78: LUNA

603 35 0
                                        


Nang mapulot ko ang phone, mabilis ko itong sinagot nang pabulong. "Shau—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may marahas na umagaw nito mula sa kamay ko! Napapikit ako nang masilaw sa flashlight na itinapat diretso sa mukha ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko at literal na nanigas ang buong katawan ko sa nakita.

Dalawang lalaking armado ang nakayuko at seryosong nakatitig sa akin!

Napalunok ako, pero mukhang natuyo na ang lalamunan ko sa sobrang takot. Should I play dead? Dala ng matinding kaba, kung ano-ano na lang ang pumasok sa utak ko. Bigla ko na lang itinaas ang kamay ko at kinawayan ang dalawang mamang masama ang tingin sa akin.

Hilaw akong napangiti. "MEOW?" sabi ko sabay kalmot sa hangin. "P-pusa po ako. Namamalikmata lang kayo sa nakikita niyo..."

Nagsitawanan sila sa sinabi ko kaya nakitawa na rin ako—kahit labas sa ilong. "Ha-HAHAHAHA—"

Biglang napawi ang tawa nila at tiningnan ako ulit nang masama. Doon na ako nabilaukan sa sarili kong tawa.

"Kami ba ginagag* mo, HA?!" Marahas akong hinila patayo ng isa sa kanila.

"ARAY KO NAMAN! High blood agad?!" reklamo ko. Nasilaw ulit ako nang itutok niya ang flashlight sa mukha ko kaya sa sobrang inis at kaba, tinabig ko iyon gamit ang ulo ko na parang toro! Bull's eye! Nahulog ang flashlight niya sa lupa.

Sinubukan kong magpumiglas pero masyadong malakas si kuya. Hawak-hawak niya ang dalawang kamay ko sa likuran kaya parang manok akong hindi makawala.

"SHAUN! TULON—$@%!"

Agad niyang tinakpan ang bibig ko. Nanlaki ang mata ko at muntik na akong maduwal.

PWE! Amoy yosi, amoy putok, at amoy ewan ang kamay ni kuya! Dugyot! 

Nang bitawan niya ang bibig ko, agad siyang sumigaw. "BOSS!" kumuha iyon sa atensyon ng lalaking may armas sa grounds. 

Dahil lumingon siya, parang bulateng inasinan akong nagpumiglas hanggang sa nabitawan niya ang kamay ko. Kinuha ko ang oportunidad na iyon para kumaripas ng takbo sa dilim!

"Bwisit na babaeng 'yan! HABULIN NIYO!" rinig kong utos nung Boss. Galit na galit ang boses niya, parang dragon na naubusan ng apoy.

Pero dahil nga hindi kami bati ng gravity at madilim ang paligid, bigla akong natumba! Tumama ang tuhod ko sa isang matigas na bato kaya napapilipit ako sa sakit. Lord, kailan ba magiging kampi sa akin ang lupa?!

Kaso wala na akong oras para damhin ang hapdi dahil naririnig ko na ang mga yabag nilang papalapit! Pinilit kong tumayo at paika-ikang pinagpatuloy ang pagtakbo. Bawat hakbang, ramdam ko ang tibok ng puso ko sa tenga ko.

Bakit ba ako hinahabol ng mga animal na 'to?! Hindi naman siguro ako ang pakay nila, 'di ba? SHT! Sino ba ang mga ito? Hindi kaya mga sasaeng fans ito ni Shaun at reresbakan na ako dahil jinowa ko ang bias nila?!

K-pop pa more, Xena! Mapapatay ka na, bias pa rin ang nasa isip mo!

"JESUS-MARY-JOSEPH-SHAUN... HELPPPP!" bulong ko sa hangin.

Dahil nga kakambal ko ang kamalasan simula nung pinanganak ako, nadapa na naman ako. Sa pagkakataong ito, naabutan na ako ng dalawang goons na hingal na hingal din gaya ko. Tatayo na sana ako para sa ikatlong round ng pagtakbo, pero mabilis niyang nahila ang damit ko!

"Tatakas ka pa, ha?!" singhal nung lalaki, halos magbuga na ng apoy ang ilong niya.

"S-sinong may sabi na tatakas ako?!" bawi ko, hinarap ko siya kahit nanginginig ang tuhod ko. "T-tinitest ko lang kung mabilis kayo tumakbo! Congrats, passing grade kayo!"

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon