Xena's eyes bleed in pain. Tears spilt over and flowed down her face like a river escaping a dam—solemn tears. Bawat patak ay tila humihingi ng tawad, bawat hikbi ay isang panalangin na sana'y huwag siyang iwan nito. Yumuyugyug ang kaniyang balikat habang nakasubsob at nakayakap sa nobyong nakahiga at walang malay. Ang kaniyang pag-iyak ang tanging ingay na bumabasag sa nakabibinging katahimikan ng silid.
Her touches and her voice awakens Shaun's consciousness. His fingers moved.
Sa simula, everything was a blur. Tahimik ang kwarto bukod sa mabibigat niyang paghinga at tunog ng aparato na nagsasabing buhay siya. The rhythmic beeping of the monitor was like a distant drum, pulling him back from the void.
Pungent smell of hospital disinfectant invade his nostrils. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, squinting in attempt to sharpen the blurred images before him. Masakit sa mata ang liwanag, tila tinutusok ang kaniyang paningin.
Unti-unti na itong lumilinaw. Blue and white color schemed hospital bedroom. Napapikit siya ulit. How long have I been here? tanong niya sa sarili. Pilit niyang inalala ang huling nangyari, bawat detalye. Then it hit him with a bang. Ang malamig na tubig, ang takot, ang paghabol sa hininga—the memories started to occupy his thoughts like a tidal wave.
Binuksan niya ulit ang mata niya. Napatitig siya sa kisame, illuminated with a white fluorescent light. Pakiramdam niya'y parang nagising siya sa isang napakahabang tulog. Hindi niya maalala kung paano siya eksaktong nakarating doon, but one thing's for sure, he is alive.
His series of thoughts was interrupted when he heard someone gasping frequently—sobbing. Isang pamilyar na boses. Isang boses na kahit sa kabilang buhay ay hinding-hindi niya malilimutan. Naramdaman niyang gumalaw ang tila nakadagan sa dibdib niya na ngayon lang niya namalayan. Isang mabigat pero mainit na pakiramdam.
Out of impulse, he traveled his hand to his chest at kinapa niya ang bagay na 'yon.
Ang kaniyang mga daliri ay dumaan sa malambot na buhok bago dumapo sa nanginginig na balikat ni Xena. Sa gitna ng kaniyang panghihina, pinilit niyang igalaw ang kaniyang palad para haplusin ang ulo ng dalagang hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
Naramdaman niya ang basa at mainit na luha ni Xena na tumatagos sa kaniyang hospital gown. Isang mahinang ungol ang kumawala sa kaniyang lalamunan—isang pagtatangka na tawagin ang kaniyang pangalan, ngunit ang tanging lumabas ay isang paos na hininga.
Napabalikwas si Xen, napaalis sa pagkakayakap sa nobyo nang maramdaman niyang may biglang humawak sa ulo niya. Napasinghap siya at napatakip ng bibig nang makitang bukas na ang mga tila inaantok pang mata ni Shaun.
"Oh, m-my G-god! G-Gising ka n-na."
She stutterly exclaimed in a low high-pitched voice. Hindi makapaniwala sa nakikita. Hot tears continued to stream down her face. Kinusot pa niya ang mga namamasang mata to make sure na hindi siya namamalikmata—totoo nga.
"WAAAAH! Gising ka na—"
"Urghf!"
Shaun made a weird grunting sound nang bigla siyang dambahin ng yakap ng nobya. Napangiwi siya. Hindi naman masakit—insert sarcasm here. Bumitaw si Xen nang mapansin ang hitsura nito. "Ay, sorry!"
Magsasalita sana si Shaun but he croaked. Sobrang tuyo ng lalamunan niya. Pinindot ni Xen ang nurse call button para ipaalam na gising na ang nobyo. Nagsidatingan ang mga kaibigan nila pati si Kyla na hindi rin masukat ang tuwa nang makitang gising na ang kapatid. Kasabay rin n'on ang pagdating ng doctor at mga nurse.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
