Napansin ni Shaun ang nanggagalaiti kong mukha at mukhang na-gets na niya agad ang sitwasyon. Inakbayan niya ako bigla—isang madiin at pagmamay-ari na akbay. Chin up at taas-kilay kong tiningnan ang tatlong bubuyog na ngayo'y hindi makapaniwala sa nakikita nila.
Humigop ako sa slurpee ko habang nakatitig sa kanila. Pagkabitaw ko sa straw, hinawakan ni Shaun ang kamay ko, inilapit ang slurpee sa mukha niya, at nakiinom din... take note, iisa lang ang straw! Literal na napatulala ako. Buset, kinilig ako! Tila naman tinakasan ng dugo sa katawan ang tatlong babae nang mapagtantong ako pala ang girlfriend, at nasa likod lang nila ako habang pinagnanasaan nila ang "Honey" ko. Tarantang napatakbo sila palayo habang nakayuko sa sobrang hiya. Victory!
Pero nang mawala na ang mga epal, doon lang ako nahimasmasan. Nabalik ang wisyo ko sa posisyon naming dalawa. Dahil hindi ako komportable na may nakaakbay sa akin sa publiko, dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya. Pero bago ko pa maalis, pinigilan niya ang kamay ko.
"What are you doing?" / "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" sabay naming sabi.
Nagsukatan kami ng tingin. Nakita ko ang pagdidilim ng mga mata niya. Naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin kaya kahit labag sa loob niya, bumitaw siya sa pag-akbay at halatang nadismaya.
"Is this really necessary?" bulong niya, ang boses ay malamig at puno ng pagkadismaya. Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin—mula sa mainit na kilig, naging nagyeyelong tensyon.
"O-Oo naman! Nga pala... ano'ng una nating sasakyan?" pag-iiba ko ng usapan para lang makatakas sa mapanuri niyang titig.
Huminga siya nang malalim at umiwas ng tingin. "Whatever you want," maikli niyang sagot.
Nagkatinginan ang mga kaibigan namin. Ramdam na ramdam nila ang biglang pagbagsak ng mood ni Shaun Joshua Sy. Agad akong inakbayan ni Lex at kunwari ay hinila pabalik sa store, pero alam kong kakausapin lang niya ako tungkol sa nangyari.
"You know, a little PDA won't hurt, baliw. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mo, and I've been there. 'Yan nga ang rason kung bakit kami naghiwalay ng first boyfriend ko," seryosong sabi ni Lex na agad kong ikina-alarma. Hala, may pinanghuhugutan!
"Totoo 'yan. Guys secretly crave for PDA. Affection makes him feel special, and there's an extra layer of excitement kapag ipinapakita mo sa iba na sa 'yo lang siya," paliwanag niya habang nakatingin sa malayo. Nakinig lang ako, dahan-dahang tinatamaan ng konsensya. "That excitement keeps your relationship fresh."
"Oo na, ikaw na expert! Kaso 'dalagang Pilipina yeah' nga tayo," nanlulumong sagot ko. "Baka kung ano pa ang sabihin ng iba."
Napailing na lang si Lex at piningot ako nang mahina sa tenga.
"Kahit pumayag si Shaun na ayaw mo sa PDA, you hurt him unconsciously sa mga ginagawa mo. Jusmio, baliw! Ang gwapo ng boyfriend mo, deserve niyang ipagmalaki! Akala mo naman ang ganda-ganda mo—ahhh! Aray ko!"
Kinurot ko nga. Buset, nang-insulto pa sa dulo!
Sinilip ko sina Shaun mula sa malayo. Nag-uusap na sila nina Louie at itinuturo ang higanteng roller coaster. Jusmio, 'wag 'yun ang unahin namin! Pero kahit mukhang seryoso siya sa usapan nila, ramdam ko pa rin ang "distansya" sa aura niya mula kanina.
"Buset ka talaga! Hindi ko siya kinakahiya, 'no! Talagang conscious lang ako. Alam mo na, baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa paligid!" pagpupumilit ko pa rin, kahit na deep inside, nararamdaman ko nang may punto si Lex.
"Ay, hayaan mo sila. Again, slight touches lang—'wag 'yung extreme. No tonsils fighting in broad daylight, okay?" paalala ni Lex.
"Ha? Nag-aaway ba ang tonsils?" tanong ko, seryosong nagtataka.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
