Abala ang lahat para sa Armani Foundation Day bukas, pero ako? Gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
Buset na President kasi! Sa dami ng booth, Haunted House pa ang napili. Go na go naman ang mga kaklase ko habang ako ay malapit na mag-collapse sa takot. Imagine, sa abandonadong building pa kami nag-setup—'yung tipong may mga ligaw na kaluluwang handang maki-join sa group picture anytime.
Shutang'na lang talaga. Ayoko na!
Naiingit ako sa mga h1nayupak. Dahil varsity sila ng basketball, exempted ang mga loko sa paggawa ng booth. Habang ako ay nagtatabas ng karton sa Haunted House, sila malamang ay nagpapa-cool lang. Hustisya, nasaan?!
Buti na lang, kinulang kami sa materyales. Ako agad ang nag-prisintang bumili—legit na rason para takasan ang "horror house" na 'yon! Bitbit ang mga baliw, dumaan muna kami sa isang boutique sa mall.
"I like this!" tili ni Lex habang winawagayway ang isang cute dress.
Sinilip ko ang price tag at halos himatayin ako. Agad ko itong binitawan na parang napaso. "Ang mahal! Isang kidney na yata 'to!"
"I know. Pero worth it naman para sa image ko," katwiran niya.
"Sino na naman kaya ang pinopormahan niyan?" makahulugang hirit ni Nisha.
"Pinagsasabi niyo? I need to maintain my image as the Armani Queen, 'no!" depensa ni Lex habang inaayos ang buhok. "Model student ako, so kailangang presentable parati."
"Maniwala," sabay naming hirit ni Nisha.
"Yah!" natatawang hinampas niya sa amin ang dress na hawak niya.
Pero mas bet ko 'yung kulay sunshine yellow na nakita ko. Kinuha iyon ni Lex, binalik sa rack, at tiningnan ako nang may halong panghuhusga. "Wala ka talagang taste kaya wala kang boyfriend, baliw."
"Loser ang mga lalaking looks lang ang tinitingnan," pagmamalaki ko. "Gusto ko 'yung magugustuhan ako kahit ano'ng itsura ko. At saka, dagdag gastos lang ang pagpapaganda!"
Inusog ko nang kaunti ang upuan—este, ang tayo ko—at tiningnan si Lex nang mapanuri. "At saka, aminin mo na kasi. Para kay Rob 'yang outfit na 'yan, 'no?"
Napatigil si Lex sa pag-aayos ng damit. "H-Huh? Anong Rob?"
"Sus, kunwari pa. Napapansin ko na ang closeness niyo lately, ha. Kulang na lang ay langgamin kayo sa lobby," pang-aasar ko. Halata namang may "something" sa dalawa, ayaw lang umamin ng lola niyo.
Hinawakan ako ni Lex sa balikat para ibahin ang usapan. "Baliw, alam kong kuripot ka, pero seryoso... tinitipid ka ba ng dad mo?"
Mabilis kong inilagay ang hintuturo ko sa labi niya kaya siya natigilan. Tila nakuha niya naman ang gusto kong sabihin—na ayaw ko 'yong pag usapan.
Umatras siya bahagya, at napangiwi.
"Seryoso, ang baho ng kamay mo!" pag-iiba niya ng usapan. Nandidiring pinunasan niya ang kanyang labi.
"Tapos dinikit mo pa sa lips ko. Oh my gosh!"
"Hoy, naghugas ako ng kamay. " natatawang inamoy ko ng kamay ko, "Amoy sanitizer pa nga." paniniguro ko. Nagtawanan kaming tatlo habang papalapit sa counter.
"Pakiramdam ko, malapit ka ng magka-boyfriend, baliw. Mukang alam ko na kung sino. Siya ay si... " nakapikit na sabi ni Nisha na animo'y pinapakiramdaman ang universe.
"Sino?" hindi na makapaghintay na tanong namin ni Lex. Matapos ang limang segundo, dumilat siyang may nakakalokong guhit ng ngiti sa mga labi.
"Sabi ng universe, magkaka-jowa ka na raw at ang pangalan ay... Shaun—madefader! Aray ko naman, baliw!" namimilipit na reklamo niya habang hawak-hawak ang baby fats niya na kinurot ko nang pino.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
