122: Egg Salad realness

502 27 1
                                        


9 days later...

Inilibot ni Nisha, Lex, at Eve ang mga dilaw na bulaklak sa paligid ng hinihigaan ni Xena. Matapos nilang gawin 'yon, iniabot nila Louie ang isang paper bag na may lamang scented candles. Pinagtulungan nilang ilagay ang mga ito isa-isa sa paligid at sinindihan rin ito isa-isa nila Rob at ni Glen.

Pagkatapos nilang ma-arrange ang mga iyon, isa-isa na silang nagsitayo sa gilid at tinitigan ang kaibigan na nakahimlay.

"Para lang siyang si sleeping beauty." mahinang sambit ni Lex na nakatitig sa payapang mukha ni Xen. Tumingala siya at di na napigilang suminghot, naiiyak siya.

"A-ano kaba. Wag ka ngang umiyak. A-ayaw ni baliw ng ganyan." sita ni Nisha kay Lex.

"Mukang kulang pa ata 'yong flowers. Lagyan niyo siya sa tenga ng isa." utos ni Rob.

Agad 'yong ginawa ni Eve. Lumayo siya at tumabi ulit kay Glen. Inilingkis niya ang braso sa braso nito at humilig. "I want to cry." nagpipigil na sabi ni Eve.

"Babe, she may be gone but never from out hearts." tumango si Eve sa sinabi nito.

"Hindi ako makapaniwala na nangyayari 'to—" hindi na natapos ni Louie ang sasabihin dahil hindi na nito napigilang mapahagulhol.

"Mag pakatatag ka, dude." mahinang sabi ni Rob sa kaibigan at inakbayan ito.

"Masakit man pero kailangan nating tanggapin." mahinang sabi ni Lex sabay kuha sa papel niya. "Simulan na natin ang dasal. Simulan mo na Louie."

"Tang'na—" bulong ni Glen. He pursed his lips para pigilan ang bibig.

"Repeat after me." seryosong sabi ni Louie at tumitig sa papel. "Lakasan mo para matulak ang espirito niya sa langit!"

"Sige sige..." huminga siya ng malalim. Nagsipikit silang lahat. Sinimulan niya nga ito na animo'y isang albularyo dahil tono ng pag basa dito. Dagdag mo pa ang dala nitong mga dahon na kinuha pa nila sa garden ng mga Alberto.

"Ipaspas mo sa mukha niya ha." utos ni Nisha. Tumango naman si Louie.

.
.
.
.

Sa gitna ng seryosong atmospera, biglang nag-iba ang tono ni Louie. Ang kaninang tunog-albularyo ay naging kanta ng malokong pagbati, habang ang barkada naman ay tila mga choir members na sumasabay sa bawat linya.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" sigaw ni Louie sabay paspas sa mukha nito ng mga dahon.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" sabay-sabay na ulit nila, "HAPPY BIRTHDAY SA BULINGGIT NA 'TO!"

"HAPPY BIRTHDAY SA BULINGGIT NA 'TO." "SANA SA ARAW NG KAARAWAN NIYA'Y MAREALIZE NIYA."

"SANA SA ARAW NG KAARAWAN NIYA'Y MAREALIZE NIYA."

"NA KAMING MGA KAIBIGAN NIYA AY DESERVE ANG 1 MILLION NA AYUDA KADA ISA!"

"NA KAMING MGA KAIBIGAN NIYA AY DESERVE ANG 1 MILLION NA AYUDA KADA ISA!"

"NAWA'Y GISINGIN NIYO NA."

"NAWA'Y GISINGIN NIYO NA."

"DAHIL, GANO'N PARIN, ANG HEIGHT NIYA'Y PAGOD NA AT HINDI MADADAGDAGAN PA."

"DAHIL, GANO'N PARIN, ANG HEIGHT NIYA'Y PAGOD NA AT HINDI MADADAGDAGAN PA."

Napaigting si Xena sa mga narinig at napabangon nang wala sa oras. Nahulog ang bulaklak sa tenga niya nang bigla siyang mapaupo sa kama, nanlalaki ang mga mata at gulo-gulo ang buhok. Teka!

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon