HINDI naman kalakihan ang sweldo ko sa café. Saktong-sakto lang talaga na pambayad doon sa kinain nila. Masama man ang loob ko, tinanggap ko na lang—nilunok ko ang pride ko kasabay ng laway ko. Total, pambayad ko naman talaga sa kanya 'yon dahil sa mga nasira ko.
Kaso, nakakainis talaga 'yung part na naisahan niya ako. At mas masakit? 'Yung part na hindi man lang ako nakakurot kahit isang libo man lang para sa sarili ko. Goodbye, yellow stuffed toy. Hanggang tingin na lang muna ako sa'yo.
Nakadapa ako sa kama habang isinusulat ang mga halagang deducted na sa utang ko kay Shaun. Seryoso ang lola niyo, parang nag-a-audit ng kumpanya.
My "Operation: Alipin No More" List:
₱20
₱50
₱100
₱20,000 (The legendary deduction!)
₱0.50
Yes, every peso and cents counts. Wala tayong itatapon dito. Napabuntong-hininga ako habang inililista ang bagong deduction.
"Four thousand, three hundred seventy," sambit ko habang isinusulat ang apat na numero na muntik nang ikamatay ng wallet ko.
On the brighter side, malaki ang nabawas sa utang ko today. Isipin ko na lang na investment 'to para sa kalayaan ko. Ayos na rin siguro 'yon. Di bale na nga lang, kaysa naman isipin ko nang isipin at magka-wrinkles pa ako sa inis.
Dinampot ko ang chocolate na ibinigay ni Glen kanina. Binalatan ko ito at malungkot na kinain. Lasang luha at ninakaw na sahod, pero masarap pa rin. At least, ito man lang, libre.
Hindi ko alam kung anong meron sa chocolate na 'to, pero masasabi ko talagang tama sila Lex at Nisha. Nahihimasmasan ako dahil sa lasa nito—iyong tamis na may kasamang kakaibang pait na sosyal. Kumagat ulit ako at napangiti. Mukhang may bagong paborito na ako!
Lumapit ako sa laptop para i-search ang pangalan ng chocolate. Gusto ko malaman kung sa'n 'to nabibili para kung sakaling magkapera na ulit ako, makakabili ako ng stock. Pwede ko naman sanang tanungin si Glen, pero huwag na lang. Hindi kami bati.
Lahat ng kaibigan ni Shaun, hindi ko bati. Period. No exceptions!
Kagat-kagat ko ang chocolate bar habang tinatype ang pangalan na nasa pakete nito: TO'AK. Sosyal pakinggan, parang pang-alta.
Kinagatan ko ang huling malaking tipak ng chocolate habang hinihintay na lumabas ang resulta mula sa Google. Saktong lulunukin ko na sana ang nginunguya ko nang biglang lumabas ang resulta—kasama ang litrato at ang presyo.
Jusmio!
Muntik na akong mabilukan. Halos maibuga ko ang chocolate sa screen ng laptop ko!
TO'AK CHOCOLATE: $450 per bar.
Dali-dali akong nag-compute sa isip ko. Kung ang exchange rate ay nasa 56 pesos... ang isang bar na nilalantakan ko ngayon ay nagkakahalaga ng mahigit 25,000 pesos?!
Napatigil ako sa pagnguya. Nakatitig lang ako sa kakarampot na pirasong natitira sa kamay ko. Iyong chocolate na kinakain ko, mas mahal pa sa kinain nilang set sa café! Mas mahal pa sa isang brand new na cellphone!
Kaya pala sabi ni Nisha, "This will help you feel better." Malamang! Kumakain ako ng ginto!
——
Ipinangako ko sa sarili ko kagabi na titipirin ko ang chocolate, pero sad to say, pinapipyestahan na ito ng mga bulate ko sa tiyan ngayon. In short, naubos ko na siya kagabi pa! Paano ba naman, bawat kagat ay lasang langit na may halong 25,000 pesos. Sino ang hindi gaganahan?
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Fiksi RemajaWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
