Buti na lang talaga to the rescue si Glen noong gabing iyon, kundi baka naging "pinitpit na Xena" na ako o kaya nama'y pinaglalamayan na panigurado. Childish man ang ginawa ko sa kotse niya, deserve niya 'yon.
Mula nang mangyari ang incident na 'yon sa café, hindi na ako tinantanan ng mga baliw kong kaibigan sa pang-aasar. Kesyo kaya raw lumapit si Shaun sa counter ay dahil nagselos siya sa hottie barista. Jusmio! Kung alam lang nila ang mga sinabi ni Shaun ng gabing 'yon, baka matahimik sila. Ayoko nang maalala—masakit sa pride, nakakahiya!
Nag-unat ako bago tuluyang bumangon sa kama. Sa wakas, Biyernes na rin! Sa kagustuhan kong matapos na ang weekdays para makapag-day off naman ako sa mga utos ni Shaun, tila nang-aasar naman ang oras at sadyang bumagal ang takbo.
Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang kawawa kong face. "Oh my gash, what happened to your eyes? Kawawa ka naman, self." May namumuo nang masamang panahon sa ilalim ng mata ko, plus may eyebags pa na pwedeng paglagyan ng grocery. Kasalanan talaga 'to ng Hari ng mga Hinayupak na 'yon.
Late na kasi akong nakakauwi araw-araw dahil sa shift ko na 8 PM to 12 Midnight pag weekdays. Tapos, hindi pa ako natutulog agad pagkauwi dahil nagko-computer pa ako. You know, Facebook... scroll-scroll, stalk nang kaunti. Ang ending? Mukha na akong panda na may pinagdadaanan.
Buntong-hininga. Hangga't hindi ko nababayaran ang otsenta mil na 'yon, hindi na babalik sa normal ang buhay ko. Prank pa more, Xena! Ayan ang napala mo sa pagiging bida-bida.
Tumunog ang chat notif mula sa computer. Si Nisha pala, nag-chat sa group chat namin. Binasa ko ang mensahe niya habang hirap na hirap nagsusuot ng medyas.
Baliw the First (Nisha): @Xenica baliw! Dala ka extra damit mamaya, rubber shoes na rin. 👟
Lexi removed you from the group: T-shirt at shorts, undies na rin. 😜😝
Pinakabaliw (Xena): Di ako na-inform, weekend outing ba? 😒
Baliw the First (Nisha): Basta... may pupuntahan tayo. See you at school. 😘
Lexi removed you from the group: 🤭🤫
Tch. Hindi na bago sa akin 'yang mga last minute gala usapan nila. Bahala sila d'yan. Male-late na ako kung susundin ko pa ang mga dress code nila. At isa pa, wala akong oras gumala dahil may work pa ako mamayang gabi. Sayang ang kikitain kung mag-a-absent ako.
Uulitin ko: Every peso counts. Pak! Hinding-hindi ako magpapadala sa budol ng dalawang 'to habang may 80k na utang na nakabitin sa leeg ko.
-----
Sana pala nagpa-late na lang ako. At least kung late ako, may excuse ako. Eh ngayon? Maaga ako. Which means may quality time pa ang Hari ng mga Hinayupak para sirain ang umaga ko.
Pagpasok ko pa lang ng classroom, boom. Nandoon na siya. Nakaupo. Humihinga. Nabubuhay. Nakakairita.
"Hey, Fruitcake."
May narinig akong tinig mula sa kailaliman ng impyerno. Rule number one: kapag may demonyong tumawag, 'wag sasagot. Mamamahay ang malas sa noo mo.
Pero grabe... aminin natin... nakakakilig talaga 'yang "Fruitcake." Hmp. Control yourself, Xena. Hard-to-get muna tayo. Strategic landi.
"Hey, Fruitcake. I'm talking to you."
Alam ko. Naririnig kita. Surround sound ka pa nga. Pero nek-nek mo, hindi tayo bati. Manigas ka diyan. Muntikan na niya akong e GRAND CAR MASSACRE!
Nanatili akong nakatitig sa notebook ko, kunwari ay seryosong-seryoso sa pagbabasa kahit ang totoo ay "Nisha + Lex = Mga Baliw" lang naman ang nakasulat doon. Ramdam ko ang pag-init ng aura sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
