NAIIYAK ako sa sinapit ng sports car ni Shaun. Wasak na wasak ang bumper nito dahil sa pagbangga niya kay "Kuya Bitter" noong gabing iyon para lang iligtas ako. Nakokonsensya ako. Wala akong pera para ipaayos iyon kaya simula sa araw na ito, magpapakabait na ako sa kanya. Walang taray, walang away—
Tug.
Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng silya ko mula sa likuran. Inignore ko.
Tug.
Huminga ako nang malalim. "Hinayupak. Stop tapping my chair. Inaano ka ba?" mariin kong bulong sa epal kong katabi nang hindi siya nililingon.
Binabawi ko na. Hindi ko kayang magpakabait. Noong isang linggo, iwas na iwas siya, tapos ngayon ayaw akong tantanan. Hindi siya nakatingin sa akin; diretso lang ang tingin niya sa board habang kaswal na tinatadyakan ang dulo ng silya ko.
Nang mapansin niyang hindi ko pa rin siya pinapansin, naramdaman ko ang bahagyang pagyuko niya. Ang boses niya ay naging mababa—isang malamig na bulong na para sa aming dalawa lang.
"You're ignoring me now?"
Hindi siya nagrereklamo. Hindi rin siya naglalambing. It was a statement—low, calm, and dangerously casual. Nag-init ang pisngi ko kaya mas lalo kong itinuon ang tingin sa blackboard.
"Class dismissed," anunsyo ng teacher namin.
Nakahinga ako nang maluwag at agad sinamaan ng tingin si Shaun. Nakapangalumbaba lang siya sa desk niya habang nakatitig sa akin—walang emosyon, pero mabigat ang presensya.
"Ano?" iritang tanong ko. "Stand up."
Padabog akong tumayo. Sige na, malaki ang utang na loob ko sa isang 'to dahil sa pagliligtas niya sa akin, kaya magpapakabait tayo ng very light.
"May iuutos ako—"
"Saglit." Napansin ko ang balikat niya. "What are you doing?" tanong niya nang bigla kong pagpagin ang kaliwang bahagi ng polo niya.
"May dandruff," biro ko. Tarantang inalis niya ang kamay ko sa balikat niya at sinuri iyon, pero wala naman siyang nakita.
"Joke. Pinagpag ko lang para mapaalis ang demonyo riyan sa balikat mo. Baka kung ano pang kademonyohan ang ibulong sa iyo," tumawa ako nang mahina para pagaanin ang tensyon.
Shaun didn't laugh. Bagot na bagot lang ang mga matang nakatingin siya sa akin, tila hindi tinatablan ng mga hirit ko. Tumikhim ako. "Ano ba iuutos mo?"
Sa halip na sumagot agad, binitiwan niya ang pagkaka-pangalumbaba at tiningnan ang tumbler na nasa ibabaw ng desk ko. Hindi siya nagpaalam. Hindi siya nagtanong.
"You're not using it," flat at malamig niyang sabi. It wasn't a question; it was a fact.
Bago pa ako makasagot, kinuha na niya ang tumbler ko. Walang pag-aalinlangan niyang binuksan ito at tinungga. Napatigil sina Rob, Glen, at Louie sa gilid—laglag ang mga panga habang pinapanood si Shaun.
Teka lang. Akala ko talaga, tatanggihan niya iyon! Ininuman ko pa iyon five minutes ago at kitang-kita ko kung paano niya tinungga ang tubig nang walang pag-aalinlangan. Nakatitig lang ako sa adam's apple niya na tumataas-baba sa bawat lagok. My gaze drifted to his lips—the same lips now pressed against the rim of my tumbler.
Shuta. Ito ba ang tinatawag nilang indirect kiss?
Napaawang ang bibig ko at wala akong naisagot. Bago ko pa mabawi ang tumbler ko, tinawag siya ng isang SSC officer. Tumayo siya, pero imbes na bitawan ang tumbler, bitbit niya itong lumabas ng room.
"Teka... da...dalhin mo na rin 'yong may-ari," bulong ko sa sarili ko habang nakatulala sa likod niya hanggang sa maglaho siya sa pasilyo. Shutaaaa. Isang Shaun Joshua Sy, nakihati ng tubig sa akin?
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
