56: Silent Treatment, Loud Heart

842 47 7
                                        

Dapat siguro, manatili na lang ako sa apartment kapag may "special visitor of the month" ako. Kinurot-kurot ko ang bibig kong talapindas. Kung ano-ano kasing lumalabas sa 'yo kapag sinusumpong ka, 'yan tuloy! Sising-sisi ako sa pagsagot-sagot kay Shaun Joshua Sy. Matahi nga 'tong bibig ko!

Walang pansinan. As in, zero. Kahit bangayan man lang sana—kahit insultuhin niya lang ako na slow-witted—papatusin ko na, basta may marinig lang ako sa kanya. Pero wala talaga. Tatlong araw na.

Sipain ko kaya 'tong desk niya?

Napaismid ako habang nakatingin sa hinayupak kong seatmate. Nakadukdok lang siya, nakaharap pa sa kabilang side. Nanadya talaga ang lolo niyo. Him and his headphones—ignoring me like I'm some invisible ghost. The classic, lethal Shaun Joshua Sy silent treatment.

Mukhang hanggang dito na lang siguro ang one-sided love ko, bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko na kailangang umamin. Obvious naman, 'di ba? Kung may gusto ka sa isang tao, hindi mo matitiis nang ganito katagal. Pero siya? Kayang-kaya niya akong ituring na parang hangin lang sa tabi niya.

Napabuntong-hininga ako. Drained. Tatlong araw na akong hindi nakakapag-charge kasi hindi niya ako pinapansin, at mukhang balak niyang gawing forever ang blackout na 'to.

I leaned my head on my desk, facing away from him too. If he wants a war of silence, fine. But my heart felt heavy—parang 'yung flat na gulong niya nung isang araw, ganoon din 'yung nararamdaman ko ngayon. Flat. Walang hangin. Wasak.

Masiglang bati ni Trish sabay lapag ng isang bouquet at isang box ng chocolate sa desk ko. Imbes na matuwa, napadausdos ako sa upuan ko hanggang sa halos sahig na ang kaharap ko.

Ano ba 'yan! Tatlong araw na rin akong pinapadalhan ni Ryu ng ganito. "Pasasalamat" daw sa pagsagip ko sa kapatid niya. Pero hello? Ngayon may pabulaklak pa! Ano na lang ang iisipin ni Kyla? Ano na lang ang iisipin ng buong mundo?!

Napansin ni Trish ang nakabusangot kong mukha. "Ayaw mo ba?"

"Akin na lang?" tanong niya, nagniningning ang mga mata.

Walang ganang tumango ako at iniabot ang bulaklak sa kanya. Pati 'yong chocolates binigay ko na rin. Wala akong panlasa para sa matamis ngayon. Kelan nga ba ako huling nagkaroon ng energy na kasing-taas kay Trish? Tumatalon-talon pa siya sa tuwa habang bitbit ang "ayuda" ko mula kay Pres.

Kalat na rin sa campus na boyfriend ko si Ryu. At kung sino man ang nagpakalat niyan, walang iba kundi 'yong prutas na sumasabog! Buset ka talaga, Cherry. Niluluto mo kaming lahat sa sarili nating mantika.

Sa gitna ng daldalan ni Trish, biglang tumayo si Shaun. Walang pasintabi, walang salita. Dire-diretso siyang naglakad palabas ng room na parang wala siyang katabing tao. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Konti na lang, makukumbinsi na ako na refrigerator siya sa past life niya—grabe ang lamig! Magkaka-frostbite na yata ako sa silent, icy treatment niya.

Ang hirap mong i-charge, Shaun Joshua Sy. Masyadong mataas ang boltahe ng pride mo.

"🎶 Aaaraaaay, araaaay nakooo... Ang sakit naman ng ginawa mooo... Araaaaaay—ARAY!" hiyaw ni Louie nang tamaan siya ng notebook na ibinato ko.

"Nambabato! Inaano ka? Kumakanta lang," reklamo niya habang nakahawak sa ulo. "Background music lang para sa emote mo, babes—HOY! MASAKIT 'YAN!" Napatakbo siya sa likod ni Nisha nang makitang itinaas ko ang tumbler ko.

"Good job, Lou," nag-apir pa silang dalawa ni Nisha. "Para naman may feelings 'yang pag-eemote mo riyan," dagdag pa ni Nisha.

"S—Sinong may sabing nag-eemote ako? Sure kayo? Dami niyong alam!" Marahas kong binuklat ang libro ko para kunwari ay nag-aaral. "Wag nga kayong isturbo. Nagbabasa ako."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon