Huminga ako nang malalim, trying to steady my breath and calm the panic rising in my chest. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Parang naparalisa ako habang pilit na ina-absorb ang lahat ng nangyayari.
Galit siya. He was like a living, breathing angry brick, and it really scared me. I never saw him act like that or make such a big deal out of a guy simply talking to me.
Napag-usapan na namin 'yon, eh. Pero bakit bigla-bigla na lang siyang susulpot at nanununtok? That was uncalled for. Kung sino mang dapat magalit dito, hindi siya kundi ako. Sinapak niya si Kei na wala namang ginagawang masama. Napatingin ako kay Kei na putok ang labi at may dugo pa sa ilong. Shet, he hit him hard.
I mean, I admire guys who know how to fight, pero hindi sa ganitong paraan. Aminado ako na may nalabag ako sa rules niya, pero sapat na ba 'yong rason para manuntok? I don't think so. He's getting way overboard.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa halo-halong nararamdaman. Naiinis ako na nasasaktan—ay, ewan! Hindi ko na mapaliwanag. Nangibabaw ang kaba na baka kung ano pa ang magawa niya o kung tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Walang pasabing iniwan ko si Kei at ang gulo sa rooftop. Kahit naka-isang sapatos lang ako (dahil binato ko 'yung isa!), tumakbo ako palabas para sundan si Shaun. Hindi pwedeng matapos ang araw na 'to nang ganito lang.
Hindi pa nga ako nakakalayo, may humawak na sa braso ko para pigilan ako sa binabalak ko. Nilingon ko si Lex na umiiling.
"Xen, mas makakabuti sigurong palamigin mo na muna ang ulo ni Shaun—"
Inalis ko ang pagkakahawak ni Lex sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Desidido ako. Hindi pwedeng ganito na lang lagi. Tinangka niya ulit na hawakan ako sa braso pero tinabig ko ito at hinarap siya nang may halong inis.
"Kailangan ko siyang kausapin. He's way too jealous and that's inexcusable, extreme, and immatur—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ako sa magkabilang braso at niyugyog nang bahagya, para bang sinusubukan akong gisingin sa realidad.
"Kumalma ka nga! Sa tingin mo, makakapag-usap kayo nang maayos kung ganyan kainit ang mga ulo niyo?" Nagkibit-balikat ako at nag-iwas ng tingin sa sinabi niya. "Siguro makakapag-usap pa rin kayo, pero pustahan, hiwalayan ang kakahantungan niyo," dagdag niya na ikinalingon ko ulit sa kaniya.
"Ayoko sa ginawa ni Shaun pero not to the point na makikipaghiwalay ako sa kaniya," malumanay na sabi ko, pero ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Umiling-iling ulit si Lex.
"Baliw, listen. Sarado ang utak kapag galit. Hindi mo na maipro-process nang maayos ang iniisip mo. You guys might just end up making a decision that you will regret kung pipilitin niyong mag-usap ngayon na nasa boiling point pa ang init ng ulo niyo," mariing sabi ni Lex.
Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa sahig. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Maya-maya, may tumawag sa kaniya at agad niya itong sinagot.
"Babe... heto, mainit din ulo ni Xen. Sige, kayo na muna bahala d'yan. Kausapin ko muna 'to," pagkasabi niya niyon ay tumingin siya sa akin at ibinaba ang tawag.
I sighed out of frustration. Sumandal ako sa pader at napahawak sa noo ko. Ang gulo. Ang gulo-gulo ng lahat.
"Mag-usap kayo pag malamig na mga ulo niyo." Umismid ako sa sinabi niya at huminga nang malalim. "Kahit kurot na kurot na ako sa'yo, gusto ko muna marinig ang side mo bago kita i-judge," dagdag pa ni Lex habang tinititigan ako nang diretso.
"Hoy, baliw! Ba't kung makapagsalita ka, parang ang laki ng kasalanan ko?" nakangusong sabi ko, ramdam ang bigat ng dibdib ko. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na ako dapat ang nagagalit dito at hindi siya!"
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
