11: False Alarm

3.4K 144 16
                                        

LAHAT ng kaklase ko'y natahimik, at natigilan sa mga ginagawa nang makita akong pumasok ng classroom. Sobrang kaakit-akit ko kasi sa araw na'to—charot lang. Pero seryoso, awang-awa ang mga mata nilang nakatuon sa akin. Inulan rin nila ako ng mga tanong. Kesyo napa'no raw ako, bakit ganito itsura ko.

"Mahabang istorya, guys. Wag kayo mag-alala. Okay lang ako." malumanay na sagot ko sa kanila.

"Hoy, Xenica. Dapat umabsent ka nalang." worried na suhestyon ng class president namin na awang-awa sa itsura ko, "A—Ayos lang talaga ako, pres."

Hindi ko na pinansin ang ibang tanong ng mga kaklase kong usyosero't usyusera. Tinungo ko na ang upuan ko. Huminto muna ako saglit para tingnan ang pwesto ng hari ng mga h1nayupak na nakakapagtakang bakante kahit malapit na ang oras ng klase. Mas nauuna kasi 'yon sa'kin parati.

Muli akong humakbang patungo sa upuan ko at maingat na umupo. Ayaw kong masira ang ayos ko; gumising pa naman ako nang maaga para lang makapagbihis ng ganito. Habang inaayos ko ang pagkakasandal ng saklay sa gilid, biglang naging radar ang tenga ko.

Narinig ko ang usapan ng dalawa kong kaklase sa likuran. Halos manlaki ang pandinig ko nang mabanggit ang pangalan ng mga h1nayupak—lalo na ang kay Shaun. Pasimple kong iniusog ang upuan ko pa-backwards para mas masagap ang tsimis.

"Hay, wala pala inspiration natin today, bes."

"Eh? Bakit raw?"

"Nagtext si Louie kay Pres. Sabi may emergency raw kaya aabsent muna silang apat. Hindi ko rin alam kung ano ang emergency na'yon..."

Hindi ko na pinakinggan pa ang iba pang mga salitang lumabas sa bibig nila. Sapat na ang narinig ko para magpa-party sa isip ko today!

May mga pagkakataon talaga na nakapaganda ng salitang ABSENT sa pandinig ko. Absent sila...absent si Shaun—wala ang h1nayupak!

"YES!" bigla kong sigaw.

Sa sobrang tuwa, napatayo ako at napasayaw pa—kumakaldag-kaldag pa habang isinisigaw ang, "WOOOH!" Para akong nanalo sa lotto. Pero sa gitna ng selebrasyon ko, biglang tumahimik ang paligid. Natigilan ang mga kaklase ko at halos malaglag ang mga panga sa nakita. Lahat sila, nakatitig sa binti ko na balot ng benda.

"Napilay ba talaga siya?"

"Mukang hindi katawan ang injured. Utak."

"Sinasabi niyo?" taas kilay na tanong ko sa dalawang babaeng nagbubulongan sa likuran ko na rinig ko naman. Mabilis silang nagsiiling at nag-alay ng pilit na ngiti. "W—Wala! Sabi namin, mukhang okay na 'yang binti mo," palusot nung isa sabay turo sa paa ko.

"Okay na okay!"

Nahimasmasan talaga ang puso ko na muntik nang magkapulikat dahil sa kaba. Ikaw ba naman ang makawala ng iPhone?! Pero dahil wala pa ang h1nayupak sa paningin ko, nakahinga muna ako nang maluwag. Sulitin ko na ang bawat segundong wala siya; may oras pa ako para mag-isip ng solusyon bago niya ako mahanap at tuluyang gawing meryenda.

"Oh, my gosh! Baliw! Anong nangyari sa'yo? Napa'no ka? Bakit ganyan?!"

Histerikal na tanong ni Nisha na kakarating lang, halos malaglag ang panga habang nakatingin sa benda sa binti ko at sa "himala" kong pagsasayaw kanina. Imbes na magpaliwanag, isang malapad na ngisi lang ang itinugon ko sa kanya.

"Mahal talaga ako ni Lord, Nish," sabi ko habang dahan-dahang nauupo, feeling blessed sa gitna ng trahedya.

"Pasalamat ka talaga't may konting puntos ka pa kay kamatayan at hindi ka pa tinuluyan. Napa'no ka ba?" tanong din ni Lex na kakarating lang, bakas ang tunay na pag-aalala sa mukha.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon