer immediately. He stared at the CR entrance for a second too long before shifting his gaze back to Louie, his expression unreadable.
"Fck off, Delfin," he muttered coldly, but he started walking toward the mall entrance.
Alam ng tatlo na may kakaiba na sa kaibigan nila. Mas madali na itong madala sa mga biglaang gala, lalo na kung alam nitong makakasama ang babaeng parati nitong inaasar. Minsan nga, ito pa ang nag-aaya. Idinadahilan lang ni Shaun na gusto niya lang "pagbayarin" si Xenica sa mga atraso nito, pero sa tingin nila, mas malalim ang dahilan ng binata.
"Sige na, bibili na tayo ng panyo," pang-aasar ni Rob, dahil iyon ang dahilan na ibinigay ni Shaun kung bakit sila nasa mall.
"Bimbo dapat bilhin mo," gatong ni Louie. "Para mautusan mo si Xen na lagyan ka ng powder sa likod after basketball practice, Kid--."
Shaun's gaze snapped to Louie, his expression turning ice-cold. "Finish that sentence, Louie, and I'll bury you in this parking lot. Shut the hell up."
"Nag-su-suggest lang!" Nang-aasar pa ring sagot ni Louie, ginagaya pa ang boses ni Shaun, "I'm just suggesting!" ulit nito.
"Baka mag-volunteer ka na kunin na lang ni Kamatayan kapag natamaan ka ng kamao ng isang Sy," pabirong paalala ni Rob habang abala sa pakikipag-chat kay Lex.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
